Join 100,600 users already on read.cash

Madugong Rosas Part 9

1 17 exc
Avatar for Cold3ndice
Written by   296
2 years ago

"Salamat Jay".

"Walang anuman gusto mo bang mamasyal tayo? Para naman malibang ka".

"Walang kasama dito si mama eh".

"Ako bahala". Bumaba ito kung nasaan si mama at maya pa ay humahangos na bumalik.

"Okay lang daw sabi ni tita papasyal din daw sya kila mama pagkatapos nyang maglinis, sige na payag kana ha?".

Pangungulit nito at nag puppy eyes pa.

"Para kang engot sa itsura mo! Hahaha! oo na, maliligo lang ako ikaw din".

"Di ko na kailangan maligo besty pawis ko palang mabango na".

Pang-aasar nito at inamoy pa ang kili-kili.

"Hahaha ewww damak ka talaga nu?! Pag hindi ka naligo ayoko na sumama".

"Oo na maliligo na gusto mo sabay pa tayo eh, tenet-tet-tet-tet ten ten!".

Gumigiling na akala mo ang macho dancer na kanta nito.

"Ewww Jay! Itigil mo yan! Ang laswa mo!".

Sigaw ko habang pinagbabato ito ng unan sa bangko.

Tawa naman ito ng tawa habang pababa upang umuwi.

Nakita kong umiiling na nakangiti si mama.

Natatawa akong pumasok sa banyo at naligo na.

Simpleng jeans lang at white V-neck shirt ang suot ko, naglagay din ako ng face powder at konting lip tint.

Pagbaba ko ay nakita ko si Jay na nakikipag kwentuhan kay mama.

Nakasuot din ito ng white shirt at kupas na jeans, simpleng porma lang pero sobrang gwapo nitong tingnan.

"Tita si Suzy tulo laway nanaman sa akin Hahaha!".

Nagising ako sa pag de-day dream ko dahil sa sinabi nito.

"Hahaha ewww! tara na nga! sige mama ingat ka dito ah iloveyou po".

"Sige anak, oh Jay ikaw muna bahala sa anak ko ah good luck!".

Sagot ni mama at may pakindat pa.

"Good luck saan po mama?".

Curious na tanong ko.

"Wala anak ba bye na ingat kayo".

Sagot ni mama na halos ipagtulakan ako palabas.

Nagtataka man ay sumunod nalang ako.

"Shall we my lady?"

Nakayukod na tanong ni Jay at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse nito.

"Hahaha ewan ko sayo!".

Sagot ko lang at sumakay na ako, ang hindi nito alam ay kinilig ako.

To be Continued.

Chapters

Madugong Rosa's Part 8

Madugong Rosa's Part 7

Madugong Rosa's Part 6

Madugong Rosa's Part 5

Madugong Rosa's Part 4

Madugong Rosa's Part 3

Madugong Rosa's Part 2

Madugong Rosa's Part 1

1
$ 0.00
Avatar for Cold3ndice
Written by   296
2 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Ang hina ng radar...

$ 0.00
2 years ago