read.cash Log in
@ruby0622

@ruby0622 in November 2022

@ruby0622

Simpleng Agahan :) May naglalako kahapon nitong kamote kaya napabili dahil plano ko itong agahan ngayon Kaya ayan na natupad na rin ang aking hiling na breakfast :) laking probinsya ako Kaya masaya ako sa ganitong mga simpleng almusal lang. Nagtimpla na rin ng black coffee partner sa aking kamote :) Kaya kapag bumili kami ng kape hindi 3in1 dahil ko gusto rin ganito lang walang creamer pero si mister hindi niya type walang creamer hindi raw masarap. Mas masugar din kasi ang…

@ruby0622

Full face to face Nagremind ang teacher ng aking bunso starting bukas full face to face na mga estudyante. Magkakagulo na mga estudyante nito at wala ng distancing dahil sama-sama na ang set A at set B tuloy na talaga ang everyday pasok sa school. Kaya everyday na rin ang aking walking exercise nito hehe. Pag uwi maghatid at papuntang magsundo sa school lakad lang para tipid pamasahe kung sisipagin mga estudyante ko lakad lang din sa uwian nila :) Siguro mabawas bawasan na…

@ruby0622

New Profile Pic :) Dahil first day of the month, naisipan kong baguhin aking profile picture :) Para bago naman sa inyong paningin haha. Ito yung time na kasal ng aking in-law kasagsagan ng pandemic nakaraang 2020 ng June ginanap sa Tagaytay. Medyo payat pa ako dito ngayon hindi na kasya ang damit na'to sa akin haha. Mahilig pa ako nun mag exercise pinaghandaan rin ang kasal para seksi naman tingnan haha. Siguro ngayon na everyday pasok na mga estudyante ko mabawasan na si…

@ruby0622

Walang Pasok Ang tuwa na naman ng mga estudyante dahil naextend ang long weekend, next week pa ang pasok uli. Siguro hindi lang mga bata natuwa na walang pasok pati na rin mga nanay isa na yata ako doon haha. Mahaba-habang bakasyon ng mga estudyante pati na rin mga nanay pahinga sa paghatid at sundo sa mga anak :) Kagabi ito sinend sa GC, nagremind na rin adviser ni bunso na magpraktis sa pagbasa at pagsulat ang mga bata habang mahaba ang bakasyon. At ganun din sa basic…

@ruby0622

Froot Loops Isang maulan uli ang hapon dito sa amin akala ko kanina tuloy tuloy na ang ganda ng panahon. Ang ganda kasi ng sikat ng araw kaninang umaga yun pala ay prank lang haha. Ito pala ang meryenda ng ate at bunso ko furit loops binili ng daddy nila. Nagtry si mister bumili ng froot loops kapalit ng Koko crunch. Ang laki pa ng binili niya para maiba naman daw matikman din ito ng mga bata. Pero ayaw ng dalawang maarte na bata hindi raw nila gusto mas masarap daw ang Koko…

@ruby0622

Diet Dinner 😁 Ito ang hapunan namin ni mister lettuce at meat semi samgyup daw haha wala nga lang side dish itong kulay pula lang na parang bagoong pasensya na hindi ko alam ang pangalan hindi ko mabasa haha. Tingnan nyo nalang pangalawang photo 😄 ang hirap basahin diba 😂 Ang dalawang chikiting lang nagkanin sila tapos ito ang ulam. Bumili si mister kanina ng pork strip sa meatshop tinimplahan lang niya ng kaunting asin at paminta tapos grilled. Itong lettuce nakaraan pa ito…

@ruby0622

My Hometown Province Nakabidyo call kami kanina ng kapatid ko sa probinsya. Siya ang naiwan sa mama namin sa probinsya may asawa na rin pero sa bahay namin siya nkatira dahil walang kasama si mama. Nakakatuwa kasi pwede na kami magbidyo call dati kasi halos walang signal talaga mahagilap kahit yung selpon nun na de antenna pahirapan talaga hehe. Nasa tabing ilog siya nakatambay sa waiting shed ng Tito namin, malapit lang din sa bahay namin dahil malakas daw ang signal. Sa…

