Anong Klaseng Kaklase Ka?

Avatar for Pachuchay
3 years ago

Isa sa malaking bahagi ng buhay ng isang tao ay ang pagiging estudyante. Sa edad na anim na taon pa lang ang isang bata , pinapapasok na ito sa eskwela ng kanilang mga magulang. Ako naman ay ganoon din, anim na taon pa lang ako noon ng pinasok ako ng magulang ko sa kindergarten. Mga panahong iyon ay wala pa tayong kamuwang-muwang kung ano ba tayong klase na estudyante o kaklase. Natural lamang kasi musmos pa lang tayo at puro laro pa ang nasa isipan.

Mas naging masaya ang pagiging estudyante ko noong ako ay nasa sekondarya na. Siyempre kapag ikaw ay nasa elementarya pa lang ay puro laro at pag aaral pa lang ang nasa isip mo. Kumbaga inosente pa ang ating kaisipan sa mga bagay-bagay. Kaya pumasok na tayo ngayon sa panahong nagdadalaga na at naging mas makulay na ang buhay estudyante.( Fast forward na tayo dahil ang boring ng elementary days ko,hahahaha)

Noong ako ay tumuntong na ng high school, dito ko na naranasan ang saya, lungkot, kalokohan at nakilala ang iba't ibang uri ng estudyante. Magsimula tayo kay,

  • Straw

Image Source

Sila yung tipo ng estudyante na sipsip kay teacher. Ang laging sinasabi ay "Yes Maam", "ako na lang Maa'am." Yun laging may dalang pasalubong kay Ma'am na chocolate kapag dumating si parents galing abroad. Ewan ko ba bakit di nawawala sa klase yun ganito. Naalala ko yun kaklase ko noong first year ako, maganda sya at anak mayaman. Kaso naman kung gaano sya kaganda eh ganoon naman kapurol ang utak nya( napakafair talaga ni Lord). Tapos grabe, as in, napakasipsip kay teacher. Kaya di naman na kami nagtaka kung paanong mataas ang marka nya sa klase namin.

  • Make-up Artist

Image Source

Ay mas bet na bet ko to kaibiganin. laging handa sa pagandahan. Kumpleto mula sa lipstick, pulbo na nakalagay sa kapirasong papel or panyo hanggang sa eyeliner na pudpod na. Gumaganda ako kapag kasama ko sila, Hahahhaha

  • Dancer

Image Source

Isa pa itong di nawawala sa klase. Ang mga dancer at feeling dancer. Nakakahiya mang aminin ay isa ako sa kanila,hahahaha! Third year high school ako ng mapasabak sa sayawan. Ewan ko ba kung ano nakain ko noon pero 5 girls kami sa grupo. Foundation day ng school namin, ang sinayaw namin ay "Macarena". Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng kapal ng mukha para magsayaw sa stage tapos madaming nanonood, Lol!

  • Beauty Queens ( Mga Pinagpalang Nilalang)

Image Source

Sila naman yung klase ng kaklase na parang mga diyosa. Yun bang sinalo nila lahat ng nagpaulan ang langit ng kagandahan. Second year high school ako noong napabilang ako sa klase ng mga pinagpala(pero di ako katulad nila) Sa private school ako noon nag-aaral at nasa section 1. Doon pinamukha sa akin ni Lord na napakaampeyr ng mundo, lol! As in, ang gaganda ng mga kaklase ko teh! Mga anak mayaman kasi at talagang halata mo na inalagaan ng husto ang mga kutis. Nagmumukha akong alalay kapag katabi ko sila. At every time may pageant ang iba't ibang school eh sila ang pinanglalaban.

  • Emo or Emo's

Sila yung mga estudyante na may makakapal na eyeliner, naka nail polish na black, madaming hikaw sa tenga minsan pati sa bibig meron pa.

Image Source

  • Kalabit Penge

Sila yung kapag oras ng exams or quizzes eh bigla na lang mangangalabit at hihingi ng papel or minsan pa nga pati na din ballpen!jusko, pumasok lang yata sila para sa baon eh,Hahahaha.

  • Trouble maker

Sila yung palaging nadadala sa Guidance Councilor. Yun bang parang di makukumpleto ang araw nila kapag di sila nakapanggulo. May ganito akong kaklase noong 3rd year ako. Nilo ang pangalan nya. Takot talaga ako sa kanya noon kasi madami sya talanag pinapaiyak sa school. Pero you know what, Noong nag reunion kami dati, Isa sya sa pinakasuccessful sa batch namin. Sa Autralia na sila nakatira ng wife nya who was batchmate din namin at nagwowork sa maandang kumpanya doon.

