Madugong Rosas Part 8

0 21
Avatar for Cold3ndice
3 years ago

"Jay anak wala bang nanliligaw kay Suzy sa trabaho nyo?" usyuso ni mama.

"Ahmm wala po tita eh suplada po kasi yan akala mo laging pinagsakluban ng langit at lupa."asar nito

Umismid lamang ako dito. Akala nito ay hindi ko alam ang ginagawa nya kapag may magtatangkang manligaw sa akin.

Noong nasa elementary palang kami ay may lalaking classmate kaming tinusok nito ng lapis ang kamay dahil binigyan ako nito ng lollipop ayaw din nitong may iba akong kalaro.

Noong High School naman kami ay napatawag ito sa guidance office dahil bigla nalang sinuntok ang kawawang lalaki ng alukin akong maging date sa JS Prom ang kinalabasan ay ito ang naging date ko.

Noong debut ko naman ay nag volunteer itong maging escort ko kay papa at syempre dahil tiwala ang papa dito nagtagumpay na naman ang mokong.

Sa trabaho naman namin ay sinadya nitong magpa demote para lang maging buddy ko kahit na mataas na sana ang position nito.

Gusto ko sanang tanungin kung bakit ganun nalang ang mga kinikilos nito pero nagdadalawang isip ako baka isipin nitong napaka feeling ko naman kaya hinayaan ko nalang ito.

May pagtingin din naman ako dito kaso ayokong maunang mag confess baka magbago ito at ang samahan namin.

Gwapo si Jay at maraming nagkakagusto pero ang ginagawa nito para layuan ng mga babae ay sinasabi niyang ako ang girlfriend nya at mangkukulam daw ako.

Sa halip na mainis dito ay natutuwa pa ako dahil wala akong kaagaw sa atensyon nito baka pag magka girlfriend ito ay mawalan na ng oras sa akin.

"Tita sobrang gwapo ko talaga tingnan nyo po nakatulala sa akin si Suzy".

Natigil ang pag-iisip ko nong marining ko iyon.

"Hoy may naiisip lang ako FYI no hindi ka gwapo." isnob ko dito.

"Naku kung hindi lang kayo magkababata at mag bestfriend iisipin kong mag jowa na kayo."

Kunyong tukso ni mama sa amin.

Nagkatitigan kami ni Jay at sabay na tumawa.

"Hahaha si mama talaga palabiro".

"Hahaha si tita talaga palabiro".

Sabay naming tanggi.

"Hmmmm oo na kunwari wala akong alam, oh sya maglilinis muna ako sa baba".

Makahulugang sagot ni mama at umalis na.

Awkward man ay pinilit kong ibahin ang topic.

"Ahmm Jay kmusta ang kaso? May improvement ba?"

"Wala pang matibay na lead ngayon eh ang iisang details lang nagkakatugma ay panay estuyante ang binibiktima ng mga ito."

"Palagay mo ba trip lang nila to?". tanong ko dito.

"Hindi eh, tiningnan ko yong results ng autopsy walang bakas na nirape ang mga babae at lahat sila ay may kakaibang nakasulat sa likod ng mga ito palagay ko ay greek words".

"Nadecode na ba nila?".

"Yon ang pinagkakaabalahan ng iba nating kasama at tumawag pala si Sir sa akin kanina tayo daw ang mag-iinterview sa magulang ng huling biktima".

"Sige bukas ng umaga nalang natin puntahan".

"Okay sige, nasaan pala si Sydney?"

"Wala eh namasyal kasama si Leo at Ana".

"Naku dalaga na talaga si bunso".

Parang kinikilig na sagot nito.

"Oo nga parang kailan lang, kaya nga gusto kong mahuli na ang mga killer na yan nag-aalala ako para kay Sydney minsan kasi ay ginagabi pag may activity sa School".

"Hey don't worry gagawin natin lahat para mahuli na ang mga demonyong yan".

Tinapik pa ako nito sa kamay.

To be Continued...

Chapters

Madugong Rosa's Part 7

Madugong Rosa's Part 6

Madugong Rosa's Part 5

Madugong Rosa's Part 4

Madugong Rosa's Part 3

Madugong Rosa's Part 2

Madugong Rosa's Part 1

1
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Avatar for Cold3ndice
3 years ago

Comments