@ruby0622

Hawak kamay 😁 Blessed morning to all, Friday na kaagad kaybilis ng araw :) weekend again! Thank you Lord for today and everyday! Ang cute lang tingnan ng dalawa sobrang sweet magkahawak kamay pa hehe. Ito yung time na nagjogging kaming maaga kasama si mister hindi na uli naulit night shift na Kasi ang work time ni mister. Gustong-gusto ng dalawang anak ko magjogging Kami, pagkatapos kasi ng jogging diretso sa mcdo magtake out katapat lang kasi kung saan kami nagjojogging.…

@ruby0622

Rainy Afternoon again Sobrang tirik ang araw kaninang umaga tapos ngayon maulan na naman kahapon at nakaraang araw ganito rin ang weather pagsapit ng hapon kaya dapat nakaready palagi sa tuwing aalis ng bahay. Hinatid ko ang pinsan ko sa sakayan papuntang Batangas hindi niya kabisado ang sakayan Kaya hinatid ko na para hindi maligaw ngayon lang siya nakarating ng cavite galing siyang Gensan at nagwork dito. Hanggang gabi na naman ito paulan ulan pero maganda rin naman ganito…

@ruby0622

Early Laundry Blessed morning noise.app fam! Kapag Sabado halos lahat laba dami ang mga ina ng tahanan. Ngayon lang uli ako nakapaglaba ng Sabado, tuwing Sabado kasi may Bible class mga anak ko sa church kaya binago ko araw ng paglalaba dahil nag aassist o nagbabantay rin sa mga kabataan sa klase, tambak na ang labahin kaya hindi pwedeng ipagpabukas at lalong matambakan. Kaya ngayon inagahan ko na paglalaba siguro tapos na ako nito ng alas nuwebe :) Habang nagpapaikot ng…

@ruby0622

Kids Bible Class Ito yung ganap kaninang umaga, tuwing Sabado may Bible class/study ang mga children sa church. Tamang-tama natapos ang paglalaba ko kanina ng alas otso mahigit nagkoko crunch nalang dalawang anak ko sa breakfast mabuti may natirang Koko crunch sakto sa breakfast nila. Inalok ko sa froot loops ayaw dahil may Koko crunch pa naman siguro kakainin rin nila itong froot loops kapag wala ng ibang choice kung hindi ako talaga kakain nito😄 Alas nuwebe ang umpisa ng…

@ruby0622

Blessed Sunday Noise app fam! Ito ang ganap namin ngayon araw, bumili ang aking mga biyenan ng foam at tela para sa kanilang furniture shop na gagamitin. Mas mura kasi dito dahil supplier ng uratex foam kaya dito sila bumibili. Biglang dumating kagabi mga biyenan ko kaya hindi nakagamit ng selpon nakakahiya naman kasing panay dotdot habang nandiyan sila pakitang gilas din kasi minsan lang sila makauwi dito sa bahay 😅 Kaninang umaga, after ng breakfast umalis na kami para sa…

@ruby0622

Back to School Natapos na ang mahabang bakasyon kaya pasukan na uli ng aking mga estudyante. Umpisa na ngayong araw ang full face to face kaya sasabak na mga estudyante sa araw araw na pasok sa school kasali rin tayong mga nanay maghatid sundo sa ating mga estudyante :) Mabuti nalang inagahan namin ang pag alis kanina 15 minutes before 10am papuntang school hindi late mga anak ko. Pahirapan na kasing sumakay ngayon sa daming estudyante na papasok lahat nagsipasukan na sa…

@ruby0622

Meryenda/Dinner Nagpadeliver na naman itong asawa ko magugulat Ka nalang may dadating :) Katwiran niya gusto daw ng mga anak niya kaya nagpadeliver siya pero ang totoo siya yata talaga ang may gusto haha. Ito na ang hapunan ko meryenda kasamang dinner na para tipid 😁 Si panganay ko naman nagustuhan ang pansit, ito na rin daw ulam niya mamayang hapunan hehe. Feeling chinese/Korean itong eldest ko ang hilig gumamit ng chopstick haha parehas sila ng daddy niya. Ako hindi talaga…

@ruby0622

Blessed morning noisers, share ko lang itong panganay ko na tuwang tuwa sa whole mirror na salamin at feeling baby parin talagang pinagkasya ang sarili sa laruan na sasakyan hehe. Ito yung time pumunta kaming Unitop nakaraang araw, tuwang-tuwa siya daming salamin mahilig kasi talaga siyang manalamin 😊 dito sa bahay half body lang ang salamin kaya sobrang tuwa dito sa store daming whole mirror hehe. Ang bunso ko walang hilig manalamin haha kikay lang din itong eldest ko gusto…