  • Number 1 sa Noisy List

Image Source

Ako to, Hahahhahahah! Dito ako belong sa grupo na to. Kami yung kahit saan paupuin eh laging may kachika. Sa unahan, sa gitna, sa likuran oh kahit saang parte ng room kami ilagay, lage kami may kachukaran,Ahahahahahha! Kaya naman lagi kami napaprusahan, kadalasan naiiwan para maglinis ng room. Pero okay lang kasi kahit maglilinis eh nagchichikahan!

Ngayon mga adult na tayo at masyado ng madaming ganap sa buhay, masarap balik-balikan yung mga ganitong kaganapan sa buhay. Isa sa masasabi ko na makulay na parte ng buhay ko eh noong time sa estudyante pa lang ako. Masaya na mahirap. Ang problema lang natin noon ay ang mga project, assignments na iisa lang naman ang solusyon, mangopya sa kaklase,hahahaha.

Kung ikaw ang tatanungin, Anong klaseng kaklase ka?

Date Published: August 25, 2021

17
$ 9.73
$ 9.22 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Jane
$ 0.05 from @kat2x
+ 11
Sponsors of Pachuchay
empty
empty
empty
Avatar for Pachuchay
3 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Ako yung taga-lista ng maingay mamsh hahaha

$ 0.01
3 years ago

Hahaha, naku mamsh kung naging magkaklase tayo eh di tayo bati for sure😂😂

$ 0.00
3 years ago

For sure mamsh! Bff tayo hahaha

$ 0.00
3 years ago

Pwede din, hahahah

$ 0.00
3 years ago

Naalala ko 'yung mga emo ko na classmates 'nung SHS. 'Yung tipo na umiiyak pa sila sa room kapag hinihiwalayan ng jowa. Grabeee. Umay na umay ako noon lalo na 'nung hanggang sa FB is naghahasik sila ng lagim. Kaya, ayun. Binlock ko sila. 😂

$ 0.00
3 years ago

Hahaha, korek, madaming ganyan na estudyante. Pero kanya kanyang trip lang talaga eh, heheeh

$ 0.00
3 years ago

Ay nakooo. Ganun pa din sila hanggang ngayon, Ate. Mas lumala pa yata. Hahaha

$ 0.00
3 years ago

Don ako sa kalabit pengi nakatambay lang kami noon sa pinto tas hihingi ng piso sa bawat dumadaan HAHAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Hahahah, may ganyan din akong kaklase^o^

$ 0.00
3 years ago

Nakita din kita dito hehe. Naku wala ako sa list nitong mga klase ng classmate hehe. Kami kasi ng barkada ko kilalang mga artist. Art club members kami at kami ang taga gawa ng mga props pag may play ang klase hehe.

$ 0.00
3 years ago

oh hi sis, wala aksi ako naging classmate na ganun heheh. Yan din inabi ni @Hanzell sa akin.

$ 0.00
3 years ago

Ako naman yung tagabutas ng upuan behave lang ako haha

$ 0.00
3 years ago

Hindi ako nalista sa standing kasi nakaupo ako palagi nag babasa ng novels😂

$ 0.00
3 years ago

Wattpadd ba yan? Hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Sa kapanahonan ko dahil wapa pa kaming mga phone ,novel lang maliit na libro😅,wattpad at ebook ba yun para sa mga may gadgets😅

$ 0.00
3 years ago

Oh so katulad kita sis, pocketbooks gamit ko noon.

$ 0.00
3 years ago

Yan pa kasi uso noon tapos nag rent lang kami 😂

$ 0.00
3 years ago

Ay ako sis andame ko ganyan,, isang malaking bag, hahahah..

$ 0.00
3 years ago

Nag rent lang ako dati sis kasi walang pambili ,3pesos ata yung isang pocketbook

$ 0.00
3 years ago

Ganganndin ako noon kaso naisip ko mas magastos kung magrent kasi sa isang araw eh 5 books nauubos ko basahin.. Kaya pinag iipunan ko tlaga, hehe

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha, madam ung may taga lista ng maingay kapag absent si madam tas minus points sa quiz yawit ang saya lang balikan nyan ahahaha. Tapos nga dancer then singer, mgs kinakanta pa ee ung kanta nina Lady Gaga na matataas ampt wahahaha.

