Bright Monday Morning 🌄 Magandang Lunes ng umaga mga ka-noise! Kaninang umagang nag-bike ako kinunan ko ng picture itong sky para maipakita ang weather dito sa amin, pero dahil kalsada iyan merong dumadaang sasakyan at mga taong nakatayo na nag-aabang ng masasakyan. Lunes Kasi ngayon kaya maaga rin sila. Pinutol ko kasi naisip ko baka nagno-noise din sila, at makita nila ito. Haha! Anyway ang weather lang naman ang gusto kong ipakita dito at hindi sila hehe. Napakaaliwalas…
@Roni in May 2022
Vegetables Or seafoods Hello once again, mga ka-noise! Narito na naman ako para sa aking once a day post. Di ba kahapong nag-post ako sabi ko nag-request ako kay misis na gulay naman ang iluto? Dahil nga noong nakaraang gabi eh manok ang ulam namin. Palibhasa Ilocano ako mas gusto ko lagi na gulay ang ulam namin. Mabuti naman kahit kapampangan si misis, mahilig din siya sa gulay, kaya agad naman niya akong pinagbigyan. Napansin niyo ba ang title ng content ko? Vegetables Or…
Poultry Farming Good morning Ka-noise/Ka-Pilipinas! Since I was about to leave for Bataan, I bought my wife chicken here at a poultry farm. So that she has stock chicken meat in the refrigerator while I'm not around. Besides, it's cheaper when you buy directly from poultry farming. For 450 pesos, I bought 2 whole chickens. The first and second pictures are the poultry farming here in our area. In the third picture, these are the chicken meat that my wife will put in the…
Magandang Umaga mga ka-noise! Matindi na ang sikat ng araw dito kaninang papatapos na ako sa aking biking exercise at 6:56 am. Tiyak sobrang init na naman sa maghapong ito kagaya kahapon. Itong second picture ay ang binili kong Papaya. Two days na kasi mula nang maubos ang paboritong pang-dessert na papaya ni misis. Share ko din sa inyo itong pinicture ko kahapon nang bago kami mag-lunch (last photo) itong nilutong tinola ni misis mula sa mga binili kong manok kahapon. Kasi…
Good morning, mga ka-noise/ka-Pilipinas! Last two hours na lang at aalis na ako, papuntang Bataan. Kaninang pag-gising ko nag-bike lang ako sandali pagkatapos bumili ako ng pancit palabok at pandesal para di na magluto si misis ng almusal. Bumili rin ako ng pork ribs para, pandagdag sa naka-stock niyang ulam habang wala ako dito. Malaking abala kasi sa kaniya kung siya pa ang bibili medyo may kalayuan din dito sa amin. Pero kung tungkol sa isda at gulay merong dumadaan sa…
Happy Saturday morning, mga dear ka-noise! Kahapon ng umaga mga 2 hours after kong mag-breakfast umalis na ako. Share ko dito ang mga photos na kinunan ko habang nakasakay ako ng bus kahapon. Iyang first picture ang sinakyan kong bus. Pinicture ko rin ang dinadaanan namin mula Dinalupihan hanggang makarating ako ng Limay Bataan. Ang last picture ay diyan ako mismong bumaba kahapon. Pinicture ko muna bago ako pumasok sa bahay ng mother ko. Bukas sasabihin ko kung bakit umuwi…
Happy Sunday morning, mga ka-noise! Share ko sa inyo ang mga picture na kinuhanan ko kahapon ng umaga na first early morning ko dito. Nag-jogging ako dito sa beach na malapit sa amin. Wala kasi akong bike dito kaya jogging at walking exercise ang ginawa ko. Maaga akong nagpunta dito kaya may mga ilaw pa, pero inabot na rin ako ng maliwanag na araw. Iyong last picture dito babalik pa ako sa amin mga lampas pang 20 minutes bago ako makabalik sa bahay. Ngayong araw ng Sunday…
Good morning, mga Ka-noise/Ka-Pilipinas! Kumusta na kayong lahat! Kahapon hindi ako nakapag-post dahil nakarating kami dito sa bahay galing sa pagsundo sa mother at sister ko almost 11am na. At dahil bagong dating sila, hindi ko nagawang gumawa ng content. Kapag ganito kasing unang araw ng pagkikita-kita di mauubusan ng kwentuhan ha-ha! Isinama ko dito ang ilang picture na kinunan ko noong on the way kami papunta sa airport, Sunday ng 11pm at iyong iba rito ay nasa NAIA na…
