Old Filipino Tv Shows: 90's-20's Throwback's. Excited na ba kayo?, Bago niyo basahin ang article na ito, gusto ko munang alalahanin natin sabay-sabay ang mga dating palabas, na ating napapanood. Yung kahit may pasok tayo bukas, ang importante ay mapanood natin at matapos kung ano man ang pinapanood natin. Isa to sa mga naabutan kong palabas nung ako'y bata pa, mga palabas na minsang nagpaantig ng aking puso sa murang edad, na ngayon ay alaala nalang. Mga TV shows na palaging pabalik-balik saaking isipan, tara na't atin itong isa-isahin itong alalahanin, kasabay ng ating pagtanda. **Wansapanataym** *(1997-2005,2006-2007,2010-2019)*
Napanood ko to nasa limang taon siguro ako, nasamanila pa ko nung unang napanood ko yung palabas na ito. Tandang-tanda ko pa yun, manika pa yung gumanap saka di ko kilala yung artistsa, pero yung manika kalag humiling ka ay tinutupad lahat ng mga kagustuhan mo, dito rin nagumpisa yung childhood ko na sobrang saya. Yung tipong, takasan ko tong palabas na ito para makalimot sa puro away ng magulang ko. ***Di ko maiwasang mapangiti kapag naaalala ko to.*** **Batibot (1991-1994)**
Naaalala niyo pa ba to? Naaala ko lagi ko ito inaabangan sa tv, naalala ko alasotso to palagi pinapalabas, todo abang ako dito lalo na at ayaw nilang binubuhay ng maaga yung tv. ***2001 ako pinanganak pero naabutan ko sa cable to.*** **Sineskwela (1994-2004)**
Sinong hindi makakalimot dito? Isa to sa pinakamagandang palabas sa ABS-CBN kung saan may matututunan ka talaga, dito ko nga nalaman kung pumuputok bulkan saka yung iba pang bagay tulad ng pagdaloy ng kuryente. Sobrang saya mapanood to tuwing umaga. Lagi ako inuutusan noon, kapag eto pinapanood ko di ako nakikinig kaya laging napapalo, Pero ayos labg atleast napanood ko. (***Sayang, di ko alam kung bakit nila inalis to.***) **Mathinik (1997-2004)**
Sa totoo lang palagi ako nanonood noon dito pero bobo parin ako sa math hanggang ngayon 🤣. **Joaquin Bordado (2008)**
Hindi naman ako mahilig sa action, pero eversince mapanood ko to noon sa GMA halos naging mahilig ako sa action, thriller. Jusko dzai, hanggang ngayon. Elementary days eh, magmamadali ka pa makauwi mapanood lang to sila. **Majika (2006)**
Aminin ko man o hindi, oo dito ako unang kinilig. Napapagalitan ako kasi may pasok bukas tapos puyat ako dito, minsan pinapatay nalamg nila bigla tv eh. **Mulawin**
Dito ko unang nagustuhan is Richard Gutierrez, halos di ko pinalampas to. Lalo na nung iniligtas niya si angel at dun sa labanan nila. Jusko mga sis nakakamiss!. **Encantadia (2006)**
Sa totoo lang, sa lahat ng pinakagusto kong version, 2006 pa rin yung pinakadabest sakin. Habang pinapanood ko to noon kada gabi, di ko maiwasan kung paano nila isacrifice yung isang bagay. Although bata pa ako nun, pero sobrang mahal na mahal ko yung palabas na ito. **Zaido**
Jusko dzai ayaw kong aminin na isa to sa sinubaybayan ko noon HAHAHAHA. **Dyesebel**
Saan ka nakakita ng makulit na sirena? Pero aminin man natin o hindi, isa tayo sa kinilig sa palabas na ito. Nakakatuwang alalahanin, nakakatuwang maalala. 10 **Super Twins**
Naalala ko to, nung kinalaban nila nanay nila kasi kontrolado siya ng kasamaan. Tapos pinipilit kontrolin ng nanay niya dahil niya kasi aware siya na anak niya yung dalawa. Sobrang naantig ako dito HAHAHAHA. **Closing Thoughts,** Ang daming mga alaala na ang sarap balikan, yung kapag uwian sa hapon nagmamadali tayo dahil nga sa gusto natin mapanood na at maabutan yung mga primetime sa hapon, swertehan kung maabutang umpisa palang. Panigurado akong magkakaroon to ng part 2, ang dami kong naaalala pero hindi ko maisa-isa. WAIT FOR PART 2! MARAMING SALAMAT SA INYON.G PAGBABASA!. `9-1-21 by OfficialGamboaLikeUs`
65 comments
Bigla kong naalala ang nakaraang nagdaan lol batibot at wansapanataym yong fave qong panoorin noon black in white pa tv namin sa probenxa hehe
Nakakamiss sila ate, kaso walang magagawa kase improvement rin ng technology hays
Hindi ako familiar sa iba😂 mabuti pa noon may aabangan pag uwi galing school pero ngayon wala na kasi halos puro kabit ang scene😂waiting for the part 2🙈
AY TRUE GHURL HAHAHAHA noon halos japapagalitan ako ng teacher ko kasi nagmamadali ako lagi
Nakikipag unahan makauwi langvng maaga😂
Yung Batibot lang di ko naabutan sa kanilang lahat HAHAHAH
Naabutan konsya noon sa cable HHAHAHA tas naging paborito ko jusko HAHAHAAH
There is much improvement due to the advancement of technology. I believe it will be much better in the nearest future
Yes, I'm also hoping that the okd tv shows will back soon
fave ko yung wansapanatym hahaha
Nakakatuwa wansapanatym e nakakalungkot kasi andaming nabago at inalis
ganun talaga... pag hindi na nakita ang isang show need na nila alisin at palitan. yung isang bida sa sineskwela naging ofcmate ko sa tv5 si palikpik hihi
Yung Wansapanataym at Encantadia pinapanood namin dati sis. Nakikinuod lang kami dati kasi wala pa kaming TV. Minsan sinisilip pa namin kung may palabas ba o wala. Hihihi
Same tayo ate HAHAAHAH. Noon lagi ako nakikinuod sa ate ko kase sa bahay pinaoatay na nila tv HAHAHAHA
Kapangyarihan ng araw , taglay Ang liwanag kami Ang super twins hahahaha. Goosebumps habang binabasa ko to. Tapos naalala ko si Marky Cielo huhu
Parang kailan lang ate no? Parang kahapon lang lahat e HAHAHAHA bigla kase tumugtog sa tiktok ung sineskwela tas naisip ko ung topic nato HAHAHAAH
Majika at mulawin talaga ang gusto ko jan, wala pa jan ang darna ni angle locsin, saka un lobo nila ni john lloyd, hehehe.. Yun sinekwela at mathtinik eh paborito ng mga pamangkin ko..
