The First thing I bought using Bitcoin cash

Avatar for MommySwag
2 years ago

February 21, 2022

Blog#07

First day of the week! How is your day read dot casher?

In the second time around or third nakita ko si @TheRandomRewarder sa aking mga artikulo. Labis labis ang aking kagalakan nh makita ko siya sa aking mga sinulat,lalo't itoy nakasulat lamang sa salitang tagalog. Kaya labis ang aking tuwnag nararamdaman sa tuwing binibisita niya ang aking mga sinulat.

Ang aking kagalakan ay sinusulat ko sa ibang platform na aking kinabibilangan which is noise.cash. aktibo akong member roon dahil isa ang noise.cash na malaki ang naitulong sa akin. Hiling ko lamang na magtagal ang read.cash at noise.cash ng mahabang panahon.

So kaninang umaga nakita ko nga si green baby sa isa sa aking natapos na artikulo kaya binagi ko ito sa aking noise account.

Yan ang aking account sa noise.cash at yang post kung yan ay nakakuha ng .20$ na tip galing sa aking mga kapwa noisecashers.

Wala sa loob ko ang mag-post ng tungkol dito dahil may iba sana akong balak gawin na artikulo. At yun ay ang sumal sa mga prompt articles kaya lang bigla akong natuwa sa nakamit ko ngayon araw. Maging ang tinutukoy ko ay nakapost narin sa aking noise.cash.

Ganito kasi yun...!

Kaninang mga bandsng tanghali habang busy akong mag-ingay at magpost sa noise.cash ay biglang tinawag ni mama yung asawa ko. Ngunit ang aking asawa ay tulog pa ng mga ors na yun,nakailang tawag ako pero hindi sumasagot kaya naman lumapit na ko kay mama upang tanungin siya kung bakit? Bakit niya hinahanap ang mister ko? "Sabi ni mama may bubuhatin daw na kabinet. " Kaya naman dali- dali akong umakyat at ginising ang mister ko sa taas.

Me: " hoy! Fah gumising ka diyan tawag ka ni mama."

Mister ko: bakit?

Me: May bubuhatin na kabinet.

Kaya dali-dali din bumaba ang mister ko.

Kaya naman nung nabuhat na yung kabinet sa taas,nagtanong ako kay mama.

Me: Ma! Ano yan binili mo?

Mother-in-law : Hindi hulugan yan!

Nung nalaman ko na hulugan pala yung kabinet,dagli akong nagtanong dun sa manong kung magkano ang hulog. Ang sabi nung manong is 150 pesos daw or 3$ a week ang hulog. Naisip ko bakit hindi ako kumuha nun? Kailangan namin yun! Yung nabili ko kasing wardrobe sa Lazada ay hindi pang heavy duty. Tumatabingi at hindi pwedeng lagyan ng maraming damit.

Yan yung nabili kong wardrobe sa Lazada worth 290 pesos or 5.8$ without shipping fee. Kung tutuusin okay naman siya sana,kung konti lang ang ilalagay mo na damit. Pero kung maramihan na eh! Hindi na niya kakayanin,kaya hindi advisable yan kung marami kang damit.

Kaya nung naisip ko yung wardrobe eh! Sabi ko sa sarili ko na hindi naman kaya nung wardrobe,kaya ayun hindi na ko nagdalawang isip pa na sabihin dun sa lalaki na nagashente nung kabinet na maging ako ay kukuha rin. Kaya agad siyang umalis ng bahay at nagtungo sa lugar kung nasaan ang sasakayan na naglalaman nung mga inaalok nila.

After ng mga ilang minuto, dumating yung lalaki na may dalang another kabinet nga na same nung kabinet na kinuha ng mother in law ko.

Ito naman yung kabinet na sinasabi ko. Dun ko na siya pinuwesto kung saan dating nakapwesto yjng wardrobe na nabili ko sa Lazada. Then yung wardrobe ay inaalok ko sa aking kapatid upang ang nagamit ko na pambili duon ay kahit papano bumalik. Pero binebenta ko nalang ng 190 pesos or 3.8$ sa kanya. Dahil alam ko naman na magagamit ng kapatid ko yung wardrobe na yun,kaya sa kanya ko nalang inaalok.

Then nung naideliver na, kailangan na namin magbayad ng 500 pesos or 10$ para naman sa downpayment nung kabinet. Siya nga pala yung halaga ng kabinet is 4800 pesos or kulang kulang 100$. Yung down namin na 500 ay ikakaltas naman daw dun, and base sa aking calculation mababayaran namin ang kabinet sa loob ng 7 months. Oh! Jivvvahh ang tagal pero okay lang kasi hindi naman namin mararamdaman yung bigat ng halaga at the same time nasa amin na yung item. Unlike kapag bibili kami ng cash or pagiipunan namin eh! May posibilidad na hindi namin maisipan na.

