"Hello?".
"Besty nasaan ka kanina pa ako nandito sa meeting place?".
"Hinatid ko si Sydney susunod na ako".
Agad kong in-end ang call tumingin ako sa kinaruruunan ng limang lalaki pero wala na ang mga ito.
Naisip kong mas mabuti pang itanong ko nalang sa kapatid ko mamaya.
Dumiretso na ako sa bahay ng huling biktima.
Nakita kong kausap na ito ni Jay.
"Hello good morning po ako po yong partner nya sa kaso ng anak nyo nakikiramay po ako".
Bati ko sa maedad na ginang at hindi pinansin si Jay.
"Maraming salamat iha maupo ka".
Pwede na po ba kaming magsimula sa tanong?"-Jay.
"Sige iho".
"Alam nyo po ba ang huling pinuntahan ng anak nyo?".
"Ang paalam nya sa akin ay may party silang pupuntahan ng mga kaibigan nya".
"Nakausap nyo po ba mga kaibigan nya?".
"Oo pero ang sabi nila ay sumakay daw sa taxi ang anak ko at yon ang huling kita nila dito".
Naiiyak na sagot nito naawa ako kaya't marahan kong tinapik ang kamay nito.
"Hindi ho ba tumawag sa inyo ang anak nyo o nagtxt man lang?".
"Wala.... ang kawawa kong anak...".
Hindi na ito nakapagsalita dahil sa kaiiyak at sinumpong ito ng asthma.
Naawa kami kung kaya't umalis na lamang kami at tumungo sa mga kaibigan ng biktima.
Ngunit iisa lang ang sagot ng mga ito.
Na sumakay ito ng taxi pauwi pero impossible na ma-locate namin ang taxi sa dami nito.
Bigla kong naalala ang mga lalaki sa School ni Sydney.
Dahil magkahiwalay kami ng sasakyan ni Jay ay pinauna ko na itong umuwi dahil dadaanan ko si Sydney.
"Ate sino bang hinihintay natin dito?"
Tanong ni Sydney kanina pa kasi kami nagmamasid sa labas ng School nito.
"Basta maupo ka lang dyan at may kailangan akong malaman".
Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang pakay ko, naglalakad ang mga ito patungo sa isang puting van.
"Ayon Syndey sino ang limang yan?".
"Ah yan mga bagong lipat sa School, mga rich kid at heartrub dito".
"Saang School galing?".
"FEU".
"Bakit daw nag transfer?".
"Aba malay ko teka nga ate bakit ba ha? Isa ba dyan ang crush mo?".
Nagtatakang tanong nito.
"Wala, isa lang ang mapapayo ko sayo ah umiwas ka sa mga yan".
"Mukhang good boy naman sila ate ah".
"Looks can be deceiving Sydney makinig ka sa ate mo".
"Oo na po pero alam mo ate parang type si Ana ng isa sa limang yan".
"Sydney makinig ka sa akin ha? Kumg pwede pagbawalan mo si Ana na makipagkita doon".
Naguguluhan man ay tumango pa din ito.
May naisip akong plano kaya tinawagan ko agad si Jay.
Isasantabi ko muna kung ano man ang issue ko sa kanya ang mahalaga ay matapos na ang kasong hawak namin.
Binilin ko ditong magkita kami sa labas at may mahalaga kaming pag-uusapan.
To be Continued.
Chapters.
Nice little story, you have my support.