Ngayon ko lang narealize na majika pala title ng song na may lyrics na "Majikaaaa, ikaw ang tanging pagasa" AHHAAHAHAH JUSKO ILANG TAON KO HINANAP
Yes sis, yan yun themesong ng kanga na yan, is kitchie nadal yata ang kumanta nyan if i am not mistaken..
Naku! Halos na ata na shows naabutan ko pa hahaha sign naba ito na matanda naku? Haha wansapanataym at sineskwela lagi kong inaabangan nong bata pa ako hehe
Dahil dito minsan narerealize ko kung gano ako katanda HAHAHAHA
Hahaha sign na ata to na kailangan na nating mag asawa bwahahah
Batibot ,mathinik at wansapanatym talaga Yung fave ko sa mga Yan hahahah🤣 Sayang lang mas emote on YouTube na mga bata ngayon and kukunti na lang yang ganyang mga palabas.
Nanonood ako ng mathinik pero bobo akl sa math HAHAHAHAAH
My ever favorite Wansapanataym, kada linggo ko yan napanood.
Oo ung tiping kahit may pasok kinabukasan e HAHAHAHA
Uyy Bebe yung Hiraya Manawari at Bayani asan lol Antanda ko ko na talaga. Never akong nanood ng 7 (GMA) kaya di ko alam yang Encantandia lol Solid kapamilya sa bahay. hahaha
Wala pa ma may part 2 pato ang dami kasi HAHAHA may captain barbel pa, kokey at ako, bantatay, marimar, darna HAHAHAAH
wansapanataym, matinik at seniskwela talagaa my fave hahah good old days
Hanggang alaala nalang ang nakaraan 🤣
Asan yung kokey at pedro penduko? Gustong gusto ko talaga yung pedro penduko, yung wansapanataym lagi kong pinapanood dati kasi puro power power at nagbibigay leksyon.
May part 2 patooo. Andami kasi merkn lang marimar HAHAHAAH pwdro penduko, super hero, kokey at ako, marimar etc jusko pati captain barbel
Wala mo malantaw ang darna, kristal kag ang treasure ni angel locsin hahaha? Kamiss gidni tanan. 😍
Napanood ko sha pero kinder pako non HAHAAHAHA
HAHAHAHA gamay kapa sato gali😅
Di ko talaga makalimutan ang Mulawin eh.. Adik ako nito Langga.. hehee favorite love team ko noon si Angel at Richard.🥰❤️
Oo ate, nagung crush kk si richard dahil don HAHAAHAHAH
Hehhe oo nga langga..kilig pa ko sa love team nila..🥰
I didn't understand what you have said but guessing from your title... That's amazing to remember the old tv shows.. it gives us nostalgic feeling ❤️
Ang di ko lang napanood or nasundan dito is 'yung batibot kasi alikabok pa lang ako n'yan. 🤣 Kasalukuyan pa lang siguro na naglalaro ng Chinese garter si Mother Earth 'nung mga panahon na 'yan. Hahahaha! Pero ang pinaka-dabest for me is 'yung Encantadia at JBordado. Ito 'yung first time na napanood ko si Kylie Padilla eh. Grabeee. Ang galing n'ya dito. Napakalambot ng katawan.
Aweee ang wansapanataym talaga. Every Sunday 6pm. Lahat kami nasa bahay na naghihintay nito. Aweee.
OMG YUNG SINESKEWELA MISS NA MISS KO NA TALAGA. Yan ung favorite kong panoorin nun eh. Pati nung elem yan madalas na pinapanood samin tuwing science class kapag tinatamad magturo yung teacher HAHAHA. Tas gusto ko rin jan yung super twins pati encantadia hehe
Napapanuod ko to lahat. Palagi namin tong inaabangan sa TV ng kapitbahay.
Mulawin din pinaka fave ko haha tsaka encantadia pero napanood ko yung version 2006 last year pa ata nung my recap sa FoxFilipino haha Ang nasubaybayan ko ay yung latest na encantadia na
Lahat ata pinanood ko eh. 😂😍kakamiss mga palabas na ganyan. 🤗 maliban sa batibot never ko pa napanood yan. Maganda ba? 😁
Darna!!!!!
Dun lang ako sa first four nakakarelate. Un iba hindi na hehe. Wala ako napanood sa mga yan.
Hahaha. Nakakamiss naman mga yan ate.
Omg naalala ko treat samin ng nanay ko yung panonood namin ng wansapanataym the movie sa sine hahaha. Tapos part ng morning routine namin before going to school manood ng sineskwela saka mathtinik. May epol Apple din nun for english naman.
Aweee namiss ko lahat to be. 🥺 Sila yung isa sa bumuo mg childhood ko
More comments