So, nabasa ko yung entry ni ate @Ruffa , na pinamagatang "The 10 year old Tupperware of Inay", na pinangunahan ni @meitanteikudo.
"Tell a story or a scene that uses nothing but dialogs. No narration is allowed and everything is said and described in the dialogs, including the setting, the character development, their feelings, and reactions. Everything must be in the dialog."
By: @meitanteikudo
So this is my entry for @meitanteikudo #promptfactory.
ps: So I'm not good at making Dialogue kaya I'll try my best nalang.
Carlo: Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo, alam kong alam mo.
Lina: Naalala mo pa ba kung paano mo ako iningatan? Naaalala mo pa ba kung kailan at saan tayo nag simula? Carlo, sa loob ba ng limang taon,minahal mo rin ba ako?
Carlo: Minahal kita...pero Lina,naisip mo bang nasasaktan ako?
Lina: Carlo naman! Lahat ibinigay ko, lahat isinuko ko para sayo pero paano? Paano mo nagawa to? Isa lang naman yung kahilingan ko diba? Sinasabi ko sayo noon na habang maaga pa, palayain mo na ako. Na habang maaga pa, hayaan mo na ako. Pero bakit kumapit ka? Pinaniwala mo ako na andyan ka at di ako iniwan, pinaniwala mong hindi moako bibitawan.
Carlo: Kasi minahal kita, Lina. Minahal kita nung panahon na ayaw kong mawala sayo, minahal naman kita kahit minsan sobra ka na, ni di nga ako tanggap ng pamilya mo diba? Ano? Sasabihin mo di kita kayang ipaglaban sa pamilya mo? Sasabihin mo na di kita kayang ipaglaban sa harap nila? Lina, maayos yung usapan natin bago to, maayos lahat. Pero bakit ngayon ganiyan ka?.
Lina: Kasi ang sinabi mo, kahit di mo ipakita sakanila nailalaban mo ako, di mo ako iiwan.
Carlo: .....
Lina: Carlo, minahal kita..sa tanang buhay ko ikaw lang pinaniniwalaan ko, kahit itinataboy ako ng lahat ikaw yung nandiyan sa tabi ko diba? Pero bakit? May nagawa ba ako? May mali ba ako?
Lina: May mga pagkukulang ba ako?
Lina: Bakit? Ba-Bakit n-napakabilis atang iwan mo ako?
Carlo: Baby, tumingin ka sa mata ko. Hindi kita iiwan dahil sa wala sa wala na akong nararamdaman, dahil sa may pagkukulang ka, dahil sa may mga problema tayo o ano. Kasi di ko na kayang tumbasan lahat, di ko kayang makita ka na umiiyak, at nasasaktan dahil saakin. Ako ang may problema, hindi ikaw okay?
Lina: Paano ako magiging maayos kung mawawala ka? Paano ko kakayanin kung paggising ko bukas wala ka na?
Carlo: Lina, ayaw ko dumating sa punto na mamanhid yung puso ko sa lahat, ayaw ko dumating sa punto na patuloy mo pa rin akong mahalin habang di na kita minahal, nakikita ko ung gaano ka kasaya kay Lemuel, nakikila ko kung gaano ka ngumingiti kung siya yung kasama mo. Hindi ko kayang tingnan kayo sa malayo habang nakangiti at sabay na tumatawa.
Lina: Aaminin kong nagkulang ako, aaminin kong may kasalanan ako, oo nagustuhan ko siya dahil sa wala ka sa tabi ko. patawarin mo naman ako please.
Carlo: There's always a room for forgiveness inside my heart, Lina. Pero you hurt me, alam kong aware ka.
Lina: Wala na talaga?
Carlo: Sorry Lina, gusto ko lang malaman mo na napagod lang ako umitindi sa lahat. Mahal kita pero nagawa mo sakin yun, oo di ako tanggap ng pamilya mo pero sana di ka naghanap sa iba ng kulang ko. Sana pinagusapan natin para alam ko yung gagawin ko at kung saan ako nagkulang. Sana kung dumating man ako ulit sa punto na gumising ulit yung damdamin ko upang mahalin ka, sana naghihintay ka parin saakin, Lina. Alam mo kung gaano kita kamahal, pero sa ngayon, nasasaktan ako kaya pipiliin muna kitang pakawalan.
Lina: Sorry, sorry kung naghanap ako sa ba ng kulang mo, sorry kung naghanap ako sa iba ng di dapat, sorry kung naghanap ako sa iba ng bagay na alam kong tao lang yung makakaayos, sorry. Sorry kung di ko naisipan na mas magandang magopen up kasi relasyon natin to, nasaisip ko kasi di mo kakayanin na mawala ako. Pero kung ano talaga gusto mo Carlo, sorry hah? Isipin mo palagi na sobrang mahal kita, kahit na di na matutupad at kahit di ko naingatan tiwala mo, mas pipiliin ko nalang muna sarili ko, sorry kung sobra kitang nasaktan. Hayaan mo, sa sunod na bumalik ka, iingatan na kita ng sobra. Huling paalam to ngayon, dahil sa sunod di na ako papayagna may pamamaalam ulit na maganap. I love you Carlo, sorry for hurting you.
Closing Thoughts:
Minsan di masama magpalaya, di masmang piliing muna sarili natin, di masamang tayo muna, di masamang unahin muna gusto natin. Oo, may mga tao na nagiging part at dahilan ng kalungkutan, wawasak sa puso natin na magiging sanhi ng ating pagluha, pero kahit na ano paman yan, kapag nasaktan ka, kapag lumuha ka, kapagniloko ka, kapag ginago ka, matuto kang magpalaya. Di importante yung tagal ng pinagsamahan niyo, isipin mo yung sarili mo..
Date: 7-29-21
By: OfficialGamboaLikeUs
Let go na po sa isang tao kung ayaw mo na o siya;at isa pa masasaktan lamang tayo kung ipagpapatuloy pa natin ,hayaan na ang Diyos na gumagabay sa atin. Ako nga ,kahit masakit pero kailangan mong ibigay yong gusto nya o yong sariki mo na magpalaya na nlang para maging masaya kana in the near future.