Summary of articles for February
February 28, 2022
Summary Blog!
Magandang gabi sa lahat!
Its a last day of February, and maybe ang iba ay busy sa kani- kanilang monthly checked if they achieved it or not? Kaya bigla kong naisip na gumawa rin ng summary ko sa buong buwan ng February, katulad ng kay @ZehraSky naka-indicate yung mga article na ginagawa niya sa loob ng isang buwan. Naisip ko dahil last day ngayon,why I make my own summary beside it will help others. Yes! Makakatulong po ito,para hindi na sila titingin isa-isa sa bawat article na ginagawa mo bagkus ay isang article nalang ang ioopen nila ang then voila! nandun na lahat ng article na ginawa mo for the whole months. Diba mas okay yun, at mas madaling makita ng mga magbabasa nito.
This month wala naman akong gaanong article na nagawa. Iilan lang sila dahil nagsimula na ko ng kalagitnaan ng buwan,kaya this month is not so productive unlike others na naachieve ang kanilang goal for this month. Base sa aking pagkakatanda naka-sampo lang akong article ngayong buwan. So bago humaba ito let's start my Articles Summary of the Month of February.
This article is panimula ko upang bumalik muli sa pagsusulat dito sa read.cash. Medyo magulo pa yan,kasi balak ko diyan is an acrostic article pero dahil naubusan ng english ang Lola mo eh,nakalagay diyan yung old articles ko nung nagsimula ako dito, at naka- include din yung mga articles na binisita ni @TheRandomRewarder nung ako ay nagsisimula palang dito. Kung gusto mong malaman kung ano yun,kindly click the link above.
In this article is for @carisdaneym2 birthday celebration. May mga tanong siya na need mong sagutan on your own. So matapang ako that time,kaya lahat ng tanong eh sinagot ko. If you wanted to know what this article all about please click the link above. π
When I first met him(my husbnad and I story)
This article naman is tungkol sa unang pagkikita namin ng ama ng aking mgs anak. Dahil Valentine's Day yan kaya ayan naisipan ko ikwento ang aming not so nakakakilig na story. Sa mgs nais malaman ang laman ng article na yan please click the link.π
Hmm, ito naman is isang article na hindi kagandahan sa una pero bumawi sa huli. Naalala ko pa na bumagsak yung liptint na iniingatan ko kasi mahal pagkakabili ko at maganda siya gamitin, nalaglag yun kakamadali ko para mapasa yung module ng anak ko then may nakakinis akong nalaman after nun. Buti nalang to the rrscue ang bunso ko. Sa nais malaman ang nangyari sa artikulo na ito, lam na! Click the blue ink.π
An special day with my Mare-tes
Ito naman is ang unforgettable moment together with my mga kumares. Simula kasi ng nagka-pandemic hindi na kami nakapag bonding katulad noon. Kaya naman masasabi kong special talaga ang araw na ito samin. May meaning pala ang Maretes sa loob ng article kaya if you want to know eh! Basahin mo ang article. Hehe
Dito inalala ko ang mga kalokahan namin ng aking mga best friends noong bata kami. Mga bagay na mga luka-luka lang ang gumagawa. Makakarelate yung mga may best friend diyan, hehe pero maybe hindi rin. Haha! Pero para malaman mo if makakatelate ka eh! Basahin mo narin if may time ka.π
The first thing I bought using bitcoin cash
This article was most get reward ever. Hehe! Hindi sana ito ang nais kong unang mabili thought hindi pa siya fully paid pero achievement ko narin siya matatawag kasi i used my bitcoin cash as a downpayment. So sa mga nais malaman if ano ba ito,kindly click the blue ink para maderikta ka sa article.
She drowned by saving her friends life
Sa mga article ko ito yung naging emotional ako nung sinusulat ko. Kasi hindi ko man siya kapatid or kamag-anak naging part na siga ng buhay ko. At marahil kung nabubuhay siya,lagi parin siya nakadikit sakin at syempre masaya ako dun. Kasi nakakatuwa siya kasama,mahahawa ka sa ngiti niya. Sa mga nais magbasa nitong nakakaiyak ngunit nakakabilib na kabayanihan ng isang 11 yrs. Old na batang babae click mo lamang ang link sa itaas.
Ito naman is bigla lang pumasok sa isil ko, araw kasi ng people power yan. Kaya ayan yung sumagi sa isip ko, bumalik thloy yung experience kong nakakaloko nung pinabalik balik ako ng isang kawani ng barangay. Hindi tuloy ako nakatapos ng pagaaral ko ng dahil sa pangyayari na yun. Kaya simula noon nagiisip na ko at naging bukas ang isip ko sa mga nangangandidiato na yan. Kaya dapat maging wais tayo! Sa nais malaman ang buong kwento kindly click the link above π
My point of view of a particular question (fastalk edition)
In this article naman is nagtry ako sumali sa isang prompt challenge. Which is may mga tanong na kailangan mong sagutin. Hindi ko lang alam kung na fast fast ko ang sagit dahil sa sobrang haba ng aking mga sagot. Hehe! Basehin niyo nalang po,sana eh! Hindi kayo mabored.π
Yan ang lahat ng aking nagawa sa buwang ng February. Alam ko na hindi sapat yan ngunit naging masaya narin ako na sa aking muling pagbabalik eh! Napatunayan ko na hindi lamang english article ang nabibigyan pansin ni green baby. Pwede rin pala! Kaya rin pala sa tagalog. So ngayon sa aking muling pagbabalik more on tagalog article lamang ang aking gagawin. Nawa'y kahit na tagalog lamang ang aking kaya eh! May suporta parin akong makukuha mula sa inyo, lalo na sa mga kababayang kong Filipino.
Sa mga artilce na naisulat ko naka 15$ din akong reward,at super thankful ako sa achievments na iyon. Naka 500 views narin ako mula ng ako'y naging member rito sa read.cash. so blessed enough para sa isang katulad ko na writer wanna be.
Kaya sa mga baguhan o old member hindi niyo kailangan pahirapan ang self niyo to written an english article. Kahit tagalog pwedeng pwede, pero syempre mas okay parin ang english kasi mahahasa ang english grammar pero sa mga gusto talagang bumalik at nahihirapan kagaya ko. Subukan mo muna mag-tagalog, malay mo diba? Magclick din at manoticed ka rin. Isa pang techniques is need mong makipag interact sa ibang member. Para mas maraming magbasa ng article mo. Walang masamang mag-tagalog kaya halika sabayan mo ko.
Btw hindi man kalakihan ang kita ko pero may tatlo na ko na iniisponsoran and i hope na sa susunod na buwan ay madagdagan pa sila. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na mas lumaki ang kita.
This is my blog for tonight!
Summary of articles for February
Thank you for the support!
Kindly visit their work and I would surely you will love it too.!
Hope this blocks will be filled on this coming monthsπ
Lead image: Unsplash
Once again this is MommySwag,kung nagustuhan mo ang blog's ko na ito paki click ang thumbs up and mag-comment ka narin upang malaman ko ang saloobin mo.π
You can add me here
Written on February 28 at 9:30 PM
Published on March 1 at 12:42 AM
...and you will also help the author collect more tips.
Ang ganda ng pagkaka summary sis and congrats Naka 15 dollars ka sa articles mo. Malaki-laki na din yan