Join 75,939 users and earn money for participation

Full-Detailed BenSwap Tutorial (TagLish Edition)

69 123 boost
Avatar for bmjc98
Written by   867
1 month ago

Etong article na to ay requested by @ExpertWritter kagabi sa Telegram. Kaya eto at gagawin ko para sa kanya at para sa iba na rin na mejo nahihirapan unawain yung BenSwap.

Masakit nga naman sa ulo yung mga article na ganito kahit me guide pa pag newbie ka pa. Don't worry, hindi kayo nag-iisa. So tara na't matoto paano itry ang BenSwap at kung anu-ano pa.

Ang BenSwap.Cash nga pala ay ang unang BCH DEX (Decentralized Exchange) na itinayo sa SmartBCH. Ang mga gumagamit nito ay magkakaroon ng kakayahang kumita sa pamamagitan ng tinatawag nilang Liquidity Pools, at magpalitan ng mga token. - Source

👉Setting Up Metamask - Sending BCH to CoinFlex to Metamask Wallet👈

Step 1: Metamask Wallet

Ang una mong gagawin is mag install ng Metamask. Pwede eto sa phone or sa computer mo. Pero focus muna tayo sa phone since majority ng mga users is mas comfortable sa phone. Pagkatapos mong iinstall at kopyahin ang recovery phrase na tinatawag nila (HUWAG KALIMUTANG GUMAWA NG BACK UP!).

Pag meron ka ng Metamask, eto gawin mo:

  • Pindutin mo yung tatlong horizontal lines na makikita mo sa upper left corner ng app mo.

  • Pindutin ang Settings - Networks - Add Network

  • Ilagay mo yung mga sumusunod (Check image below)

  • Huwag kalimutang i-save.

Syempre, hindi pa jan nagtatapos ang lahat. Ngayong tapos ka na sa Metamask wallet mo at na set mo na ang dapat maset, ang susunod mong gagawin is ang CoinFlex.

Step 2: BCH - CoinFlex

Dapat me BCH ka sa wallet mo dahil kakailangan mo yan para sa mga transactions mo.

  • Pindutin mo to - Coinflex.com website/app

  • Pwede kang mag register gamit ang iyong email or mas mainam kung iconnect mo na lang sa Metamask wallet then verify mo yung account mo.

Dito mo na kakailanganin yung BCH mo

  • Mag deposit ng BCH sa CoinFlex.

  • Punta ka sa Wallet and Order at piliin ang Deposit.

Sunding ang picture sa ibaba

Photo credit: @Carisdaneym2
  • At kunin ang BCH address or gamitin ang QR code, at jan mo isesend ang BCH mo.

  • Siguraduing naka BCH at hindi SEP20.

Step 3: CoinFlex - Metamask

Maghintay lamang ng mga 20 minutes or so para matanggap mo ang iyong BCH. Pagnatanggap mo na, ang susunod mong gagawin is iwithdraw ang iyong BCH at isend sa Metamask.

  • Pumunta muna sa Metamask wallet at kopyahin ang iyong Smart BCH address.

  • Bumalik sa CoinFlex at hanapin ulit yung Wallet and Order at piliin ang Withdraw.

Sundin ulit ang imahe sa baba

Photo credit: Carisdaneym2
  • Siguraduing naka SEP20 at hindi BCH.

  • Ilagay ang iyong Metamask address at amount na gusto mong isend.

  • Huwag kalimutang i-submit at confirm ang iyong transaction.

Hintayin mo na lang na dumating ang iyong sBCH sa iyong Metamask wallet.

👉Adding tokens👈

Papaano ba mag add ng tokens? Simple lang naman ang gagawin mo. Sundin ang mga sumusunod:

  • Magpunta lang sa iyong Metamask wallet.

  • Pindutin lang ang +Add Tokens.

Ang kailangan mo lang dito ay ang Token address. Para makuha ang token address na kakailanganin mo, iclick mo ang link sa ibaba.

https://zh.thedev.id/sep20tokens/

  • Kopyahin ang Token address at ipaste sa text field.

  • Pindutin ang second or third field para automatic na lalabas ang kanyang Token Symbol at ang Token of Precision.

