Join 100,646 users already on read.cash

Madugong Rosas Part 3

0 19 exc
Avatar for Cold3ndice
Written by   296
2 years ago

"Kayong magpartner ang gusto kong mag imbestiga sa murder case sa Brgy. Maningning ngayong araw, gaya ng mga nagdaang kaso may natagpuan na namang babae sa isang sementeryo". paliwanag nito.

"Sir akala ko ho ba ay hindi ako pwedeng ma-involve sa case na to dahil sa nangyari kay papa".tanong ko

"I already talk to the head office and they approved this idea".

"Okay Sir, Paano po mauuna na kami" sagot ni Jay. Sumaludo kami at tuluyan ng lumabas ng opisina.

Habang nasa byahe ay sumagi na naman sa isip ko ang panaginip ko, sana pala ay hinablot ko ang maskara ng lalaking yon baka magkaroon kami ng lead sa kaso.

"Hoy Suzy! nakatulala kana naman kanina pa kita kinakausap eh" untag ni Jay sa akin.

"Ha? ah eh may iniisip lang ako, anong sinasabi mo?" gulat kong tanong.

"Wala, bakit anong iniisip mo? Nanaginip ka na naman ba tungkol sa case? Paano naman kasi ay dinadala mo pa sa bahay nyo ang work kahit hindi naman naka-assign sayo ay pinag-aaralan mo".

"Wag ka ng magsermon jan, ngayon naman ay involve na ako dito at pinapangako ko na hindi ako titigil kahit ikamatay ko pa" tiim-bagang kong sagot dito.

Sumulyap ito saglit sa akin dahil ito ang nagmamaneho at hinawakan ng marahan ang kamay ko.

"Besty partner tayo dito at pinangako ko kay papa mo na lagi kitang poprotektahan sa lahat, hangga't nandito ako walang mangyayaring masama sayo" ngumiti pa ito sa akin.

"Salamat ha Jay" sincere na sagot ko.

Sa lahat ng tao ay ito ang lubos na nakakakilala sa akin, sya ang takbuhan ko sa lahat ng oras at napag sasabihan ko ng mga problema ko.

"Welcome, libre mo ko meryenda ha?"

"Hayy kaya naman pala may pa hawak hawak ka pa sa kamay ko magpapalibre kana naman"

"Hehe short allowance ko eh sige na" pangungulit nito.

"Oo na sige na, malayo pa ba tayo?"

"Malapit na, nauna na dun iba nating kasamahan sila ang bahalang mag imbestiga sa katawan ng biktima at tayo naman sa iba pang detalye".

Tumango na lamang ako bilang pag sang-ayon.

Maya maya lang ay nasa sementeryo na kami, maraming taong nakiki-usyoso.

"Makikiraan po". pakiusap ko

Humawi naman ang mga ito sa pagtutumpukan.

Nakita ko ang bangkay ng isang babae kagay ng panaginip ko nakasuot din ito ng puting tela at walang ibang saplot.

Tinakpan ng ibang kasamahan ko ng tela ang katawan nito upang hindi pag piyestahan ng media.

Lumapit ako sa isa naming kasamahan.

"Gaya pa din ba ito ng dati?"

"Oo nakita itong nakagapos ang mga kamay may saksak sa dibdib at may pulang rosas sa ibabaw ng bangkay, dadalhin namin ang mga labi para sa autopsy".

" Alam na ba ang pagkakakilanlan niya?"

" Oo sya si Carmela Santos 4th year college student, tinawagan na namin ang mga magulang nya".

" Sige kami nang bahala ni Jay mag imbestiga sa nakakita ng bangkay".

Nakita kong kinakausap na ni Jay ang testigo.

"Manang mga anong oras nyo po nakita ang bangkay?".- Jay

" Mga alas singko ng umaga po kasalukuyan po kasi akong naglilinis ng puntod ng anak ko".

"May ibang tao po ba kayong

nakita? Pwede nyo po bang makwento samin ang buong pangyayari?"- singit ko.

" Naglilinis po ako nang may marinig akong paparating na sasakyan paglabas ng limang lalaki ay parang nagtatalo ang mga ito, tumago ako nang makita kong may mga baril silang dala.

Pagkalaunay may pinasan silang babae at inilapag na lamang ito bago tuluyang umalis".

Mahabang salaysay nito.

"May namukhaan po ba kayo sa kanila?"

"Wala eh lahat sila ay nakasuot ng maskarang puti at pawang mga itim ang suot".

"Ganoon ho ba? Ang sasakyan po natandaan nyo po ba ang plate number o kulay ng sasakyan?"

"Isa pong van na itim at mukhang bago pa sa kintab pero hindi ko natandaan ang plaka eh."

"Maraming salamat po, kukunin po namin ang mga impormasyon ninyo ha para kung sakali po ay matawagan namin kayo"

"Sige iho"

To be Continued...

Chapters...

Madugong Rosa's Part 2

Madugong Rosa's Part 1

2
$ 0.17
$ 0.17 from @TheRandomRewarder
Avatar for Cold3ndice
Written by   296
2 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments