Why I don't like to handwrite stories and diaries.. anymore.
Because it's been a long since I've written an essay in Tagalog, I'm going to write this one in my native tongue. For those who come from different countries, I apologize that you will not comprehend this item right now. However, if you want to learn more about it, you may translate it into English.
Greetings first to my loving sponsors! Thank you for the never-ending support guys!!
Why I don't like to hand write stories and a diary anymore?
Actually gustong-gusto ko noon ang pagsusulat. Highschool pa lang ako mahilig na kong gumawa ng mga fictional stories lalo na yung mga mala-pocket book na mga romantic stories. Naalala ko dati, meron talalaga akong isang attach case na puro papel, notebooks at coupon bonds at laman nun is mismong mga diary ko at mga ginagawa kong scripts. That time, uso na ang wattpad pero mas nahilig pa rin ako sa pag rerenta ng mga pocketbooks sa isang store Naalala ko ung rent fee ng isang seller don sa kabilang kanto ng bahay namin, kada renta ko ng book, worth 3 pesos lang tapos 2 days nasaiyo.
Going back, so ayun nga, doon ako kumukuha ng mga inspiration ko para may maisulat tapos ginagawan ko ulit ng bagong kwento pero para mas astig, minsan pinaghahalo halo ko na ang mga genre. So dahil nasa puberty stage na din ako that time at medyo naku-curious na ko sa mga bagay bagay at na-iinlove na, that time nagsimula na kong gumawa naman ng mga love letters, poetry at lalo na ng diary. Walang araw na di ako gumagawa ng mga yan. Feeling ko noon eh napakasarap ng buhay ko kasi inlove na inlove ako at lahat ng gusto kong sabihin sa isang tao ay sinusulat ko.
...
...
...
Habang nasa kasarapan ako ng aking mga imahinasyon, bigla na lang gumuho ang mundo ko at hanggang ngayon, iniisip ko sana ako nagkamali? Bakit parang nawalan ako ng karpatan na magsalita gamit ang pagsulat? Tila parang hindi na ko pinagbigyan para ipakita ang mga nararamdaman ko sa paraan ng pagsusulat.
Isang araw, nahuli kong bukas na ang attach case ko. Mukha pang pinwersahan pang buksan ng kung sino. Masakit pa, gutay-gutsy na halos ang iba sa mga sinulat ko. Isa lang naman ang alam kong gagawa nito. Alam ko na siya lang din talaga ang sumira ng lahat at lalo na ng tiwala ko sa kanya bilang isang Nanay. Nang araw na pinakita ko sakanya ang mga ginawa niya sa gamit ko, parang tuwang tuwa pa sya na nasaktan ako. Produkto daw ng pagiging malandi? Hindi ko alam saan banda doon ang kalandian pero mali ba na nagsulat ako dahil gusto ko? Malala pa eh parang kada sesermunan ako ay pinapaalala niya sakin ano mga nalaman niya na nakasulat sa diary ko. Simula non nagbago na lahat lahat. Pati tiwala ko sa lahat ay nawala. Pakiramdam ko ay parang hindi na ko binigyan ng pagkakataon para magsalita at magsabi ng mga nararamdaman ko. Dahil sa nangyareng iyon, hindi na ko nagsulat ng kahit ano. Naging mailap na rin ako sakanya at hindi na nila nalaman lahat ng mga ginagawa ko lalo na ang iba sa mga naging pamumuhay ko. Kilala lang nila ako bilang anak at kapatid pero hindi ko na pinilit na kilalanin nila ako bilang AKO.
Sa ngayon, masasabi kong mas maganda na ang takbo ng ginagawa ko. Mas okay na din dito sa site na read.cash ay malaya ko ng magagawa at maisusulat lahat ng gusto ko. Hanggang ngayon ay may bitbit aong hinanakit sa kanila pero siguro, mas dapat ko na lang tanggapin na hindi talaga ako kamahal-mahal na anak.
Pipilitin ko pa ring magsulat. Ito ang aking mundo.
-Fin-
Again, thank you for stopping by my article for today! If you still haven't read my previous articles, here are these:
And if ever that you like fiction and something Horror stories, maybe you would like to read these:
Unless otherwise indicated, all images are mine.
PUBLISHED: MAY 6, 2022 TIME: 2:23 PM PST ARTICLE: #103
What the hell?? Napakasama naman niya, grabe! People should know their limits. Hindi porket kamaganak or what pwede na mangeelam. Dito sa bahay, kung di mo gamit, wag galawin. Mas maganda magpaalam.