read.cash Log in
@ruby0622

Blessed Sunday Noise app fam! Ito ang ganap namin ngayon araw, bumili ang aking mga biyenan ng foam at tela para sa kanilang furniture shop na gagamitin. Mas mura kasi dito dahil supplier ng uratex foam kaya dito sila bumibili. Biglang dumating kagabi mga biyenan ko kaya hindi nakagamit ng selpon nakakahiya naman kasing panay dotdot habang nandiyan sila pakitang gilas din kasi minsan lang sila makauwi dito sa bahay πŸ˜… Kaninang umaga, after ng breakfast umalis na kami para sa kanilang bibilhin na tela at foam. Sumama na kami sa kanila kasi pagkatapos nilang mamili punta daw kami sa Unitop mas mura at maraming mapipili na gamit doon plano ko kasing bumili ng linoleum. Bibili din daw sila ng shirt para ipamigay sa mga workers nila sa shop sa darating na pasko. First time ko talagang makapunta ng Unitop marami ngang mapipili sa dami ng display yung budget mo lang talaga ang kulang hahaha at sobrang laki rin pala ng lugar. Kahit medyo malapit lang ito sa amin kanina lang talaga nakapasyal doon :) Nakakapagod ang magbyahe at maglilibot alas tres mahigit na kami nakauwi dito sa bahay hinatid lang kami ng mga biyenan ko at umuwi na kaagad sila sa Tagaytay. Anong ganap nyo today?hope nag enjoy kayo this weekend bukas pusakan na uli sa eskwela at trabaho kaya sobrang abala na naman :)

29 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.