read.cash Log in
@Roni

Bodega Happy Monday morning, mga ka-noise/ka-Mema! Ang project naming tatlong magkakapatid na lalaki ngayon ay itong ipinapagawang bodega sa amin ni mother sa side o bandang likuran ng bahay niya! Gagawin namin itong bodega para pag-alis daw niya iyong ibang pinamili niyang importanteng gamit ilagay niya dito. Kaya tataasan namin ang pader, lalagyan ng bubong, kisame at pintuan siyempre! Ila-lock pag-alis niya, pero iyong bunso kong kapatid na lalaki na may hawak ng mga susi ng bahay, from time to time, titignan din, aayusin o kung kailangan pagpagin iyon ang gagawin niya pag nakabalik na sa States ang mother namin. Well, ito muna ang update ko para sa araw na ito, at pasens'ya na kung pasilip-silip lang ako dito. At dahil pahinga muna kami after ng half day na paggawa namin, magla-lunch muna at mag-papahinga. Mga 2 pm pa uli namin itutuloy, so may enough time ako na mag- ingay dito ha-ha! Happy lunch, everyone! Let's enjoy our meal!

10 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.