Join 98,759 users already on read.cash

Madugong Rosas Part 5

1 16 exc
Avatar for Cold3ndice
Written by   296
1 year ago

"Tahan na bess uwi na tayo".

Gulat akong humarap dito, si Jay lang pala na may dalang payong at bihisan ko.

"Sige"

Inalalayan nya akong tumayo at hinayaan munang magbihis sa kotse bago ito pumasok.

"Okay kana ba? Uwi na tayo?"

"Oo"

"Bess pwede mag liptint ka konti tapos mag powder sa face mo? Haggardo Versoza ampeg mo e"

"Sows bakit pa eh uuwi naman na tayo?"

"Ah basta! pag di mo ko sinunod di tayo uuwi"

"Okay okay"

Nag-ayos na lamang ako para matigil na ito.

"Oh ayan okay na ba?"

"Yan pak ang ganda mo na lalo, pakiss nga!"

Nang-aasar na naman ito.

"Uuwi tayo o babangasan ko bibig mo?!"

"Uuwi na nga po parang binibiro lang e".

Hindi ko na ito inimik at umidlip nalang sa byahe.

"Besty ,besty gising na andito na tayo sa inyo".

"Hehe nakatulog pala ako, salamat Jay ah. Sige na uwi kana".

"Grabi makataboy wagas, mag Hi muna ako kay tita at saka hello bess andyan lang kaya sa tapat ang bahay namin".

"Hayys halika na".

Pagpasok namin ng gate ay nagtataka ako. Wala akong makitang ilaw at sarado lahat ng pinto at bintana.

"Jay dumaan ka dito kanina dba? May pinuntahan ba sila mama?"

"Wala syang binilin eh, tara akyat na tayo".

Nagmamadali akong umakyat at pag ON ko ng ilaw....

"HAPPY BIRTHDAY SUZY!"

Sabay-sabay na sigaw ng mga tao pati na din si Jay na ngayon ay may party hat pang suot.

Kaya pala nagmamadali itong umalis ay kasabwat ito sa surprise nila mama.

"Maraming salamat po sa inyong lahat lalo na kay mama at Sydney"

Nakangiti lahat ang mga ito sa akin. Lumapit si Jay na may dalang cake.

"Welcome besty, now blow your candle".

Nag wish muna ako at hinipan ang candle.

"YEHEEEEEEEEY!"

Hiyaw at palakpakan ng mga ito.

Iilan lamang din ang bisita, mga kumare ni mama, classmate ni Sydney at iilang katrabaho ko.

Matapos ang salo-salo ay paunti-unti na ding nagpaalam ang mga ito.

"Bess"

Tawag ni Jay sa likod ko, kasalukuyan kasi ako nagmumuni-muni sa balkon ng bahay.

"Happy birthday ulit"

Nakangiting bati nito at inabot ang isang maliit na box.

"Hahaha ikaw talaga, salamat besty".

Marahan ko itong niyakap at kiniss sa pisngi.

Bigla itong natulala at namula siguro ay nabigla ito dahil hindi naman ako sweet na tao.

"Naa-appreciate ko lahat ng bagay na ginagawa mo para sakin at kila mama besty, ikaw ang umalalay sa amin mula nong nawala si papa, salamat ng sobra".

Naluluha ko na namang sabi dito.

"Ah eh hihi welcome sige na wag kana umiyak jan, pinangako ko yon kay tito kaya no big deal sakin yon basta para sayo...ah este para sa inyo".

Tiningnan ko lang ito sa mata.

"Ahmmm besty uuwi na ako ah salamat dito sa mga pagkain para kila mama, good night".

Yon lamang at kumaripas na ito ng takbo.

To be Continued...

Chapters...

Madugong Rosa's Part 4

Madugong Rosa's Part 3

Madugong Rosa's Part 2

Madugong Rosa's Part 1

3
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Avatar for Cold3ndice
Written by   296
1 year ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Great.

$ 0.00
1 year ago