$ 0.00
3 years ago

Hahahahaha, sarap balik balikan madams noh pati kung gano kajejemon dati, hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Wala sa nabanggit, ako yung pabrika ng papel tuwing may exam, buong klase naghihingi kaya ang isang pad ng papel madalas inaabot lang dalaawang araw 😂

$ 0.00
User's avatar sc
3 years ago

Very generous ka pala pretty😂

$ 0.00
3 years ago

Para generous din sila sa sagot hahaha

$ 0.00
User's avatar sc
3 years ago

Ay ganoon ba yun, hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Charot haha maawain lang talaga ako. Pero kapag ako naman ang nawalan ng papel di naman nila binibigyan lol

$ 0.00
User's avatar sc
3 years ago

Sabi ko na eh.kaw sa madaldal na group 🤣🤣

$ 0.00
3 years ago

Oo Jane, kahit saaan ako dalhin maingay ako kaya present ako lage sa noisy list😂

$ 0.00
3 years ago

ako ung num 1 sa noisy list ate apakadaldal ko kahit may teacher jusko HAHAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Ay ako medyo may hiya naman kapag may teacher hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Ohh I'm not there OnO I was the nerd and the art freak dati 😂😂 and if I went back to school, feel ko ganun parin ako

$ 0.00
3 years ago

Wala akong naencounter na ganyan kaklase sis kaya di ko naisama😂. Pero tingin ko mas maappreciate ngayon yun mga mahilig sa art na student..

$ 0.00
3 years ago

Idk kawawa Yung mga marunong mag arts Ngayon eh, alay sa postermaking contest Lagi😂😂😂

$ 0.00
3 years ago

Korek, hahaha.. Laging panlaban sa mga art contest😂

$ 0.00
3 years ago

The sad high school life, owyes 😂😂😂 this was why I hated highschool

$ 0.00
3 years ago

Hahaha, pero matataas mga grade nyo, di ba, heheh

$ 0.00
3 years ago

Carry Lang? Tamad na mataas grade? Iba Kasi binabasa ko so I'm usually on an advanced topic

$ 0.00
3 years ago

Natatawa ako habang nagbabasa Kasi sa bawat category may naaalala Kong kaklase ko dati hahahaha.

$ 0.00
User's avatar Yen
3 years ago

Hahahaha, ako tlaga eh may naalala talaga ako s alahat ng yan, madami pa nga Han eh, di ko na sinama ang iba😂

$ 0.00
3 years ago

Ako yung klase ng kaklase na seryoso, san ba ako belong dyan? 😅 Yung tipong parang madre daw, pero nung 2nd year high school ako, sinapian ako ng sexbomb girls dahil sa uso ang spageti song noon.. Nag rarap at ballad din ako.. Hahaha! Nung nasali ako sa CAT bumalik pagkamadre ko at palaging tiger look. Nakipagtalo pa nga sa isa sa mga kinakatakutan na studyante sa kabilang campus. Haha! Natakot pa tuloy commandant ko at napakaliit ko kumpara sa lalaking iyon. Mga isang linggo nila ako binantayan at baka daw abangan ako sa kanto paglabas ng school.. Hindi naman ako takot nagtaka na lang talaga ako nung pinasudo hatid nila ako mga isang linggo din sila nag effort.. 😂

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha, lahat yata sinapian ng sexbomb noon sis😂

$ 0.00
3 years ago

ako dati nong highschool ako. ako yung secretary na sobrang tamad na tropa ng lahat HAHAHAH. pati atttendance pinapasulat ko sa katabi ko kasi ayokong mag sulat hahah tas yung mga tropa kong mga lalaki, mostly mga barkada ko kasi mga lalaki, one of the boys eh hahah. kapag yung mga tropa ko na na lilate sa klase, minsan hindi ko nililista sa log book HAHAHAH

$ 0.00
3 years ago

Hahahahha, miss friendship ka pala sis😂

$ 0.00
3 years ago

Madalas akong sinasabihan na National bookstore bg mga kaklase ko. Ako kase yung nilalapitan nila pag kailangan ng mga ballpen, papel, gamit, saka minsan pagkain😅. Sa dami ng nanghihingi pinatungan ko na para di naman ako malugi haha.

