Nasa biyahe na kami pauwi ng bigla itong magsalita.
" Bess galit ka ba?".
"Ha? Bat naman ako magagalit?".
Hindi tumitingin ditong sagot ko.
"Kanina ka pa kasi tahimik eh".
"Ahmmm wala, pakigising nalang ako pag nasa bahay na tayo".
Pumikit na ako at sumandal sa window ng sasakyan.
Ramdam kong nakatingin sya sa akin, naiinis ako sa sarili ko dahil parang ang selfish ko kasi ayokong manligaw sya.
"Besty andito na tayo".
Kumakatok ito sa bintana banda sa akin.
Agad akong bumaba at tatalikod na sana.
"Besty iyong tungkol sa liligawan ko, ah i-".
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito dahil pakiramdam ko ay mabibiyak ang puso ko sa sakit.
"Okay lang sakin, sino ba naman ako para pagbawalan ka dba? Bestfriend mo lang ako at kung saan ka sasaya dapat masaya din ako, sige na pagod ako salamat sa treat mo. Good night".
Tumalikod na ako at mabilis na pumasok sa bahay.
Hindi ko na nabati si mama dahil tuloy ako agad sa kwarto.
Tuloy tuloy na dumaloy ang mga luha ko pag kasarado ko ng pinto.
Naiinis ako dahil nagseselos ako sa babaeng gusto nya.
Iniisip ko kung maganda ba sya? Matalino ba sya? Baka saktan nya lang si Jay pagdating ng araw.
At baka hindi ko kayanin pag nakita kong may kasama na syang iba.
Kung ano-anong bagay ang pumasok sa isip ko at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kaiiyak ko.
Pag kagising ko ay nakita kong maraming missed calls si Jay hindi ko lang pinansin at in-off ang cellphone ko.
Wala akong imik habang kumakain kami ng agahan nila mama.
"Anak may nangyari ba kahapon? Nag-away ba kayo ni Jay?".
"Mama hindi po, masama lang po pakiramdam ko".
"Gusto mo bang uminum ng gamot anak?".
"Hindi na po ma, maaga po akong aalis malayo pa ang lakad namin ni Jay".
Paalam ko kay mama ngayon kasi ang schedule ng interview sa huling biktima ng "Red roses cult".
"Hindi mo na ba hihintayin si Jay?".
"Hindi na po ma pakisabi pag dumaan sya dito eh nauna na ako sa kanya".
"Okay sige".
"Sydney sabay kana sakin".
"Opo ate".
Bumeso lang ako kay mama at agad na lumabas.
"Ate may LQ ba kayo ni kuya Jay?".
Usyuso ng kapatid ko habang nasa byahe papuntang School nito.
"Hahaha baliw wala nu! Ano kami mag jowa?".
"Bakit hindi ba? Yeeeei".
Akala mo'y kinikilig na tukso sa akin.
"Walang ganon nu! Tsaka magkakagirlfriend na yon sabi nya kahapon manliligaw na daw sya".
"Ah kaya pala ganyan ka eh, nagseselos ka no?!".
"Hahaha lokaret ka hindi nu! Andito na tayo sa School mo bumaba kana!".
Pag iiba ko ng topic.
"Sige ate salamat muah!".
Kumaway ako pagbaba nito pero bago ako makaalis ay may umagaw ng aking pansin.
May limang lalaking nakaitim na bumaba sa isang magarang van.
Mukhang mga anak mayaman at siga sa School.
Lalabas sana ako ng kotse ngunit may tumawag sa cellphone ko.
*.....Jay calling......*
To be Continued.
Chapters.