Ganun din ba kayo? Yung tipong may pagiipunan then later on kapag may pera ng hawak eh yung dapat na ibibili mo dun is hindi na iyon ang nabibili mo? O kaya naman naiinip ka sa tagal kaya ang nangyayari,hindi muna gustong bilhin yun? Or worst pa nga eh! Nabibigatan kana,? Unlike kung hulugan nasasayo na yun item at huhulugan mo nalang in the long run pero hindi mo namamalayan tapos kana pala.

Naaalala ko noon mahilig ang nanay ko kumuha ng hulugan noon. Kasi iniisip ni mudra na kung sa sahod o kita lang ni tatay aasa upang magkaroon ng gamit agad agad eh! Hindi na mangyayari! So si nanay kapit sa patalim upang magkaroon ng gamit. Kumukuha siya ng hulugan, kaya nga lang noong wala siyang panghulog at natsempuhan nung naniningil si tatay na nasa bahay siningil niya ito. Kasalukuyan nagtitinda ng huli si nanay ng isda nun, kaya wala siya. Si tatay walang pera that time, so sa sura ni tatay ko sinabihan niya yung naniningil na baltakin nalang yung item. Pag-uwi ni nanay nagaway sila,kasi ilang linggo nalang bayad na yun as in fully paid na. Kaya nangalaiti talaga si nanay noon kay tatay,ayaw kasi ng tatay ko ng ganun. Parang biyenan kong lalaki ngayon. Inaway niya rin si mama nung nalaman niya na hulugan yung item. Buti nalang mister ko ngayon naiba ihip ng hangin.πŸ˜…

Oo tama ka! Pumayag ang mister ko, pero kung tutuusin ayaw niya rin ng ganun. Pansin ko lang! Bakit ang mga babse mahilig sa hulugan? Haha sagutin niyo po,baka alam nigo kung bakit?

Kaya pala pumayag mister ko kasi alam niya na hindi naman siya magbabayad,at maganda rin kasi ang item kaya oks na oks siya! Bale yung pinangbayad ko pala sa kabinet is yung kita ko dito kay read.cash at yung iba kay noise.cash. Bale kumita ako ng 350 pesos kay read.cash or 7$ then may natira akong 190 pesos sa gcash ko nung panahon na nagconvert naman ako ng kita ko kay noise.cash . Kaya bale yung kabinet ko is katas ng kita ko kay read.cash at noise.cash which is BCH.

Yan po yung kanina nung nagconvert ako nung laman sa coins.ph ko. Para sa iba siguro maliit lang yan pero para sakin napakalaki na po niyan.

Yan ang mga nangyari ngayon araw sa buhay ko, bale ang saya ko na sa kauna- unahang pagkakataon ay makikita akong katas ni BCH (bitcoincash) na gamit. Dati kasi pangbili -bili namin ng food nung nakapos kami sa budget. But now atleast masasabi ko na may katas na ko o pundar na ko gamit si bitcoincash,hindi pa man siya fully paid pero ang ipanghuhulog ko sa kabinet is yung magiging kita ko sa read dot cash at sa noise dot cash . May ipon narin ako kasi ang plano ko talaga ay Washing Machine talaga ang first stuff na mabibili ko gamit si BCH pero dumating si kabinet at nasa harapan ko na kaya sunggaban na dai! Baka makawala pa. Hahaa!

That for today's blog..

Sana ay naibigan niyo at may natutunan kayo kahit konti..

Sponsors of MommySwag
empty
empty
empty

Thank you for the support!

Kindly visit their work and I would surely you will love it too.!


Special Mention Board;

@ewyr thank you for upvoting may recent article. I am very happy and appreciated it well. Coz who i am to got that appreciation,i am just a writer wanna be! Thank you, Thank you Thank you very much. At sa lahat ng nag uupvote at nagcocoment sa mga article ko.

MARAMING SALAMAT!

MABUHAY KAYO KABABAYAN!


Closing thought;

Hindi mahalaga kung paano ka nakapundar ng gamit,kung ito man ay hulugan o cash mong binayaran. As long as napasaya ka ng gamit na yun at kailangan mo. Mahalag is yung nabibili mo o nagkakaroon ka ng gamit na nang galing sa pinaghirapan mo.


Appreciation thought;

Salamat noise.cash and read.cash malabong mangyari ang lahat ng ito kung hindi dahil sa dalawang platforms na ito. Sa mga nasa likod ng mga platforms na ito. Mabuhay po kayo! And hoping this two platforms will remains forever.


