A mother thoughts

2 52
Avatar for MommySwag
1 year ago

Hindi talaga sa lahat ng pagkakataon ay malakas ang negosyo.

Sabi nga nila kapag nag-nenegosyo ka, hindi pwedeng iisipin mo na malakas lagi. Dahil my time na mahina talaga.

Ang pag bussiness ay risky din talaga,kagay ng mga investment or pag trade. Hindi mo alam kung mananalo ka or talo sa huli.

Before ako nagsimula ng small business ko nasa mindset ko na talaga na hindi talaga laging malakas. Maswerte na na may benta ako sa isang araw. May times naman na malakas pero mas marami ang panahon na olats. Kaya lang kapag iniisip ko ang pangarap ko compare sa pagbaba ng sales ng bussiness ko. May nanaig parin sakin na,maniwala at magpakatatag. Dahil kung susuko ako ng ganun,ganun lang paano mga pangarap ko.

Sa pagnenegosyo marami ka talaga magiging kakompetensiya. Hindi na maiiwasan yan,at hindi mo rin mapipigilan ang tao na bumili sa kakompetensiya mo. Ang buhay ay isnag survival test talaga,kung susuko ka talo ka. Pero kung mananatili ka at maniniwala sa ginagawa mo. Pasasaan ba at magkakaroon din ng bunga ang pinaghirapan mo.

Sa ngayon dumadaan talaga ako sa ganyang isipin,kayo ba naramasan niyo na ba yung feeling na guato niyo ng sumuko,pero mas nanaig yung kagustuhan niyo na matupad ang pangarap niyo?

Nakaraang araw halos wala akong benta, hanggang sa may bumili ng isnag Hungarian Sausage. At fist I doubted if I accept it. Kasi naman ang layo ng lugar,eh! kapag nagdeliver ako naglalakad lang talaga ako. Then mas nanaig yung mindset ko na isa man yan,sa susunod na araw dadami din yan. Pagandahan nalang talaga ng caption sa pagpopost. Sa dami ng kakompetensiya ko dito sa lugar namin.

IMAGE FROM; https://tenor.com/view/touch-my-head-lol-gif-21160722

Habang naglalakad ako napahawak nalang ako sa ulo,sabay sabing mas madami kang pangarap para sa mga anak mo kesa sa pagod mo. Oo! mas nakakapagod yung maghintay ng bibili kesa yung mag deliver.

Sa totoo lang mas napapagod ako kapag walang umoorder,kesa dun sa madami akong nadedeliveran. Mas gusto ko yung feeling na marami akong buyer kesa naman nakatengga sa bahay naghihintay ng may magcocoment sa post ko.

Pero kapag ganun na nakahintay ako sa bahay, yung fb account ko naman ang pinagkakaabalahan ko paano ako mamomonetozed ni Kuya Meta. Grabe yung gusto ko talaga maging vlogger kahit mini vlogger lang pero hindi sumasangayon ang panahon. Ay ewan! Kayo ba monetized naba mga fb account or page niyo?

Dati kasi masaya na ko kay noise at dito sa read. Pero nu g nagsimulang bumaba parang gusto ko ng iexplorr ang lahat ng bagay or paraan na pwede kong pagkakitaan. May iba naman din akong pinagkakaablahan kaso maliit at matagal din.

Kapag talaga may anak kana,ang nasa isip mo nalang paano ka kikita ng ganito,ganyan para makatulong sa pamilya at para magkatoon ng kahit konting savings. Sa panahon talaga ngayon need ng mag save. Yan ang natutunan ko nung nagka pandemic. May mga friends ako na nakasurvives sa pandemic kahit walang work dahil sa savings nila. Oh! divah ang bongga ng ganun.

Pero syempre ang dahilan ng kagustuhan kong makapag save is para sa dalawa kong anak. Ang mga bata ay palaki na ng palaki. Hindi natin namamalayan magkokolehiyo na mga yan. AyokoAyoko ding sa point na magaya sila sakin. Pagpasa-pasahan dahil sa need ko lang ng scholarship galing sa aming Baranggay. Ayoko Ayoko maranasan nila yun,ang gusto ko kapag nagaaral mga anak ko. Wala silang ibang iisipin kung hindi ang pagaaral lang nila.

Sa ngayon may saving account na ko sa Cebuana kaso ihuhulog nalang ang kulang. Nagtry ako magsave sa BPI sa gsave pero alam niyo,kinuha lang ng BPI yung nasave ko. Dapat pala kapag magsave ka dun nasa minimum amount kasi kung hindi kukunin nila yung nandun na amount naas mababa sa minimum nila. Kaya simula nun hinfi na ko nagsave sa Bpi. Sana pala sa Cebuana ko nalang hinulog yun,sana hindi nawala ang 150 pesos ko. Yes! 150 pero para sa Online seller na kagaya ko. Malaking bagay na yung 150 pesos na yun.

Final Though;

Kapag nanay kana talaga,lahat ng klase ng raket ay papasukin mo at lahat ng struggle na pagdadaanan mo ay balewala. Basta makikita mo lang ang mga anak mo na masaya. Isa lang naman ang nagpapasaya sakin,yun ay ang maibigay lahat ng needs ng mga anak ko, swerte nalang kung pati yung wants nila ay maibigay ko din.

Kaya para sa mga kagaya kong ina.

Laban lang tayo!

Madami mang harang or maraming balakid sa ating mga pangarap para sa ating mga anak. Fight fight lang. Darating din ang panahon magbubunga din ang ating mga pagod at hirap.

Salamat po sa nagbasa at magbabasa.

You can follow me on my fb account;👇👇

https://www.facebook.com/profile.php?id=100010895196078&mibextid=ZbWKwL

Thank you in advance..😊

2
$ 0.05
$ 0.05 from @LucyStephanie
Sponsors of MommySwag
empty
empty
empty
Avatar for MommySwag
1 year ago

Comments

Tama ka diyan. Laban lang sis. Kaya natin 'to.

$ 0.00
1 year ago

Na try ko na din mag fb reels pero ang hiral naman ma monetize dun. Nawalan na ako ng gana kaya deleted na yung fb page ko.

$ 0.00
1 year ago