Hello mga ka-noise, na- miss ko na ang pagsilip dito kasi bihira ko ng magawa dahil lagi akong busy. Kagaya ngayon aalis kami nila mother, ate, kuya, bunso kong kapatid na lalaki at siyempre kasama si misis. May mahalaga kaming pupuntahan. Pero dadaan kami sa bahay namin sa Pampanga para idaan iyong pasalubong nila para sa amin. Iyong 2 kong kapatid na lalaki malapit lang ang mga bahay kila mother kaya kagabi pa naiuwi na ang sa kanila. Share ko dito iyong pinicture ko…
Buko Magandang hapon ng Huwebes, mga Ka-noise/Ka-Pilipinas! Nagpakuha ng buko ang ate ko kanina. Ang puno ng buko sa first picture ay nakatanim lang sa may tapat ng gate ng kuya ko. At ang nasa second picture ay ang mga nakuha namin sa puno na iyan. Sabi ni ate ito raw ang na-miss niya dito sa Pinas noong nasa US siya. Araw-araw may Mangga rin siya galing sa mga puno ni kuya at saging na saba. Favorite din niya ang mga Alimango, Pilantik at iba pang seafood kaya lagi rin…
Magandang Umaga mga ka-noise/Ka-Pilipinas! Hindi ko nai-post ang mga picture na iyan kahapon dahil busy kami ng kuya ko sa ginagawa namin dito, kaya ipo-post ko na lang ngayon. Kuha iyan kahapon ng umaga na nag-ehersisyo ako sa tabing dagat. Kung pagmamasdan ninyo ang sky sa first picture dark gray, at makapal ang clouds parang ang baba lang nito. Kahit makapal at dark ang clouds may ilang bahagi nito na nakasilip na ang araw gaya ng makikita dito. Ang ikalawang larawan ay…
Good morning mga ka-noise/ka-Pilipinas! Kumusta na kayo? Kumain na ba kayong lahat? Kami, maagang nag-breakfast. Mamayang after lunch babalik na ako sa Bataan kasi sasamaan namin ang ate ko para sunduin sa airport ang husband niya. Share ko lang ngayon iyong kahapong pag-uwi ko dito sa bahay bumili ako ng chicken lechon para kahit di na sana magluto si misis, pero nakaluto na pala siya ng pork giniling. Past 10am na kasi ako nakarating dito. After lunch niyaya ko siya na…
Good morning mga ka-noise! Kumusta na kayo? Dalawang araw akong hindi nakapag-post. Kaya ngayon gusto kong i-share sa inyo itong mga picture sa ibaba. Ang first picture ay kuha kahapon ng madaling araw sa airport nang salubungin namin ang bayaw ko. Umalis kami ng bahay Lunes ng hatinggabi at dumating ang hinihintay namin ng 6 am, kahapon, Tuesday. Ang nasa second picture naman galing sa kuya ko dito, saging na saba. Dinala niya dito kila nanay at ate noong linggo, May 15.…
Blessed morning sa inyong lahat mga ka-noise! Iba talaga kapag nasa sariling bahay ka na, iba ang feeling. Nakapag-bike na ako nito pero sandali lang. Nang pauwi na ako, bumili ako ng pancit palabok at saging latundan. Kahit ang daming pagkaing iniluluto sa Bataan na-miss ko itong pansit palabok. Pero babalik uli ako doon next week dahil madami pa ring ire-repack para sa mga dadalhin nila pag-balik nila sa States. At magkakaroon pa ng kaunting handaan bago sila umalis.…
Happy Friday morning mga ka-noise! Aalis na naman ako mamaya pabalik ng Bataan. Kahapon ng hapon nag-date uli kami ni misis. Namili kami at kumain lang sa isa sa mga paborito naming quick-service restaurant. At gaya ng nasabi ko noon, I wasn't really used to taking pictures of food when we were at the mall. Ang picture na pinost ko ay kuha kahapong papunta pa lamang kami sa mall. Habang naka-stop ang mga sasakyan sa linya namin kinunan ko ang punong iyan dahil nagandahan…
Happy Saturday, mga ka-noise! Nag-post ako kahapon before 7am, bago ako umalis papuntang Bataan. Pero imbes na 'Ang Pilipinas channel' ang pindutin ko, iba ang na-tap ko. Dahil noon ko lang na-try sa channel na iyon, hindi agad na-post hangga ngayon. Hindi ko na pwedeng ir-repost iyon sa ibang channel. Kaya ngayong umaga ise-share ko itong 3 photos na kinunan ko. Ang first picture ay ang side ng bahay ni mother. Tapos nagpunta ako kila kuya, iyan ang daan papunta sa kanila.…
Happy Sunday, noise friends! After kong mag-walking exercise kanina sa tabing dagat ng ilang minutes lang, dumaan ako kila kuya, para kumuha ng dahon ng malunggay, gusto ni mother ng tinola. Kumuha din ako ng mga talong at ipinrito kasama sa inalmusal namin. Kaya pareho kong pinicture para ma-share dito. Sige maghahanda pa kami dito kasi darating sina misis maya-maya at ang iba pang mga relatives namin. Have a blessed day, everyone!