  • Huwag kalimutang pindutin ang Add Token.

👉Staking at the pool on BenSwap👈

Halimbawa nakakuha ka or me nagbigay sayo ng $EBEN at gusto mo ng i-stake eto sa pools. Eto ang mga dapat mong gawin:

  • Sa iyong Metamask wallet, pindutin ang tatlong horizontal lines sa taas.

  • Pindutin ang Browser at sa search box, i-type ang benswap.cash.

  • Hanapin ang Pools, kung saan makikita mo doon ang EBEN at WBCH.

Dahil EBEN lang meron ka, focus tayo sa EBEN.

  • Pindutin ang Approve Contract at hintaying lumabas ang Permission.

  • Pindutin ang Estimated gas fee kung saan naka default eto as 0 BCH.

  • Palitan ang Gas price at gawing 1.05 GWEI at i-save.

  • Huwag kalimutang i-Approve at hintayin ang confirmation.

Simulan na nating mag stake.

  • Sa iyong Pools - EBEN, pindutin ang Stake.

  • Maglagay kung ilang EBEN ang kaya mong i-stake at confirm.

  • Hintayin lang ang Confirmation.

👉Harvesting EBEN at the Pools👈

Pag meron ka ng EBEN, pwede ka ng mag harvest. Siguraduhin lang na pag nag harvest ka, mejo marami-rami na EBEN mo para sulit sa gas fee.

  • Pindutin ang Harvest.

  • Tapos ang Estimated gas fee tapos Save.

  • Scroll down tapos Confirm.

Ang iyong bagong harvest na EBEN ay makikita mo sa iyong Metamask wallet. Siguraduhin lang na na add token mo si EBEN. Kung balak mong idagdag ang iyong harvest sa Pools, pindutin lang ang '+' sign.

👉Staking LP tokens to earn EBEN👈

Kumpara sa Pools, kelangan mo ng dalawang tokens dito para maka farm ka. Dahil EBEN ang sample natin sa taas, eto pa rin gagamitin natin sa Farm.

  • Sa menu, hanapin ang Trade at piliin ang Liquidity.

  • Pinduting ang Add Liquidity.

  • Maglagay ng amount kung magkano iadd mo sa EBEN at automatic na mag seset na rin kung magkano sa BCH.

  • Huwag kalimutang pindutin ang Supply.

  • Sundin lang ang proseso at hintayin ang Confirmation.

So assuming okay na, balik ka sa Farms.

  • Pindutin ang Stake.

  • I-set ang amount kung magkano idedeposit mo.

  • Sundin lang ang proseso at hintayin ang Confirmation.

Gawin mo lang din ang ginawa mo sa Pools pag gusto mo i-harvest yung naipon mong EBEN.

👉Swapping EBEN to BCH👈

Gusto mo ng iswap agad agad ang mga tokens mo sa BCH, eto lang gawin mo:

  • Sa menu, hanapin ang Trade tapos Exchange.

  • I-swap mo lang doon ang tokens, halimbawa ang EBEN, sa BCH.

  • Huwag kalimutang pindutin ang Swap.

👉Withdrawing your sBCH from Metamask👈

Gusto mo ng withdrawhin lahat ng sBCH mo sa main wallet mo, eto lang gawin mo:

  • Punta ka sa Coinflex.com website/app

  • Deposit page at kunin mo yung SEP20 address mo.

  • Balik ka sa Metamask wallet mo at i-send ang iyong sBCH sa deposit address na kinopya mo galing sa CoinFlex.

  • Ilagay lang ang amount. (Example: Amount = 0.0001 BCH Gas Price = 1.1)

  • Huwag kalimutang i-Confirm ang iyong transaction.

Hintayin lang na dumating sa CoinFlex ang iyong BCH at pag dumating na, pwede mo na ibalik sa iyong main wallet.

Closing thoughts

Kung meron kayong mga katanungan, maaari kayong magtanong at gagawin ko ang aking makakaya para sagutin ko kayo isa-isa.

Laging tandaan, ONLY INVEST WHAT YOU CAN AFFORD TO LOSE and DO YOUR OWN RESEARCH.


