Movie Recommendation: Pan de Salawal
021122
I picked a random movie to watch on Netflix. Usually I don't like to watch the other recommended movies because I don't want to get along with the hype. Basically, I am not a trendy person. I want to watch Kimetsu No Yaiba (Demon Slayer) or Shingeki No Kyojin (Attack on Titan) but I am not in the mood to read the subtitles.
Teka parang di bagay magenglish kasi yung title ng movie eh hindi english. Hmm sige tagalog tayo para mas ma-eme nyo din.
Nagtaka ba kayo sa title? Yes, Pan de Salawal ang title nung movie. Sa Netflix ko pa din napanuod kakabrowse ko ng mga pinoy movies or shows and masaya ako na pinanuod ko. Actually habang sinisimulan ko tong article na to, malapit ko na matapos yung movie at naiyak ako ng very slight.
Bakit ako naiyak? wla lang trip ko lang, char. De seryoso nakakatouch to in a happy way. Pero syempre as usual di ako magbabangit ng spoilers kasi gusto ko maenjoy nyo din yung movie. So let's get it on!
Ay panuorin nyo din pala yung trailer dito
Overview
Movie entry ito sa Cinemalaya noong 2018, directed by Che Espiritu. Narelease na sa sinehan tong movie nung 2019.
Plot
Tungkol to sa isang matandang panadero na may chronic kidney disease at sa isang batang palaboy na nagpapagaling ng may sakit. Here's the catch, yung bata ay nakakapagpagaling kapag nanankit sya ng tao.
Cast/Characters
Eto gusto ko sa mga indie films kasi hindi man mainstream ang mga actors nila pero legit magagaling.
Aguy - portayed by Miel Espinosa. Actually ngayon ko lang nakita tong batang to pero she could be the new nino mulach. May iba pa syang movie, kasama sya sa Block Z (2020) at Elise (2019). Pero di ko pa napapanuod both ung iba nyang movie.
Ay sya nga pala yung batang palaboy na nagpapagaling.
Sal - portayed by Kuya Bojie Pascua, yes the kuya batibot hihi. Si Sal yung panaderong may sakit sa kidney at nagddialysis.
Brando - na ginampanan ni Felix Roco. Kapitbahay ni Sal na anak ni Bruno. May kapansanan din sya sa paa, iika ika at nga pala may gusto sya kay Lala.
Bruno - tatay ni Brando na ginampanan ni Soliman Cruz. Isa sa mga nagkaroon ng kapansanan, bukol sa dede or breast cancer na kapitbahay ni Sal na may ari ng tindahan ng karne.
Bruh - ginampanan ni Juan Miguel Emmanuel Salvador. Si bruh, kapatid ni Brando na anak din ni Bruno na laging inuutusan ni Brando para magdala ng pagkain sa napupusuan nyang si Lala
Lala - ginampanan ni Anna Luna. Si Lala yung kaptibahay nila Sal na may ari ng botika at love interest ni Bruno.
**ANO NAGULUHAN BA KAYO? HAHAHAHHA!
Masaya akong napanuod ko to, mejo mabagal ang build up sa umpisa intersting sa first half ng movie. Ay nakalimutan ko pala sabihin na si Sal yung isang taong hindi nya mapagaling ang sad pero you really have to watch the movie!
Mejo napaiyak ako kasi kung irerelate mo sya sa totoong buhay, may mga bagay talaga na kelangan mong masaktan para tuluyan na magheal at magstart ng bagong buhay. Parang sa lovelife, bago ka makakita ng taong para sayo andami mong pagdadaanang sakit. Kelangan matutunan mo na inadahin o tanggapin or harapin yung mga sakit bago ka gumaling at makakita ng para sayo.
Hindi ka man masyadong mapapaWOW ng gaano sa story pero ang deep pa din ng meaning. huhu.
Kung irarate ko to I'll give an 8.5/10 kasi sa storyline. Simple message but deep meaning plus yung mga gagaling pa na actors na kinuha nila. Napabilib ako kay Aguy (yung bata) napakagenuine ng pagarte nya, nakakatuwa.
Ayun lang sana mapanuod nyo din if may time kayo or if naghahanap kayo ng kakaibang genre ng movie.
Check out nyo din yung ibang movie recommendations ko:
Acions speak louder than words : Mute
Disney movies moves adults too: Encanto
And for the love month, check these articles
ang cool na nasa netflix na din pala ito. actually magaganda ung mga ganitong Filipino movies eh kesa doon sa mga kung ano anong spg nilalabas. shawtawt sayo AJ charrr wahahahah
pag nag open ako netflix try ko sya isama sa list ko na papanodin whahaha.