$ 0.00
3 years ago

Isa ako dun pero minsan lang naman kapag naubusan ako ng bala.. Hehehe.. Dapat lang naman gumastos parents mo para gamitin mo, tapos nakisali pa kaklase mo diba.. Haha

$ 0.02
3 years ago

Aba'y mautak, hahahaha. Tama nga nman, di kasi talaga nawawala sa room yunpalaging hihingi😂

$ 0.02
3 years ago

Ako 'yong President sa room namin hahaha napaka competitive president hahaha Yung tipong sa lahat Ng events sa school ehh gusto ko kami lagi Panalo well ganon na nga Lagi naman kaming panalo hahahaha Akonyung Sigaw Ng Sigaw, palaging nananinita at palaging nag papa fundraising hahah gusto ko kasi may pondo yung klase namin Hahaha Lagi rin akong napapaaway sa ibang section na naiingitnat butter kasi lagi kaming panalo sa mga compitations hahaha kaya kung anong klaseng kaklase ako ako Yung Kaklase mong COMPETITIVE HEHEHE

anyways I like your Content ate 💗💗💗

$ 0.01
3 years ago

hahahah, competitive nga. Sarap ka maging president sa room. May mga presisdent kasi na sa name lang president,heheh

$ 0.00
3 years ago

Gawa din ako nito, masaya experience ko dito kasi sa madre ako naghigh school, makulit ako madam😀pero may pagkamahiyain din

$ 0.01
3 years ago

Sulat na madams,hehehehe. Share mo din sa amin kug anong klaseng kaklase ka,hehehe..

$ 0.00
3 years ago

Parang wala ako sa listahan mo sis :).. I think, ako yung kaklase na Observer. Jan lang ako sa isang sulok at nakikitawa sa mga jokes ng iba, nakikipakinig sa tsismis nga mga tsismosang classmates ("uy si ano saka si ano mag bf na"), at palibhasa nga tahimik ako noon, ako ang tagalista ng maiingay :)..Naalala ko nung first year high-school ako grabe umiyak pa yung isa kong kaklase, nakikiusap na tanggalin ko sya sa listahan. Hindi ko na maalala kung ano yung punishments noon sa maiingay pero iniyakan nya ako kahit lalaki sya :)..Yun pala malaman laman ko, may crush saken. lol.

$ 0.01
3 years ago

Wahahahaha, baka kaya umiyak dahil nahiya sayo sis, hahaah.. Ako never ako tagalista lero lage sa listahan😂

$ 0.00
3 years ago

ahahaha...paktay tayo jan. Ay naalala ko na pala yung parusa that time. Piso ata kada tara.

$ 0.00
3 years ago

bka naiyak sya kasi wala syang pera hahaha

$ 0.00
3 years ago

baka nga..hahahaha..pero may kaya naman sa buhay yun. saka isang tara lang sya..daldalan kasi sila nung katabi ko.

$ 0.00
3 years ago

Naku baka nagpacute lang yun say sis,hahaha

$ 0.00
3 years ago

Medjo nabulol ako sa tittle 🤣 Di talaga mawawala mga sipsip haha Ako yung kaklase na laging hiram ng hiram ng ballpen at laging humihingi ng papel haha

$ 0.01
3 years ago

Hahahah, wamport at wanhap, hahaha.. Yun lage hinihingie eh. Tapos kapag buo yun papel hahatihatiin using laway para. Mabilis mahati😂

$ 0.00
3 years ago

Mahiyain, sis. Nasa sulok lang.

$ 0.01
3 years ago

Hehehe, kahit ngayon sia first impression ko sayo eh mahiyain pa din, hehehe...

$ 0.00
3 years ago

hehe ganun na nga, sis :D

$ 0.00
3 years ago

Emo po. Haha Contrary to my present way of life, I do wear makakapal na eyeliner, side bangs and loves to wear black and piercings when I was in high school. Dark ang aura-han Haha andumi ng kuko ko na painted by black taz mahaba pa. 😂

$ 0.01
3 years ago

Hahaha, yan kasi ang trend dati eh noh, ako naman madaldal noon hanggang ngayon, hehehe

$ 0.00
3 years ago

Ahaha napapabilang ako sa dancer. Kahit nung college ako e, kafal muks na sumali-sali sa cheering squad.

$ 0.01
3 years ago

Hahahaha, same same, ewan ko ba pero ang saya saya makapagsayaw noon, feeling peymus eh, hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Oo tapos tuwang-tuwa ka pa na terno kayo ng damit ng mga kasama mo hahaha. Hay, those were the days.

$ 0.00
3 years ago

HAhahahaha, true!

$ 0.00
3 years ago