@ruby0622

Unitop Store mini shopping Nakaràang araw pa ito na ganap kasama ang mga biyenan ko, napasama na rin kaming pumunta sa Unitop dahil bibili sana ng lenolyum pero iba naman ang nabili namin 😄 Itong dalawang anak ko picture daw muna sila :) ang ganda naman kasi ng background nila paskong pasko na. Si eldest ko namili na naman ng sandals at hindi talaga binitiwan kaya walang nagawa ang daddy kundi bilhin nalang hehe. Ang hilig talaga niya sa sandal na may takong, sabi ko yung…

@ruby0622

Bunso First Quarter Exam Result Kahapon pag uwi ni bunso binigay niya itong mga test paper result nakaraang periodical exam nila. Mabuti pinadala ng mga titser para makita rin ng parents yung sa eldest ko pinakita lang sa kanila pero hindi na pinadala dito sa bahay. Ang Kay bunso pinadala para din daw mapirmahan ng magulang. Ang ibang subject daw hindi pa binalik ng subject teacher nila. Proud mom naman ako sa result ng exam ng mga estudyante ko matataas naman scores…

@ruby0622

Baguio Trip 2018 Mahigit apat na taon na pala ang nakalipas nito, ang bilis talaga ng araw ang liliit pa ng mga prinsesa ko dito 😁 Ito ang unang beses namin nagbakasyon ng Baguio kasama ang mga kapatid, pamangkin at mama ko. Lahat kami first time nakarating ng Baguio yung driver/may ari ng van na Tito ng hipag ko ang nag guide sa amin sa lugar na pupuntahan. Ang saya ng bakasyon kapag kasama ang pamilya. Ang hirap lang magbyahe kasi mahihiluhin mga anak ko. Kaya laging dala…

@ruby0622

Payday Grocery Mapagpalang hapon Noise fam! Dahil walang pasok mga kiddos ngayong araw sumama na maggrocery. May important meeting daw mga teachers kaya walang pasok. Akala mo ang daming bibilhin at tig isang cart pa sila haha. Nag aagawan magtulak sa cart kaya para walang away ayan tig isa na sila 😅 Namili lang ng mga kakailanganin sa isang kinsenas mabuti ng may stock para hindi rin bili ng bili sa tindahan lalo na snacks ng ate at bunso ko. Sa Robinson kami namili mas…

@ruby0622

Vegetable Soup (Sinabawang Gulay) Nakapaglunch naba ang lahat?Kami ito kakataos lang sa aming simple and healthy dish. Medyo matagal na huli kong luto nitong laswa o law-oy sa bisaya hehe. Paborito rin ng mga anak ko ang ganitong luto pure gulay lang talaga yan walang sahog na isda o karne, dried hipon lang na maliliit sahog ko 😁 Gustong gusto ng dalawang anak ko may kalabasa tapos dinudurog sa sabaw, sayang lang walang malunggay na tinda. Kaya alugbati, saluyot, okra,…

@ruby0622

11.11 Sale Parcel Received Ang bilis dumating ng inorder ko nakaraang sale. Ito lang ang binili ko sa 11.11 sale, mga kakailanganin lang talaga hindi na ako nagpatukso sa iba haha. Nasira na yung payong na ginagamit ko sa tuwing susundo sa mga estudyante ko kaya bumili akong bago hindi pwede walang payong kakailanganin talaga yan sa tuwing aalis ng bahay lalo na at pabago bago ang panahon. Para maiwasan magkasakit dapat healthy and pretty always kaya kailangan talaga ang…

@ruby0622

Hubby's Dinner Meal Ito naisipan ni hubby na hapunan ngayon sinipag siyang gumawa ng diet meal niya haha. Dinamihan na niya para sa aming dalawa. Nag grilled siya chicken breast at pagkatapos ininit niya ang tortilla wrap (spinach) kung saan nag ihaw. Ang sarap ng hapunan busog lusog kana healthy pa :) Halos katatapos lang namin kumain medyo late na ang dinner. Medyo late na kasi ang preparation ni mister sa meal kaya natagalan din ang hapunan. Pero mga anak ko maaga kumain…

