read.cash Log in
@ruby0622

My Hometown Province Nakabidyo call kami kanina ng kapatid ko sa probinsya. Siya ang naiwan sa mama namin sa probinsya may asawa na rin pero sa bahay namin siya nkatira dahil walang kasama si mama. Nakakatuwa kasi pwede na kami magbidyo call dati kasi halos walang signal talaga mahagilap kahit yung selpon nun na de antenna pahirapan talaga hehe. Nasa tabing ilog siya nakatambay sa waiting shed ng Tito namin, malapit lang din sa bahay namin dahil malakas daw ang signal. Sa bahay namin meron narin pero hindi ganun kalakas ang signal kaya dito yung kapatid ko tumatambay sa waiting shed tabing ilog. May peso net na din sa katapat ng bahay namin tawid ng ilog yun din madalas gamit ng kapatid ko para makapag internet. Namiss ko ang probinsya namin kaya sabi ko sa kapatid ko magpicture siya sa paligid kaya yung ilog at ang munting palayan namin ang kinuhaan niya :) Wala na palang tanim na palay nung April pa sila nagharvest sayang walang tanim hindi na nila maasikaso taniman. Tuwing December o Enero lang tanim namin ng palay once a year wala kasing irrigation Kaya umaasa lang kami sa ulan o rainy season lang makapagtanim ng palay. Makulimlim uli ang weather pero sobrang init kaninang umaga baka uulan na naman ito mamayang hapon. Anong lunch recipe natin siguro nakapagluto na ang iba, ako'y nagluluto pa lang :) Happy and Blessed Thursday! #Province #Surigao #Pilipinas

30 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.