read.cash Log in
@Roni

Blessed morning sa inyong lahat mga ka-noise! Iba talaga kapag nasa sariling bahay ka na, iba ang feeling. Nakapag-bike na ako nito pero sandali lang. Nang pauwi na ako, bumili ako ng pancit palabok at saging latundan. Kahit ang daming pagkaing iniluluto sa Bataan na-miss ko itong pansit palabok. Pero babalik uli ako doon next week dahil madami pa ring ire-repack para sa mga dadalhin nila pag-balik nila sa States. At magkakaroon pa ng kaunting handaan bago sila umalis. Kahapon naman ng hapon bumili ako ng pizza at sprite para sa snack namin. Dito lang sa pizza parlor na malapit sa amin, pero masarap naman at di rin pahuhuli ang lasa sa mga branded pizza. O paano, kakainin ko na itong pinicture kong almusal, kain na rin kayo bago ituloy ang iba pang gawain ngayon. Enjoy your day, mga ka-noise/Ka-Pilipinas!

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.