@ruby0622

Gatsby Party Costume Na share ko na ito sa kabila, ito yung time na may Gatsby party ang tita lola (kapatid ni mother in law) sa kanyang 60th birthday months ago. Twinning daw ang sisters 😁 ito ang costume nila sa party. Nasa Tagaytay kami nito sa mga biyenan ko, ito yung furniture shop nila at dahil dun din ginanap ang pagdiriwang sa Tagaytay nagrent lang silang venue. Ayan bago pumunta sa party picture daw muna sila kanya kanya silang pacute 😄 Busy ang maghapon kaya ngayon…

@ruby0622

Watching Movie while Lunch Time 😁 Nakapaglunch na ang lahat?Kami ni mister ito kakain pa lang habang manonood ng movie :) Ang ulam namin afritadang manok kahapon pa ito na luto ni mister. Hindi naubos kahapon kaya ito uli ang ulam medyo nasunog pa pagkaluto :) Mukhang maganda ang movie na'to suspense gusto ko rin mga ganitong palabas may thrill hehe. Maulan ulan ang weather ngayon, kanina paghatid ko sa mga estudyante ko naulan hoping mamaya pagsundo hindi uulan. Kain tayo…

@ruby0622

Bacon for kids lunch Happy morning noise app fam! Namiss kong mag ingay haha namahinga ng isang araw dumating kasi ang mga biyenan ko nakaraang gabi at kakauwi lang kaninang umaga. Nakakahiya kasi magdotdot habang nandito sila kaya pakitang gilas muna 😂 minsan lang naman sila makabisita 😁 Share ko lang ang ulam ng mga estudyante ko for lunch today. Paborito nila itong bacon, Kaya ang tuwa nung makita ang ulam ng baon nila. Niluto ko nalang sa air fryer ng 15 minutes ayan ang…

@ruby0622

PTC meeting Blessed evening Noise app fam! ngayon ko pa lang maibalik ang inyong pagmamahal na busy lang sa buhay buhay si inday 😅 May nilakad kasi ngayong araw. Ako'y naguguluhan sabay ang meeting schedule ng mga anak ko bukas bigayan din kasi ng card nila kaya kailangan nandun ka sa meeting. Kinausap ko si mister kanina bago pumasok sa work na siya ang magmeeting nalang sa panganay namin kasi mas mabilis matapos makapagpahinga kaagad. Hindi kasi work from home and schedule…

@ruby0622

PTC/Parents Teachers Conference Ito yung ganap kaninang umaga, nagmeeting ako kay bunso at si mister naman sa panganay namin. Tumagal rin ang meeting ng isa at kalahating oras (9:30-11am) last part ay bigayan ng temporary card. Sobrang happy at proud mom here, mataas ang grades ni bunso ang sabi ng adviser niya ay very good daw siya sa class behave lang at talagang nagpa participate 😊 Sa kanilang klase dalawa lang daw sila ang nakakuha ng average grade na 90+. Kaya…

@ruby0622

Watching Football while doing household chores Kumusta kayo noise app fam?ang tagal kong walang paramdam haha nabusy sa buhay buhay. Nung linggo kasi nagpahinga buong araw walang gagdet nagmovie marathon lang kaming pamilya. Bumawi naman kahapon sobrang pagod buong araw din naglinis sa may bodega ng bahay ang dami kasing bubuwit na patakbo takbo feel at home masyado kaya naisipan kong mag operation linis dahil day off ni mister may katulong ako😁 Ngayon ito haharapin ko naman…

@ruby0622

Yesterday at the Mall Nakabisita ang Lola at Lolo kahapon ng hapon kaya nung uwian sa school ang mga apo ng alas dos ng hapon ay diretso na sa mall. Nakapangako kasi ang Lola na bibisita sila. Kaya masaya ang mga dalaga ko nakapagmall uli, nagpicture taking lang saglit at kumain na ng meryenda. Gusto pa sanang mag arcade ng mga bata pagkatapos kumain kaya lang nagmamadali mga biyenan ko uuwi raw kaagad silang Tagaytay. Nahirapan magdrive ang biyenan kong lalaki kapag…

@ruby0622

Grocery day! Pagkahatid sa mga bata kaninang alas diyes sa school ay diretso na kami ni mister sa Robinson supermarket para maggrocery sa isang kinsenas namin na budget. Mas mabuti ng may mga stock para hindi na pabili bili sa tindahan lalo na mga snacks ng mga bata. Akala mo ang daming nabili halos mga de lata at noodles lang mga yan haha at saka frozen goods. At mga biskwit o meryenda ng mga estudyante ko :) Tiyak happy na naman mga anak ko nito dami nilang pagkain na…