Bodega Happy Monday morning, mga ka-noise/ka-Mema! Ang project naming tatlong magkakapatid na lalaki ngayon ay itong ipinapagawang bodega sa amin ni mother sa side o bandang likuran ng bahay niya! Gagawin namin itong bodega para pag-alis daw niya iyong ibang pinamili niyang importanteng gamit ilagay niya dito. Kaya tataasan namin ang pader, lalagyan ng bubong, kisame at pintuan siyempre! Ila-lock pag-alis niya, pero iyong bunso kong kapatid na lalaki na may hawak ng mga susi…
Magandang Wednesday morning mga ka-noise/ka-Mema! Share ko lang sa inyo itong ipinabiling kambing ni ate ko sa brother ko noong may 15, gaya ng makikita sa date ng pinicture ko dito. Kinatay iyan noong May 17 nang pagdating ng husband ni ate ko na sinalubong namin sa airport noong nakaraang Tuesday. Nang pinipicturan ko kasi iyan natatawa ang kapatid ko kasi sabi ko sa kambing, "smile!" Ayaw ngumiti ha-ha! Alam yata niya na malapit na siyang katayin hehe. Ang dami pala ng…
Good evening, dear noisers/Ka-Pilipinas! Gaya nang sinabi ko kahapon ng umaga, na ngayong Thursday magli-litson ng baboy dito para sa despedida party nila mother, ate at bayaw ko. Ayan na nga sa picture itong before and after hehe! Madaling araw pa nang katayin iyan kaya maagang naluto ang litson. Maraming bisita dito, mga closest relatives lang halos. Pero sa oras na ito kaunti na lamang ang tao kaya iniwan ko muna sila habang kakuwentuhan nila sila mother at sister ko.…
Good evening mga Ka-noise/ka-Pilipinas! Ngayon lang ako nakapag-post para sa araw na ito. Masyado kami kasing busy dito. Gusto kong i-share itong tatlong picture na nasa ibaba nito. Iyan ang dagat na malapit sa amin. Sa Villa Leonor Limay Bataan ako niyan. Malapit lang sa bahay ni Mother. Malaki ang project na ginagawa dito. Gagawa sila ng tulay na bakal - Ilog ng barrio luz at limay Bataan. Ang magiging hitsura kapag natapos nila ay ang drawing sa last picture. magiging…
Kumusta na kayong muli mga ka-noise! Kaninang umaga nakapag- walking exercise ako dito sa tabi ng dagat. Nitong nakaraan di na ako nakapag-ehersisyo dahil busy. Ang mga picture na iyan ay kuha sa tabing dagat ng Villa Leonor. Ang mga ilaw na ginagamit nila ay Solar para may ilaw sa gabi. Hinintay ko ang sunrise para ma-picturan ko bago ako umuwi ng bahay para makasagap din ng vitamin D para lumakas ang immune system. Have a happy weekend, mga ka-noise/ka-Pilipinas!
Magandang Lunes ng umaga mga Ka-noise/Ka-Mema! Nandito na ako uli sa Pampanga. Hindi ko na-picturan kahapon ang mga kaganapan sa pag-alis nina mother, ate, at bayaw ko. Napakaaga naming gumising kahapon dahil inimpake namin lahat ng dadalhin nila pabalik sa California. 4boxes at 2big bags, iba pa ang hand carry nilang tatlo. Nag-lunch muna kami bago kami umalis dito sa Limay. At iyang na-picture ko na iyan na mga seafoods at inihaw na bisugo ay kasama sa mga dish sa lunch…
Buko Salad When I was in Bataan, my older brother and cousin gave a lot of young coconuts to my mother, so I made "Buko Salad." My mom and sister liked it. So I thought I would have made my family too when I came home to Pampanga. I learned how to prepare fruit salad from my wife. So early this morning, I went to Alfa Mart to buy all the ingredients. I also bought two young coconuts because here in Pampanga, there are no free young coconuts, unlike in Bataan. Hehe! Well, I…