Love talk: TOTGA

11 15
Avatar for Micontingsabit
2 years ago

020222

Since it's February, let's see if I can consistently post something about love. Let's start!

What is TOTGA? Do you still remember Katy Perry's song, 'The One That Got Away'. I am sure a lot of people can relate to this song. Anyway, let me make this easy for me and you. Tagalog muna tayo. :)

Please visit and check out my ever loving sponsors!

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Last week, nagtrending sina Ryan Bang and Yeng Constantino sa Twitter 'daw', pasensya na wala kasi akong Twitter toxic dun eh hahaha. Pero nakita ko na may mga naguupload ng clips sa Tiktok about what happened on It's Showtime. Hindi ako fan ng Showtime kasi Gma7 lagi pinapanuod ng nanay ko, pero I find Ryan Bang so genuine so tinapos ko yung clip and napa-'aaaaaaw' ako. huhu.

May revelation pala kasi sila ni Yeng on that episode. Haaaaaay. Here's a link sa video the day after the revelation.

Ghosting

Sino na yung mga naghost dito? HAHAHA! Ako di ko matandaan, at ayun nga bigla kong naalala naghost nga pala akooo!!! Nighost daw ni Ryan si yeng tapos bigla na lang nawala. Akala daw ni Yeng na napagod na si Ryan kakahintay kasi conservative family ni Yeng. Ts ayun bigla na lang sya di nagparamdam, pero nadedevelop na daw siya nun kay Ryan. Oh, mariteeeees!

experience?

Nung highschool ako at mejo nauuso na yung Friendster, may nagmessage sken na classmate ko nung grade 6. Papangalanan ko na since wala naman sya dito hahahah! Si Vladimir, nagmessage saken out of the blue nung nagkaadd kami sa Friendster. May chika atang konti, kasi di talaga kami close nung naging classmate ko sya. Ts after ilang usap nagtanong sya kung pwede manligaw. Nagulat ako kasi di ko inakalang may magkakagusto saken o trip trip lang ba yun, by the way magkaibang school na kami. So ayun, sabi ko lang 'sure ka?' then 'ok'. So syempre kala ko may manliligaw nako, pero bigla syang nawala. HAHAHAHHAA! Di naman ako nasaktan kasi wala pa kong nagiging jowa nun and wala akong idea anong feeling ng magustuhan or kahit puppy love man lang, so deadma! hahahha.

One year after, galing akong training ng volleyball so naglakad ako pagkababa ko ng jip hanggang bahay, mga 10 to 15 mins walk para lang marelax din paa ko. May tumawag sken sa last name ko kaya napatigil ako, tinitigan ko yung mga lalaking nakaupo sa sidewalk. Ay si Vlad, nagoffer naman syang ihatid ako sa bahay pero nagdecline ako. Ewan ko, pagod ako eh tsaka di ko alam gagawin or sasabihin. Ayun.

Maganda boses at magaling magitara si Vlad. May sarili na din syang pamilya hihi!

Maling akala

Kung mapakikinggan at makikita mo si Ryan, bakas sa muka nya na parang nagsisi sya. Bakit? Kasi akala daw nya di sya gusto ni Yeng, without even asking. He just assumed tapos bigla na lang syang tumigil. Nanliit din daw sya nun kasi sikat si Yeng and nagsisimula pa lang si Ryan Bang sa showbiz tapos wala pa syang pera.

Pinagtagpo pero di tinadhana.

It's been 12 years since it happened and imagine kung gaano katagal bago sila nagkaclosure. Kung kelan may asawa na si Yeng Constantino.

Dito mo din talaga makikita na importante ang communication, sa lahat ng bagay actually. Sabi nga ni Vice Ganda, wag ka papasok sa buhay ng isang tao kung hindi mo kayang magpaalam.

May taong kelangan daanan bago mo makita yung tinadhana sayo.

Minsan akala natin porket masaya na tayo, yun na yung taong para sa atin pero di natin alam kasama pala yun. Kelangan mo minsan maranasan lahat para lang mapunta ka sa dapat.

Ikaw? may totga ka ba? May kwento ka bang masakit bago ka sumaya? O, nakita mo na ang forever mo?

Chika mo yan hihi. Dito ko na muna tatapusin to mga friends :)

Lead image from unsplash

2
$ 1.18
$ 1.17 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @Lhes
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty
Avatar for Micontingsabit
2 years ago

Comments

Eto talaga ang totoong totga jusko nung napanood ko yung vids sa tiktok para kong nagbasa ng mala wattpad na story aww but it's okay at least muka namn ng masaya sila ngayon kahit hindi naging sila pero sayang talaga hahaha.

$ 0.00
2 years ago

Gusto kong yakapin si ryang bang tuloy hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Eh kasi sya din namn kasi nubayan hahaha

$ 0.00
2 years ago

Kaya ngaaaaa! Haha

$ 0.00
2 years ago

Napanood ko iyan, super sayang! Literal.totga!.pinagtagpo pero hindi tinadhana.

$ 0.00
2 years ago

Dibaaaa sis!! Napangunahan ng takot si ryan bang nakakahinayang kita mong nanghihinayang pa dn syaaaa

$ 0.00
2 years ago

Lalaki kasi siya eh, tapos ang sikat na ni Yeng noon. Kaya na insecure

$ 0.00
2 years ago

Nakita ko to sa Showtime. Grabe talaga si Ryan. Nakita ko talaga na nanghihinayang siya. Mabuti na rin na bring up ulit ang kahapon nila dahil nagkaroon sila ng closure at nalaman nila ang dahilan both sides.

Talking about sa naghost, na experience ko rin yan sa first boyfriend.hahaha Nalaman ko na lang sa isang friend ko na may bago na pala siya. Wala man lang pasabi at paalam.

$ 0.00
2 years ago

I feel sad and happy at the same time para sa kanila. Huhu.

NapakaBS nung dahilan na ayaw makasakit tapos malalaman mo may iba na. Hahahahahha lels.

$ 0.00
2 years ago

Hahaha true. Ba't di na kasi magsabi ng diretso di ba.

$ 0.00
2 years ago

Wala naman bayad magsabi. Hahaa

$ 0.00
2 years ago