Kontemporaryong Panahon ng Literatura

2 197
Avatar for charmingcherry08
3 years ago

Most parts of the article are written in Tagalog. Read at your own risk.

Since this is my 100th article, I would like to share a poem that I composed months ago about the literature. It was in Tagalog this time. So, to my Kapwa Pinoy, I will give this a shot for everyone. Halika, tumula muna tayo!


Pamilyar ka pa ba sa literatura?

Tila ba sa paglipas ng panahon, mga salita

At linya sa mga sikat na literatura ay limot na nila

Mga iho at iha, kayo ba’y pamilyar pa?

 

Saan nga ba nagsimula?

Mula sa mga palitan ng bala ng ating mga bayani laban sa mga banyaga?

Na naisalin, naikwento, at naitala?

Saan nga ba natin nasimulan ang panahong kontemporaryo ng ating literatura

 

Mga kaganapan sa nakaraan na naitala sa iba’t-ibang pahayagan

Mga kwentong nabuo sa imahinasyon ng mga taong bukas ang kaisipan

Mga inspirasyong nais ipalaganap ng karamihan

Lahat, lahat ay literatura ang naging daan

Ang napapanahong pangyayari sa paligid

Hayaan mo ang iyong mga matang magmasid

Puno tayo ng samu’t-saring kasabihan, alamat, at nobela mula sa mga ginintuang isip

Kontemporaryo ngang maituturing sapagkat maghayag ng mensahe ang kanilang hangarin

 

Sa kontemporaryong panahon

Mga tao’y pinagbuklod na ng pagkakataon

Hinayaang mahalin ang wikang iyong baon

At tinuruan kang unahing mahalin ang iyong wika at hindi ang wika sa ibang nasyon

 

Nakatuon ang pansin sa pagpapalaganap at pag-intindi sa mga salitang katutubo

Tinuruan kang intindihin at mahalin ang lenggwahe ninyo

Isantabi ang sa tingin mo’y hindi pagkakasundo

Dahil may wikang magbubuklod sa atin sa dulo

Maraming bagay ang itinuro ng panahon ng kontemporaryo

Mahalin mo ang katutubong lenggwaheng nakagisnan at ipalago

Isalin ang mga kwentong narinig mo para sa henerasyong inaabangan ng mundo

Mga napapanahong pangyayari kung sakali ay maitala mo

 

Sa ano mang panahon maabutan

Mga literatura ay dapat na manatili pa rin sa kasaysayan.


I composed the poem with a timer. Yes, I do love freewriting. Mapa-Ingles man iyan o Tagalog. Kung may ideya ka sa literatura sa Pilipinas, alam mo kung saan nakapokus ang Kontemporaryong Panahon. Mas nakatuon ito sa pagbibigay-buhay sa sariling wika, o wikang nakagisnan. Madalas itong tawagin na "mother tounge" sa Ingles. Sa panahong ito, mahalaga na maituro sa mga mas batang henerasyon ang kahalagahan ng pagtangkilik sa sariling wika at sa pagpapalaganap nito.

Marahil ang iba ay binibigyang-halaga pa rin ang lenggwaheng nakagisnan o nakalakihan nila, ngunit ang karamihan ay tila mas tinatangkilik na ang lenggwahe ng mga banyaga. Higit pang nakakalungkot na mas magaling pa silang bumigkas ng salitang banyaga o bumuo ng pangungusap gamit ang mga ito kumpara sa wikang minulatan nila.

Aminado ang lahat sa sibilisasyon at modernisasyon na nangyayari sa mundo, ngunit hindi dapat ito maging hadlang sa pagyakap mo sa wika mo. Maaari tayong sumabay sa agos ng pagbabago, ngunit h'wag kakalimutan ang bansa, pagkatao, at wikang yumakap sa iyo nang lumabas ka sa mundo.


If you opened this despite the warning that the article was written mostly in Tagalog, I appreciate you. And I am sorry if you did not understand some parts. I will be back on track in the next article.


Sponsors of charmingcherry08
empty
empty
empty

If you still have time, here are some of my latest articles that you might want to read:


Crypto-related Articles:


💸 TIP FOR A CAUSE 🙏

  1. Art 1: Tip For A Cause

  2. Tip For A Cause: Gift Pack

  3. Tip For A Cause: First Wave Successful!


🔔 ADVERTISEMENT 🔔

I am accepting ACADEMIC COMMISSIONS.

If you know someone who might need some help or if you are a student who needs an assistance/backup on your school requirements, feel free to check on me through my TelegramTwitter, and noisecash.


☑️ REMINDER ☑️



Date Published: May 18, 2021

Author: charmingcherry08

9
$ 27.80
$ 27.50 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @bheng620
+ 4
Sponsors of charmingcherry08
empty
empty
empty
Avatar for charmingcherry08
3 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Sana all makata 😁

$ 0.00
3 years ago

Hehehe. Hindi naman ako makata ate 😁

$ 0.00
3 years ago