Ako bilang isang Taga-hugas ng Pinggan, Ikaw?
Ngayon naman gusto kong itry mag tagalog. Hindi ko alam kung maisusulat ko ba sa wikang tagalog lahat ng sasabihin ko dahil minsan may mga wikang ingles ako na diko alam ang tagalog niya. Kaya pagpasensyahan niyo na ako. Gusto ko lang din sabihin na ngayon nalang ulit ako gagamit ng aming sariling wika sa pagsusulat dahil bukas, magpapublish ako ng aking monthly report kung may mga improvement ba akong nagawa sa pagsusulat ng mga artikulo dito, at kung ilan na nga ba ang aking naipon ngayong buwan. At sana ay abangan ninyo din iyan. Dahil mga mensahe ninyo ang nagpapamotivate sakin sa pagsusulat dito, kayo ang inspirasyon ko at mahal ko kayo! (Kahit walang poreber) Naks.
So ayon, ngayon gusto ko talagang sulatan kahapon pa iyong paghuhugas ng pinggan. Gusto ko din malaman kung relate din ba kayo dito dahil alam ko na madami sainyo dito ang madalas taga-hugas ng plato sa bahay nila. Since, ako iyong madalas na taga hugas ng plato tuwing Umaga, tanghali, at gabi. Gusto ko lang ishare sainyo yung iba't-ibang uri kung pano ako mag hugas ng plato.
Pero bago iyan nais ko lamang ipakilala sainyo ang aking nag gagandahan at nag gwagwapuhang mga sponsors na mga manunulat
Maaari ninyo silang bisitahin kapag naghahanap kayo ng mga magagandang artikulo na babasahin. So, simulan na natin!
Una, Taga Dabog
Yung kakautos lang sayo, tapos may ginagawa ka. Yung lagi nalang ikaw yung taga-hugas at sawang sawa kana. Syempre diba hindi natin maiiwasan yung hindi magdadabog kapag tayo ay inuutusan, kadalasan ang linya ko kapag tinatamad ako or ako nalang palagi yung naghuhugas,
wala naman kasi ibang maaasahan dito kapag hugasin ang usapan. Sanay naman na ako sa paghuhugas katulad ng pagsasanay niya sakin sa pang araw-araw na kausap ko siya pero ngayon ay wala na nga. Ay teka, Iba na naman ang aking sinasabi. Pero dito sa bahay, bawal na ang ganyan ang mag-dabog , pwede ka mag reklamo pero di pwede ang magdadabog dahil mali or bad 'yon. Kahit na nagrereklamo ako, wala naman ako magagawa kundi sundin ang pinapagawa nila. Baka mapalayas pako. Charot
Pangalawa, nagtitiktok habang naghuhugas ng pinggan
Alam niyo ba, binura ko na ang tiktok application ko dahil dito. Hindi ko mapigilan na sa lahat ng aking gawain, lagi ko napapakinggan ang mga tugtog sa tiktok.
Halos napapasayaw na din nga ako habang sila ay nasa utak ko. Minsan pa nga nabubuko ako ng Ate ko or sila lola ko kaya napapalo ako sa pwet. Dahil ang basa ng sahig tumutulo pa nga yung sabon sa kamay ko. Pero syempre secret talent ko lang iyon dahil ayoko ipagkalat dahil sa totoo lang mahirap kumembot lalo na mabali bali pa ang aking bones.
Pangatlo, The tamang busy-busyhan
Isa sa mga execuses ko talaga ay ang pag busy-busyhan kukunware para di ako ang mag-huhugas. Pero kahit naman na busy ako at sinasabi kong busy ako, hindi talaga nila huhugasan ang mga pinagkainan nila. Paglalabas ako ng kwarto ko may nakahintay sakin sa may lababo
kaya hindi na talaga ako nagpapakabusy busyhan pagkatapos non. Dahil kahit ano naman ang sabihin ko, hindi talaga nila ako hahayaan na hindi makapag hugas kahit isang lagpas lang sa isang araw sana.
Ikaw ang Reyna ng Lababo niyo sa kusina
Pag ikaw ang taga-hugas syempre damay na ang paglilinis ng lababo, pati pag sasaayos ng mga plato, kutsara't tinidor, mga kagamitan sa pagluluto. Kaya pag may nakita kang magulo sa may lababo or lagayan ng mga plato, hindi mo mapipigilan na hindi mainis. Ako, dahil sanay na akong taga-hugas, diko talaga maiwasan na hindi mainis kapag nakita ko na magulo ang lababo sa kusina. Kapag may nakita akong mga dumi or tirang pagkain na di nalinisan ng maayos.
Pagwawakas ng pahayag...
Lahat ng iyan ay ako, base sa aking karanasan bilang isang taga-hugas. Ano ka bilang isang tagahugas?
Pero bago ang pagtatapos, pag nasa bahay at birthday ni Crush, gusto ko lang sabihin na, "Tita itabi mo na, Ako na."
Salamat sa pagbabasa. Ngayon lang ulit ako nagsulat gamit ang Wikang Tagalog. pasensya na kung hindi ako makakapag sulat ng ingles sapagkat hindi gumagana ang aking utak ngayon.
Bilang isang pasasalamat sa aking kauna-unahang mambabasa: Pindutin mo ito 💸
My Previous Articles:
Trying to calm myself not to spend
3 days before the August Ends: A blog for Today
If you are infected by Covid-19: According to the post that I read
Realization: In the end, the only person that you can rely on is yourself
A note for the newbie Writers: Never tend to expect immediately
Ako super relate Haha, yung feeling na kailangan mong tanggapin na ikaw na talaga ang taga hugas hahah, wala kanang magagawa kundi hugasan nalang. Dito samin kung hindi ka maghuhugas ng pinggan alam ko na agad ang kalalagyan ko hahah