Payday Grocery Mapagpalang hapon Noise fam! Dahil walang pasok mga kiddos ngayong araw sumama na maggrocery. May important meeting daw mga teachers kaya walang pasok. Akala mo ang daming bibilhin at tig isang cart pa sila haha. Nag aagawan magtulak sa cart kaya para walang away ayan tig isa na sila ๐ Namili lang ng mga kakailanganin sa isang kinsenas mabuti ng may stock para hindi rin bili ng bili sa tindahan lalo na snacks ng ate at bunso ko. Sa Robinson kami namili mas gusto kasi ni mister mamili doon marami daw pagpilian, bumili rin kasi siya ng pang diet meal niya. Parang wala naman nangyayari sa pagdadiet niya hindi parin mapigilan kumain ng kumain hahaha. May mga ulam na binili yung veggie meat minsan lang ulamin hindi daw masarap haha. Nahirapan talaga siyang magdiet mahilig kasi kumain eh ๐ ito lang bisyo niya pagkain haha. Kumusta ang weather sa inyo?dito makulimlim na maaraw magulo parin hehe pero mabuti nalang hindi umulan kahit papano makatuyo sa aking mga nilabhan :) It's Friday again, kaybilis talaga ng araw๐ Enjoy your day noisers and stay safe!
28 comments
Mas makakatipid nga po kung sa grocery mamili. Kesa sa mga store. Ang laki ng patong ng iba, pero business nga namn. Alangan magbenta ng palugi. Hehe
Kaya nga sis, hindi naman pwede magtinda ng walang tubo hehe. Kaya para makatipid din Tayo, maggrocery nalang.
True sissy
HHha lunuin daw nila Yan sis
Haha nasa 3k lang budget sis ๐
Dito umulan na talaga
Dito sis hindi naman gloomy lang. Ingat kayo sis
Sarap nga naman kasi maggrocery sis
Sarap nga sis kung maraming budget kaso sakto lang budget namin hehe
Okay Lang mamili basta may budget, pero pag walang budget mahirap. Parang wala masyadong tao diyan.
Totoo yan sis mahirap talaga kung walang budget baka magastos sa iba ang pera kaya naggrocery na. Kaya maganda rin mamili dito sa Robinson sis hindi masyadong maraming tao pero baka bukas weekend madami dami :)
Naku sis yari na puro dampot sila niyan pag may magustuhan ahaha.Anak ko lagi ko ng kasama para alam niya gusto niya pang snacks baka kasi madampot ko hindi niya magustuhan.Ingat kayo sis...
Nakikinig naman sis pagsabihan haha puro mga snacks lang nila pinapadampot ko ๐
Very good pala ok lang pag puro foods hehe.
Kaya nga sis, dapat lang sumunod limited lang ang budget haha. Gandang gabi sis :)
Add to cart na hehe, sarap mamili ng marami kaya lang baka sumobra sa budget.
Kaya nga, kaso limited lang ang budget hehe
Mas nakaka tipid Ang Isang bilihan lang Sis . Tama Yan .
Kaya nga sis nakakatipid talaga kaya nag istock na kami lalo na mga snacks o biskwit Ng mga bata :) Gandang gabi sis(
Yan ang paborito kong ginagawa sis ang mag grocery hehe!!!
Kaya nga sis ang saya maggrocery lalo na kapag maraming budget haha
Oo nga sis sana bigyan tayo ni Lord ng madaming blessing para madaming budget sa grocery hehe!!โบ๏ธ
Hoping and praying for that sis maging blessing din tayo sa iba. Blessed Saturday sis!
I claim it na yan sis Godbless youโบ๏ธ
Hehe natuwa lang siguro sila na gamitin un cart :D
Kaya nga nag enjoy magtulak ng cart tapos kanya kanya dampot ng gusto nila pero mga snacks lang nila pinapadampot ko hehe. Gandang gabi :)
Tama mas mabuting mag grocery ng maramihan. Ang laki kasi ng tubo sa tindahan hehe.
Kaya nga sis, hindi rin natin masisi nagtitinda dahil hanapbuhay nila kailangan may tubo :) Gandang gabi sis :)