31
$ 11.86
$ 10.94 from @TheRandomRewarder
$ 0.20 from @carisdaneym2
$ 0.10 from @Omar
+ 16
Avatar for bmjc98
Written by   867
1 month ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

thanks so much for sharing. nagtake down na ako ng notes para mapag aralan ng maayos. medjo marami tong naisulat ko ah hahaha para akong umattend ng seminar.

$ 0.00
1 month ago

Thank you dito sis, mas madali to intindihin, hahahaha..

$ 0.02
1 month ago

Sis, wag mahiyang magtanong ha.

$ 0.00
1 month ago

Yes sis, heheh. Thanks!

$ 0.00
1 month ago

I think the gas fee must have been the reason why my staking didn't work yesterday or is there a minimum amount that is allowed to be staked, MJ? Either I get more BCH deposited or I increase and buy more EBEN to enable my staking. I haven't tried it again today since yesterday though.

$ 0.02
1 month ago

I don't think there is. Perhaps, it has something to do with the gas fee. When you do the LP, once you input the amount of a certain token, for example, EBEN, the amount of BCH is counted automatically.

$ 0.01
1 month ago

I have to check it out again then. I got fed up and left it 🙈

$ 0.00
1 month ago

Until now??

$ 0.00
1 month ago

Yes, dear.

$ 0.00
1 month ago

Thank you for this. I will try this out.

$ 0.02
1 month ago

Better check @Jane's article coz this one is in TAGALOG. :)

$ 0.00
1 month ago

I did thanks. Your article helped a lot to me though, because I was on the .finance site of ben and it did not work. I realized the .cash site is what I needed. :)

$ 0.00
1 month ago

HAHAH. Yeah, I heard there's a .finance. And sorry for the very late reply. Glad you find this helpful. :)

$ 0.00
1 month ago

How about doon sa compound po ate ? Ano po purpose noon?

$ 0.02
1 month ago

Just press compound if gusto mo istake yung profit mo.. . You can check my article about the complete transactions on BenSwap..

$ 0.00
1 month ago

Lagi ko nakakalimutan yung compound puro ako harvest. lol

$ 0.00
1 month ago

I'm still to all of this and how this works, still on the phase of learning and adopting, thank you for the input. 😊✨

$ 0.02
1 month ago

Well, I hope this could help. If this sounds complicated to you, feel free to read @Jane's.

$ 0.00
1 month ago

whaaa thank you pooo 😊

$ 0.00
1 month ago

I am done setting up my metamask wallet pero young sa coinflex, laging nag invalid code huhu

$ 0.02
1 month ago

So far, wala naman akong problema sa akin. Although once pa lang ako nakapag send dun.

$ 0.00
1 month ago

I actually created a complete comprehensive guide for BenSwap 😅 posted a few days ago..

$ 0.02
1 month ago

HEHE. Alam ko. Requested by kasi para daw mas madali igets.

$ 0.00
1 month ago

Sbgy.. Filipino version nmn to

$ 0.00
1 month ago

Alas! Unable to understand the language. But I can understand that you have researched well and wrote it perfectly. Best wishes.

$ 0.02
1 month ago

Sorry, for the tagalog article. :) It was an article for a friend coz she asked me to write something like this in tagalog.

$ 0.00
1 month ago

Oh it's ok

$ 0.00
1 month ago

Sa Wakas naintindihan ko na. HAHAHAHA thankyou ate bmjc ❤️ laking tulong nito.

$ 0.02
1 month ago

Aww, salamat naman at me saysay tong ginawa ko. Salamat. <3

$ 0.00
1 month ago

Ayun.. Ahahaa.. Sinundan ko kagabi yung english tutorial nito... Perp di ko pa natapos... Buti nalang may tagalog na.. Thanks for your effort for this one.

$ 0.02
1 month ago

Salamat din at napansin mo to. Sakit sa bangs noh? HAHAH.

$ 0.00
1 month ago

Kaya nga sis.. Kasi andaming anek anek.. Helpful talaga tong ginawa mo para sa mga katulad ko na mag uumpisa palang.. Meron na akong metamask saka coinflex eh..

$ 0.00