Join 100,646 users already on read.cash

Madugong Rosas Part 10

0 19 exc
Avatar for Cold3ndice
Written by   296
2 years ago

"Saan ba tayo pupunta ha Jay?"

"Ahmmm manood tayo ng sine? Maganda showing ngayon e langitngit ng papag".

Binatukan ko ito.

"Napakabastos mo talaga nu!".

Asar kong sagot dito at sumimangot.

"Hahahahahaa! Joke lang naman besty! Napaka manang mo talaga hahhaha!"

Hindi ko ito inimik alam kasi nitong conservative akong babae at pikon ako pag ganoon ang topic.

Nakarating na kami sa mall pero hindi ko pa din pinapansin ang loko.

"Sorry na besty hindi na mauulit pramis!".

Parang batang pangungulit nito.

"Sige na please para hindi kana magalit ako na ang taya sa lakad natin sagot ko lahat! Kahit anong gusto mo".

Napangiti ako sa sinabi nito.

"Talaga pramis?"

Kumikinang ang matang tanong ko.

"Oo pramis!".

Nakataas pa ang kanang kamay na sagot nito.

"Hmmm okay! Tara bati na tayo!".

Kumapit na ako sa braso nito at hinila papunta sa counter para sa ticket ng sine.

"Nako parang mali yata tong napasok ko".

Kakamot-kamot sa ulong sambit ni Jay.

Matapos bumili ng ticket ay bumili kami ng popcorn at soft drinks.

Horror ang napiling palabas ng mokong ewan ko ba kung anong trip nito kanina pa tumatago sa braso ko.

"Hoy Jay! Bitiwan mo nga ako! Bakit kasi yan ang pinili mo tapos panay tago ka? Daig mo pa tumili mga babae dito ah!"

"Besty nakakatakot kasi eh labas na kaya tayo".

"Tse! Lumabas ka mag isa mo!"

Hanggang matapos nag movie ay sobrang ingay ng katabi ko may time pa na naihagis nito ang binili naming popcorn, kung kaya't sa halip na matakot ako ay tawa ako ng tawa.

"Hahaha kung nakikita mo lang ang sarili mo nakakatawa ka".

Nasa labas na kami at naghahanap ng makakainan pero tinutukso ko pa din ito, pero hindi naman ito napipikon nakatulala lang sa mukha ko at nakangiti.

Tsaka lang ito natauhan ng pinitik ko ang noo.

"Hoy! Para kang namaligno dyan".

"Ahh hehe sorry cute mo tumawa eh".

Sa narinig kong iyon ay ako naman ang natahimik hindi ko alam kapag ganung pinupuri ako ni Jay ay parang sasabog ang puso ko.

"Halika greenwich tayo".

Habang kumakain kami ay panay ang asikaso nito sa akin kunwari ay busog na ito kaya ako ang umubos ng pagkain nya.

Ugali nya na yon simula nong bata pa kami gusto daw kasi nitong nakikita akong kumakain parang biik.

Matapos kaming kumain ay bumili kami ng ice cream at naglakad-lakad sa park.

"Ahmm besty ok lang ba sayo na mag girlfriend na ako?".

Nagulat ako sa tanong nito at parang sumama ang pakiramdam ko.

"Ok lang naman matanda kana eh".

"Talaga ba?"

"Oo kilala ko ba yong liligawan mo?".

"Ahmm oo hehe".

"Ah okay, ahmmm Jay parang sumama pakiramdam ko pwde na ba tayong umuwi?".

"Ha? Bakit? Saan ang masakit sayo?".

*Ang puso ko* yan sana ang gusto kong isagot.

"Ulo ko, tara na".

Hindi ko na ito hinintay na sumagot at nagpatiuna na ako sa paglakad papuntang parking lot.

To be Continued.

Chapters.

Madugong Rosa's Part 9

Madugong Rosa's Part 8

Madugong Rosa's Part 7

Madugong Rosa's Part 6

Madugong Rosa's Part 5

Madugong Rosa's Part 4

Madugong Rosa's Part 3

Madugong Rosa's Part 2

Madugong Rosa's Part 1

1
$ 0.00
Avatar for Cold3ndice
Written by   296
2 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments