read.cash Log in
@ruby0622

Hawak kamay ๐Ÿ˜ Blessed morning to all, Friday na kaagad kaybilis ng araw :) weekend again! Thank you Lord for today and everyday! Ang cute lang tingnan ng dalawa sobrang sweet magkahawak kamay pa hehe. Ito yung time na nagjogging kaming maaga kasama si mister hindi na uli naulit night shift na Kasi ang work time ni mister. Gustong-gusto ng dalawang anak ko magjogging Kami, pagkatapos kasi ng jogging diretso sa mcdo magtake out katapat lang kasi kung saan kami nagjojogging. Kaya hindi rin maganda kasi napapagastos ka haha. Sa gawaing bahay nalang talaga exercise ko at hatid sundo sa mga bata :) Pero nakakamiss rin ganito maagang nagpapawis kasama ang pamilya bonding time rin namin. Sobrang abala ko kahapon dumating yung pinsan ko galing Gensan mahigit dekada rin kaming hindi nagkita Kaya daming tsika hehe. Hindi tuloy nakasilip dito bawi ako today :) Ako'y maghahanda muna ng aming almusal na masarap hehe ganyan tayo eh kapag may bisita dapat masarap nakahain kapag kami kami lang back to normal uli haha. #SistersSweetMoment #Jogging #ThrowbackMemories #Pilipinas

36 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.