Join 100,600 users already on read.cash

Madugong Rosas

0 19 exc
Avatar for Cold3ndice
Written by   296
2 years ago

Genre: Mystery, Romance, Rated 18+

Warning: This story is fictional all the names, places and events are just a results of my imagination. Thank you! Happy reading

Characters:

Suzy- Leading lady, Police women, matapang at Family-oriented.

Jay- Lead man, Policeman, bestfriend at Kababata ni Suzy.

Sydney- Kapatid ni Suzy, student.

Leo- Manliligaw ni Sydney.

Ana- Bestfriend ni Sydney.

Aling Tinay- Nanay ni Suzy at Sydney.

Chapter 1

-SUZY POV-

Hingal na hingal na ako katatakbo kanina pa ako hinahabol ng lalaking nakamaskara.

Kanina ko pa kinakapa ang tagiliran ko ngunit hindi ko makita ang baril ko nagtataka ako kung

bakit ako nakasuot ng puting tela at walang saplot na panloob.

Pinagmasdan ko ang paligid ko upang malaman ko kung nasaang lupalop ba ako ng mundo.

Napakadilim at ang tangi ko lang nakikita ay ang ilaw ng parola at mabatong daang tinatahak ko.

Manaka-naka ko ding naririnig ang malakas na hampas ng alon.

Sa kamamadali kong maglakad ay natalisod ako sa bato sa sobrang sakit nito ay namilipit ako.

"Hi Miss saan ka pupunta?" baritunong boses ng lalaki ang papalapit.

"Huwag! wag kang lalapit kundi sisigaw ako!" pagbabanta ko ngunit tumawa lamang ito at unti- unting lumalapit sa akin.

Akala ko ay sasaksakin ako nito dahil nasa kaliwang kamay nito ang matalim na kutsilyong may kakaibang hugis.

Pinikit ko ang mga mata ko dahil kung sakali man na saksakin ako ay di ko na makita.

Subalit ilang minuto na ang nakalipas ay walang nangyayari kaya't minulat ko ang mga mata ko.

Wala na ang lalaki at ang tanging naiwan lamang sa kinatatayuan nito ay isang pulang rosas.

"Iha halika na at uuwi na tayo" isang boses ng lalaki ang narinig ko pamilyar ito sa akin kaya't dali dali akong lumingon.

"Papa?!, papaaa" umiiyak at mabilis na yumakap dito.

"Shhhh tahan na anak hinihintay kana ng mama mo". nakangiti ito ng banayad habang hinahaplos ang buhok ko.

"Papa kailan ka po uuwi? Miss kana namin ni mama at Sydney"

"Anak magkikita din tayo sa tamang panahon, ingatan mo ang kapatid at mama mo para sa akin ha? Ikaw muna ang tumayong ama para kay papa ha? Pramis?"

"Opo papa" sumisinghot na sagot ko.

Babangon na sana ako sa pagkakaupo ng biglang sumakit ang ulo ko......

Tinnnng! tunog ng kawaling tumama sa ulo ko.

"Hoy babae! Gumising kana tanghali na hindi ka pa bumabangon!" sermon ng nanay kong nakapamewang at may hawak na kawali.

"Hayys! Mama naman ang hilig mamaltok ng kawali! Puro bukol na ang ulo ko sa araw araw na paltok nyo!" kakamot kamot sa ulong reklamo ko.

"Aba lumalaban ka na ha! porke may trabaho kana at ikaw ang nagpapa-aral sa kapatid mo ay lalabanan mo na ang nanay mo!" litanya nito.

"Hayy ito na naman po tayo" tumayo na ako at nagsimula nang magbratatat boom boom ang nanay ko.

"Aba may sinasabi ka?!"

"Wala po mama babangon na po ako at maghahanda pumasok sa trabaho" pagtatapos ko.

"Oh ayan mabuti at kanina pa kami naghihintay na kapatid mo, dumali kana sa pagligo at sasabay daw ang kapatid mo sayo".

"Opo mama"

Kinuha ko na ang tuwalya ko at pumasok sa banyo.

Habang naliligo ay naalala ko ang panaginip ko, bigla na lamang akong nalungkot at napaluha.

Sobrang miss ko na si papa, ilang taon na din syang patay ,nabiktima siya ng isang killer gang isa kasi itong police at pinilit niyang iligtas ang isang babae na nagresulta ng kamatayan nito.

Hanggang ngayon ay hindi pa din nalulutas ang kaso at kung sino ang mga miyembro ng gang o kulto na iyon.

2
$ 0.02
$ 0.02 from @TheRandomRewarder
Avatar for Cold3ndice
Written by   296
2 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments