Join 100,600 users already on read.cash

Madugong Rosas Part 2

0 16 exc
Avatar for Cold3ndice
Written by   296
2 years ago

Nangalit ang ngipin at kumuyon ang kamao ko sa isiping iyon.

"Kung sino man kayo magkakaharap din tayo soon! Lintik lang ang walang ganti"

Pinangako ko sa sarili ko na babawi ako para sa mama at kapatid ko.

"Tama na nga ang drama male-late na naman ako nito" pagpapa sigla ko sa sarili ko.

Bumaba na ako pagkatapos kong magbihis ng uniform.

Naabutan ko si mama at Sydney sa kusina na masiglang nagkkwentuhan.

"Naks ang sexy at ang ganda talaga ng ate ko oh! Kahit anong anggulo sobrang ganda!"

"Hmmm ano na namang kailangan mo? May ipapabili kana naman nu?" bara ko dito alam ko kasi ang ugali nito pag may hihingin.

"Hahaha si ate talaga oh, hihihi bali kasi may project kami sa School ate eh 550 daw" kumakamot sa ulong sagot nito.

"Sabi na nga ba e ,oh sya mamaya nalang at kumain na muna tayo"

"Yes salamat ate kong maganda I love you" pacute nitong sabi.

"Tama na yang bolahan kumain na tayo" pakli ni mama.

"Anak tutal ay madami ka naman nang ipon sa bangko mas maigi pa sigurong tumigil kana sa serbisyo at tulungan mo nalang akong mag negosyo".

"Mama alam mo naman kung anong dahilan kung bakit nagpolice ako diba?"

"Oo naman anak, kaso matagal naman na ang nangyari sa papa mo diba? Baka mapano ka..."

Pinutol ko na ang sasabihin nito.

"Mama tapos na po ako kumain, Sydney sasabay ka ba sakin? Dalian mo dyan".

Agad akong tumayo at inayos ang gamit ko.

"Aalis na ho ako ma". Humalik lang ako sa pisngi nito at tuluyang lumabas.

Hindi sumagot si mama dahil alam nyang sensitive ako masyado sa topic na iyon.

"Ate sandali! Sasabay ako!"

Sumakay na ako sa lumang kotse namin naiwan pa ito ng yumao kong ama.

"Ate pwede wait?" nagmamadali itong sumakay sa passenger seat.

"Bakit sasabay ka sakin? Dba sakto naman allowance mo kasama na pamasahe mo?

"Hihi ate kasi nagamit ko kasi nag load ako nong sabado, may on going kdrama kasi favorite oppa ko"

"Naku Oppa oppa, oppaKan kita eh" kunwari ay inis kong sabi.

"Labyu te sorry na"

"Oo na, basta ikaw Sydney ha? ayos ayusin mo pag-aaral mo baka sinagot mo na si Leo ha! Lagot ka multuhin ka ni papa" banta ko dito.

"Ate wag mo naman akong takutin hindi ko pa sinasagot yon pagtapos na namin ng college".

"Okay, very good"

Inihatid ko na muna ito sa School nya bago dumiretso sya station.

SA POLICE STATION:

Nakita kong papasalubong sa akin ang partner at bestfriend kong si Jay as usual ay nakangiti ito sa akin.

Matangkad si Jay, gwapo, mabait at makisig. Hindi ko nga alam kung bakit wala itong girlfriend e.

"Hi beshy" akmang bebeso ito ngunit tinampal ko ang bibig nito.

"Tigilan mo nga ang kaka beshy sakin baka pagkamalan kang bading nyan" irap ko.

"Luhh beshy may regla ka ba? Sungit naman nito, nag-away nanamn ba kayo ni mama Tinay.

Oo mama ang tawag nito kay mama dahil madalas itong nasa bahay simula college palang kami.

"Hindi ah" tanggi ko.

"Ah ok tara na hanap tayo ni Sir kanina pa".

Diretso kaming pumasok sa opisina ng head namin.

"Good morning Sir" sabay naming bati at sumaludo dito.

"Carry on, please sit down"

To be Continued...

Chapters...

Madugong Rosa's Part 1

1
$ 0.02
$ 0.02 from @TheRandomRewarder
Avatar for Cold3ndice
Written by   296
2 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments