"Sinagot mo na ba si Leo ha Sydney?!".takang tanong ni mama.
"Ha? Mama hindi pa po gusto nya daw po na pormal na magpaalam sayo at kay Ate ngayon tutal day off naman ni ate e". paliwanag nito.
"Okay lang naman yon Syndey mabuti nga ng makilala sin namin sya ni mama".
"Bakit hindi mo sinabi kanina eh di sana nakapaghanda ako ng makakain?".
"Ma wag na po di ba may tira pang handa si ate kagabi? Yun na lang po ang iinitin natin".
"Sabado ah bakit ka pala nya susunduin?" tanong ko dito.
"Mamamasyal sana kami ate kasama namin si Ana ate".
Hindi pa ako nakasagot ay may biglang nag doorbell.
"Ayan na sila ate!". patiling sambit nito nagmamadali itong bumaba upang pagbuksan ang bisita.
Tiningnan ko lang ito ayoko sanang payagan kaso nga lang ay baka naman masakal ito sa dami ng bawal kaya hahayaan ko munang mag enjoy sya tutal may kasama naman ito.
"Magandang umaga po ate, tita". bati ni Leo.
"Magandang umaga din naman iho hali kayo at maupo".
"Hi magandang umaga din tuloy kayo, hi Ana lalo lang gumaganda ah". Puna ko sa bestfriend ni Sydney.
"Ayyyeeei ikaw talaga ate! hihi selemet". pacute na sagot nito.
Naghain ulit ng pagkain si mama.
"Ahmmm ate, tita pwede po ba kaming mamasyal nina Sydney? Alam ko pong 9:00 pk ang curfew niya at wag po kayong mag-aalala ihahatid ko po sila".
"Sa akin ay okay lang depende yan kay Suzy, alam nyo naman na mas protective yan". sagot ni mama.
"Alam nyo naman na hindi ganun kaligtas ang panahon ngayon dba? Pero sige papayagan ko kayo sa susunod dito na lang kayo magbonding sa bahay ah?".
"Awee salamat ate ko, bait mo talaga". Niyakap ako nito at hinalikan sa pisngi.
"Oo na oo na, basta Leo ah wag mong pababayaan ang dalawang to may tiwala ako sayo".
"Opo ate salamat po".
Matapos naming kumain ay umalis na ang tatlo, tinulungan ko nalang ang mama na magligpit.
"Ikaw anak wala ka bang balak mamasyal? Day off mo naman dba?"
"Ahmmmm wala mama dito nalang ako sasamahan kita".
"Anak hindi naman sa panghihimasok sa buhay mo pero kailan ka ba magpapaligaw? 27 kana din naman at nasa tamang edad kana".
"Mama wala naman pong nanliligaw sa akin eh".
"Paanong may manliligaw eh bantay sarado ka kay Jay".
Panunukso nito.
"Hahaha mama naman eh protective lang po yon".
"Hindi ba naman nagpaparamdam sayo ang batang iyon ha anak?"
Pakikiusyoso nito.
"Mama magbestfriend lang nman po kami".
"Hayy nako anak matanda na ako alam ko ang tingin ng lalaking may pagtingin sayo".
"Hahaha si mama nagpapatawa".
Pambabara ko dito.
"Nako po napakahina talaga ng manok ko!" palatak ni mama.
Tinawanan ko lamang ito, lagi kasing ganto ang eksena pag nag sosolo kami.
Lagi nitong sinasabi na mas gusto nya daw na kami ang magkatuluyan ni Jay dahil mabait na bata ito.
Pinagki-kibit balikat ko lang yun dahil wala namang sinasabi si Jay.
"Tao po!" *Dingdong, Dingdong!*
"Tao po! Besty? Tita?!"
Narinig kong tawag ni Jay. Day off din kasi nito at pag ganito ay lagi itong nasa bahay para makipagkulitan sa mama ko.
"Heto na pala ang manok ko haha este si Jay pala".
Ngumiti lamang ako natutuwa dahil nalilibang si mama kapag nandito si Jay.
"Oh Jay anak pasok ka!"
Rinig ko pang sigaw ni mama sa balkon ng bahay.
Naghuhugas ako ng plato ng sumilip sa kusina si Jay.
"Good morning besty! I miss you!".
Masiglang bati nito nasanay nalang ako sa pangungulit nito araw-araw.
"Hoy ano na namang kailangan mo?!"
"Grabi naman itong besty ko, nagluto kasi ang mama ng adobo eh alam kong paborito nyo to nila tita kaya dinalhan ko na kayo".
Abot tengang ngiti nito.
"Ah okay salamat, may salad pa sa ref. alam kong yan ang pinunta mo eh".
"Yown! Salamat besty!"
Dali-dali itong kumuha sa ref nakita kong dalawa ang kinuha nito at para kay mama ang isa.
"Tita kinuhanan ko na din po kayo ng salad, sabay po tayong kumain".
"Salamat anak".
Oo anak ang tawag ni mama kay Jay ewan ko ba kapag naririnig ko iyon ay natutuwa ako.
Naabutan ko ang dalawa na masayang nagku-kwentuhan sa balkon mahangin kasi sa parteng iyon ng bahay kaya ito ang tambayan namin.
To be Continued.
Chapters.
Hope to get more from you