@ruby0622

Pancake requested by bunso 😁 Blessed morning noise app fam! Nagrequest ang aking bunso ng pancake for breakfast, nagsawa na siguro sa itlog everyday haha. Ang aga pa nagising samantalang ang ate niya naghihilik pa 😁 Maaga rin akong nagising dahil maaga natulog kagabi ang sakit ng ulo ko kasi kaya hindi muna naggadyet at nagpahinga ng maaga. Thank you Lord, paggising maayos na ang pakiramdam ko, tulog lang pala ng maaga ang kailangan :) May Bible class mga anak ko mamayang…

@ruby0622

Saturday Bible Class Ito ang kaganapan kaninang umaga sa church, may activity pinagawa ang titser. Pinakulayan ang mga armor of God(Ephesians 6:14-17) na drawing at pagkatapos gugupitin ikabit sa katawan ng tao na kinulayan din nila :) Sobrang nag enjoy mga bata sa activity pagandahan ng kulay hehe. Pagkatapos ng klase, tuwang tuwa din sa kanilang meryenda may tinapay, hotdog at itlog ng pugo kinulang pa sa kanila ang serving kaya nanghingi pa haha. Natapos ng alas onse ang…

@ruby0622

Blessed Sunday! Bago umalis kaninang umaga puntang church picture muna mga dalaga ko. Ang pangit talaga kabonding nitong bunso basta picture taking na, ayaw magcooperate haha. Ang ate lang talaga masaya pagdating sa posing posing hahaha itong bunso ko sapilitan talaga siya 😂 kailangin pang bolahin ng husto mapangiti lang siya hahaha. Kaso diyan sa picture hindi talaga nagpabola kaya ganyan ngiti niya 😅 Nakisali na ako sa selfie pagbigyan nyo na minsan lang makisali ang mukha…

@ruby0622

My Homemade Chicken Nuggets Isang mapagpalang umaga Noise app fam! Monday again, umpisa uli ng araw ng mga estudyante at mga nanay maghatid sundo sa school. Gumawa akong chicken nuggets pambaon ng mga estudyante ko. Naisip ko mas makatipid kung ako nalang gagawa ng nuggets pambaon kaysa bibili. Nung naggrocery kami nakaraan, isang maliit na pack lang nabili dahil wala yung flavor na gusto ng mga anak ko. Kaya ito naisipan na ako nalang gagawa tipid pa, gusto rin naman nila…

@ruby0622

Welcome to your New Home Fluff 😁 Sobrang tuwa ng mga anak ko, kaninang pag uwi galing sa school may surprise ang daddy nila na bagong alagang kitten. Ang bunso ko ang nagbigay ng pangalan na Fluff dahil fluffy daw siya haha. Nasa 2 months mahigit na daw ang Siamese kitten na'to:) Ang alaga kasi nilang pusa dati na si Owen ay nasa kapitbahay na nakatira ayaw ng ibigay kaya nalulungkot mga anak ko lalo na si bunso dahil wala na silang pet. Ang hihilig talaga nila sa pusa.…

@ruby0622

Kids Movie Marathon Late na ang aming meryenda, masarap ang fish ball nabili ni mister malasa na. Isang kilo 100pesos bili niya, kalahati na agad ang naluto ni mister na fish ball ang sarap Kasi papakin habang nanonood tapos may ice cream pa ito yung binili namin nung naggrocery :) May friend din kasi mga anak ko nandito kasamang nanood ng movie kaya kulang ang ice cream 😅 Dahil holiday walang pasok kaya nagmovie marathon mga estudyante ko hehe. Sinong nakapanood nitong The…

@ruby0622

Shareit Prediction Kagabi naisipan kong sumali sa Shareit Prediction Kung sinong team mananalo sa football game. Dahil si mister laging nanonood ng game na'to kaya tinanong ko siya kung anong team sa tingin niya ang mananalo at sinabi niya Netherlands 😁 ang saya lang dahil nanalo sa first time kong pagsali haha. Mababaw lang talaga kaligayahan ko kahit maliit lang na halaga yan nadagdag sa load ko sa shareit 😅 Nakakatuwa lang dahil nanalo ka 😄 balak kong sumali uli ngayon…