Once again this is MommySwag,kung nagustuhan mo ang blog's ko na ito paki click ang thumbs up and mag-comment ka narin upang malaman ko ang saloobin mo.πŸ˜‰

Recently Articles πŸ‘‡

You can add me hereπŸ‘‡

πŸ“©noise.cash

Lead Image: unsplash

10: 30 PM of February 21, 2022 (started)

12: 44 AM of February 22, 2022 (published)

9
$ 4.44
$ 4.17 from @TheRandomRewarder
$ 0.07 from @UsagiGallardo215
$ 0.05 from @Jane
+ 5
Sponsors of MommySwag
empty
empty
empty
Avatar for MommySwag
2 years ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Tyaga lang talaga ang puhunan, nakakatuwa naman sis na nakakapagpundar ka na ng mga bagay nakakainspire gusto ko din ibili ang nanay ko ng washing machine lalo na at nagtitiis lang kami palagi sa handwash napapagod sya masyado. Di naman sya kumukuha sa pahulugan pero laging 2nd hand ang tinitingnan nya pero mabilis din naman masira kaya balak ko din pag ipunan para ibili sya.

$ 0.00
2 years ago

Ayos yan. Hehe. Basta imaging active lang makakaipon din. Mas OK nga yung new cabinet n hulugan. Buti walang anay diyan.

$ 0.01
2 years ago

Wala naman sa tingin ko lang sis.😁 oo nga basta goal ko makaipon ng gamit,yung mga needs lang syempre. At kaya naman nagsisispag din ako. Haha go for gold.

$ 0.00
2 years ago

Ang hubby ko din sis mahilig kumuha ng mga pautang yung last na nakuha niya set ng kaldero tapos kinsenas yung bayaran tapos galit galitan ako Kaku bakit siya umutang sabi naman niya hindi naman kami makabili kapag cash kaya umutang nalang siya.

$ 0.01
2 years ago

Oo sis ganyan din iniisip ko. Kasi once na hawak muna yjng pera hindi muna maiisip na bilhin yun kaya mabuti yung utang. Paranng nagiging motivation mo pa na magsipag kasi may obligasyon ka na babayaran.πŸ˜†πŸ˜†

$ 0.00
2 years ago

Congrats po at nakapagipon na po kayo

$ 0.01
2 years ago

Opo medyo. Hindi ko nagagalaw earnings ko this past few months. Pero nagcoconvert ako then nilakagay ko sa bangko atm para saving sa mga bagets ko...

$ 0.00
2 years ago

Ayiehhhhh, congwatssssssss tuloy tulpy ma to 😊. As for me, ako nag iipon muna bago bbli haha. At yung kaya ko lang ang price pag lampas 500+ then pass HAHAHA

$ 0.01
2 years ago

Oo sis, sana nga magtuloy tuloy na. Yung mga kilangan ko lang talaga sa bahay ang mga binibili ko like washing at yang kabinet. Dami na kasing mga damit ng bagets ko at hindi na mga baby.😁 need na magadjust ng damitan.

$ 0.00
2 years ago

Ehew basta consistent lang tayo dito matutupad yan lahat πŸ€—

$ 0.00
2 years ago

Ang galing mo namn po ang Dame mo napong nabili ako dn marami rami na din ang nakuha ko po dito at sobrang saya ko na nagkaroon ako ng opportunity na makilala si noise at c read God bless po

$ 0.01
2 years ago

Opo. Natutuwa din ako na napabilang ako dito. Kasi laking bagay po talaga. Basta matiyaga at masipag ka hindi hindinka mazezero.

$ 0.00
2 years ago

Gandang kabinet sis. Enjoy your day

$ 0.01
2 years ago

Salamat sis katas ng sipag at mga post at article.😁😁 kaya tiyaga tiga lang kakayanin natin ito.,πŸ˜‰

$ 0.00
2 years ago

Ako wala pa nabibili 🀣 ipunin lng

$ 0.01
2 years ago

Sure yan madam baka mas marami kapang mabili. Hindi na ko magtataka kapag naging bilyonarya ka sis. 😁πŸ’ͺ

$ 0.00
2 years ago

Ang ganda ng kabinet sis, mas maganda pa sa wardrobe na nabili mo sa Lazada...Di ko pa try mag hulog-hulugan sis, magagalit partner ko niyan. Mas gusto niya cash talaga pag magbili. Ayaw niya may utang na iisipin

$ 0.01
2 years ago

Naku, too sis habitat nga ayaw din ni mister ng ganyan kaso badly nedded din namin. Ayaw ko naman kasi magconvert ngayon kaya kapit muna sa jutang. 😁 tiwala naman ako na matatapos ko yan ng walang problema.😁

$ 0.00
2 years ago

Oks lang yan sis, di naman mabigat sa bulsa. Lifetime niyo din yan magagamit kasi gawa naman sa kahoy at matibay yan.

$ 0.00
2 years ago

Oo nga sis yan din naisip ko. 😁 tsaka nakasuporta naman ngayon yung partner ko kaya sure hindi ako mahibirapa just incase tammarin ako magconvert πŸ˜…πŸ˜…

$ 0.00
2 years ago