Join 100,600 users already on read.cash

Madugong Rosas Part 4

0 19 exc
Avatar for Cold3ndice
Written by   296
2 years ago

Naglakad na ako pabalik sa kotse ni Jay.

"Besty wait!" sigaw nito at hinabol ako.

"Saan ka pupunta?"

"Pupunta sa opisina halika na"

"Kain muna tayo bess gutom na ko e, lunch break naman".

Wika nitong hinihimas pa ang tiyan.

Di ko ito pinansin at sumakay na sa sasakyan.

Humabol naman ito at patungo sa driver's seat.

"Saan mo ko ililibre besty?" pangungulit nito nangungulit ito dahil alam nyang sa tuwing nakakakita ako ng patay ay naalala ko si papa.

"Kahit sa fast food nalang Jay". Walang gana kong sagot.

"Okay besty napakabait mo na maganda ka pa!"

Nang iinis at kinurot pa ang ilong kong usal nito.

Tinapik ko ang kamay nito at tinitigan ng masama.

"Aasarin mo ba ako o kakain tayo!"

"Yes boss manager amo!"

Tatawa tawang sagot nito.

Habang kumakain ay nakatingin ko sa kawalan.

"Besty nag paalam ako kay Sir sabi ko masama pakiramdam mo at mag ha-half day tayong dalawa".

"Bulakbol ka talaga nu? Di ka pa din nagbabago"

"Hehe dalawin natin si tito dba death anniversary nya ngayon?"

Tumango lang ako at naluluhang ngumiti.

"Naaalala mo pa pala, salamat Jay"

"Shhh besty wag ka maiyak dito baka isipin nila binasted kita".

Pagpapatawa nito para matigil ako at hindi naman ito nabigo natawa ako at sinuntok ang braso nito.

"Gaga ako pa talaga mabasted sayo ah hahaha"

"Araay Besty! Tumawa ka nga nanakit ka naman".

Maktol nito na sumimangot pa na akala moy bata.

"Hahaha sorry sorry nakakatawa ka kasi eh"

"Hehe okay lang at least napatawa kita kahit magmukha pa akong bading".

"Asows as if naman, ginagawa mo lang akong dahilan eh bading ka naman talaga".

Asar ko dito.

"Hoy babae sinong bakla?!"

Napalakas yata ang pagkakasabi nito kaya pinagtinginan kami.

"Hihi sorry po sige kain na po kayo"

Hinging paumanhin nito.

"Hahaha totoo naman ah, bakit nong college tayo wala kang niligawan?"

"May gusto ako kaso manhid kaya hinayaan ko nalang".

"Whe? Sino besty?" pangungulit ko dito.

Pinitik ako nito sa noo.

"Yan pagdating sa chismis magaling ka ano? Wala kana don! Dalian mo na jan mauna na ko sa kotse".

Parang iwas na sagot nito.

Pinagkibit balikat ko lang ito at agad na sumunod.

Papunta kami ngayon kung saan inilibing ang papa ko.

Dumaan kami sa flower shop para bumili ng bulaklak para kay papa.

Pagdating namin ay nilinisan ko saglit ang puntod nito bago sumalampak sa damo.

"Hi tito! Si Jay po ito kmusta ka jan sa heaven? Iiwan ko muna po saglit si Suzy ah para makapag-usap kayo, besty uwi ako saglit ah may nakalimutan ako e"

Tumango lamang ako, alam ko namang excuse nya lang yon para mapag-isa ako.

"Hi papa kamusta ka po? Lagi kitang napapanaginipan pero ni minsan hindi kita nayakap, miss ko na mga pagpapatawa mo, miss ko na ang yakap mo, kung bakit naman kasi ang aga mong nawala papa? Hindi pa ako handa eh".

Reklamo ko dito, pinipigilan kong umiyak pero tuloy lang sa pag tulo ang luha ko.

"Galit ako sayo papa napakadaya mo eh, si mama kahit na laging nakangiti alam kong namimiss ka nun lagi kong naririnig ang hikbi nun tuwing gabi ayaw nya lang ipakita sa amin ni Sydney. Si Sydney matalino papa, lagi syang top sa School dalaga na nga yon eh at may manliligaw pa pero wag kang mag-alala papa tsaka na daw sya magbo-boyfriend after college".

"Papa...papa.."

Garalgal kong tawag.

"Ang sakit sakit pa din po, bakit ikaw pa papa? Hindi ko pa din tanggap pa".

Sa kaiiyak ko ay halos wala na akong boses, maya maya pa ay bumuhos ang malakas na ulan.

Tila wala akong nararamdaman at patuloy na umiiyak.

Hindi ko namalayan na may lalaki na palang papalapit sa akin.

To be Continued....

Chapters...

Madugong Rosa's Part 3

Madugong Rosa's Part 2

Madugong Rosa's Part 1

2
$ 0.14
$ 0.14 from @TheRandomRewarder
Avatar for Cold3ndice
Written by   296
2 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments