When I first met him(My husband and I story)

Avatar for MommySwag
2 years ago
Topics: Life story

February 14, 2022

Blog's#03

Happy Valentine's folk ❀

Love is in the air πŸ’¨ have you felt it?

My topic today is my true story of how I met my partner before. And because of this is the day as I remember when we first met, kaya naman ngayon ko ibabahagi ang aming hindi nakakakilig na story.

My husband and I are schoolmate, he is taking Computer Science or Comptech for short. And I am taking Bussiness Administration. Even are school was small we didn't see each other occasionally until our circle of friends decided to had a group date or group meeting. Hindi ako sigurado kasi alam ko may isa sa mga friend ko is makikipag meet sa boyfie niya and yung boyfie niya is magsasama ng friend niya. Ganern!πŸ˜πŸ˜πŸ˜…

Malapit na magsummer noon,at mag move na kami as a second year student. Nang magkakilala kami ng partner ko, at kung hindi pa nga nag- set ang mga friend namin hindi ko pa siya makikilala noon. Sa totoo lang ang liit ng school namin noon,pero can you imagine kung hindi pa nagkaroon ng meet up hindi ko siya makikilala?πŸ˜…

So i was saying nag gather ng meet up ang mga friends namin, yung friend namin na girl na girlfriend ng friend niya na boy. Doon kami nagkita sa isa sa pinaka maganda at kilalang pasyalan sa aming bayan. Ang "Wawa Dam" kung saan sinasabing may bundok na pinaghiwalay daw ni "Bernardo Carpio" isang higante na malakas!.

Credit to the rightful owner

Yan ang Wawa Dam and yung dalawang bundok na magkahiwalay, yan daw yung pinaghiwalay ni Bernardo Carpio. Thenkung makikita niyo yung kaliwang bahagi ng picture na may parang simbahan diyan kami nagmeet ng mga friends ko and syempre diyan ang first meet namin ng hisband ko.

Ang ganda ng lugar ano po? Perfect sa mga gustong mag-date at sa mga gusto na mag-outing na pamilya.

Back to my story, nang dumating kami ng mga kaibigan ko. Nandun na sila ng friend niya, then konting pahinga lang afterwards nagpakilala na isa isa. Unang nagkakilala yung husband ko at yung friend ko na naging jowa niya bago ako. Ang gulo ba? Haha bala kayo diyan! Haha

Then kami na yung nagkakilala, sa totoo lang hindi ko type yung husband ko noon. Frankly speaking lang,kasi ang payat ng husband ko noon kaya ang tingin ko sa kanya ay totoy. Tsaka mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon,kaya maybe that time wala akong feelings or something sa kanya noon.

At the same day, may mga friends naman ako na nasa baba ng arko yung simbahan nga. Dun kasi sa bandang baba eh! May falls at may mga malalaking rock formations na mga bato aside from that may mga kubo rin na pinaparentahan ng mga tao na nakatira roon.

Bumaba ako saglit after ko makilala yung husband ko noon,kasi feeling ko outsider ako. Haha partner,partner na kasi sila doon. Buti nalang yung mga friends ko from same departments ng mister ko ay nandun with his friends. Yes! You're right, lalaki ang friend ko roon, at katulad sa sinabi ko sa article ko na This is me isa sa mga traits ko ay ang pagiging- friendly. Kaya boy,binabae or girl ay mga nagiging kaibigan ko,beside new neighbour ko yun si Rey kaya ko siya naging friend.

Noong bamaba na ko para ma meet naman yung mga kasama dun ng friend ko na si Rey,hindi ko na alam ang mga nangyari sa taas. Sabi ko nga sa inyo after ko malaman name ng husband ko noon,parang wala lang. Walang spark,wala kahit ano!πŸ˜… Kaya wala rin akong pake! if anong nangyayri sa kanila sa taas,habang ako ay nasa baba nageenjoy sa company nila Rey with his friends.

Credit to the owner

Yan naman ang itsura sa may babang parte ng Wawa Dam. May mga nippa hut na pwede mong ma rent worth 150 to 250 pesos depende sa laki. Pero kung may kakilala ka na nagmamay- ari ng isa sa mga cottgae you can rent it for 100 pesos only. Oh! Diba ang ganda sa baba,maeenjoy mo pa ang tubig sa baba.

Hindi lang ako nagenjoy basta dun sa baba, nakausap ko pa si Charles na super hot at yummy! Pero hindi naging kami, wala sa isip ko ang maging jowa ng isang dancer noon. Tsaka madami akong magiging karibal,at may jowa din siya. Hindi ko na alam exactly na napagusapan namin noon,pero sa sobrang gwapo niya mukang namomoblema siya sa mga girls,kesyo daw gusto lang siya kasi gwapo siya at magaling siya sumayaw. Medyo makapal mukha niya sa part na yun! Haha pero pagbigyan na natin,then kung ako daw ba eh maiinlove sa isang tulad niya? πŸ˜… Medyo na speechless tayo dun ng konti, pero sabi ko sa kanya na wala naman hindi magkakagusto sa kanya kasi nga sa looks niya. Then nung medyo nagiging seryoso na usapan namin,i decided na puntahan na mga classmates ko sa taas.

Nang nasa taas na ko nagulat nalang ako na yung old friend ko na at yung partner ko. Nagbiro pa ko na,hala! ang bilis naman parang wala pang 30 minutes nung nawala ako sabay tawaπŸ˜…

Kaya ayun ang unang pagkikita namin ng husband ko. Minsan naiisip ko paano kung hindi kami nagkita o nagkakilala noon? May possibility kaya na magkakilala pa kami.?

After din ng araw na yun,alam niyo ba yung clan(yung grupo na binubuo ng iilang tao,at gumagamit ng codename, tru text at kapag agmessage ka sa lahat sa dulo may nakalagay na GM or Group Mesaage)? Uso yun dati,at gumawa kami ng ganun.? Kaya after ng meeting na yun,nagkakatext na at nagkaka group message na kaming lahat. Kayo ba minsan ba kayong nasali sa isang Clanmate? πŸ˜‚ πŸ˜… tapos may mga message na kunwari GM (group message) yun pala para lang sa isnag tao,dinamay pa kayong lahat sa grupo.😁

Diyan muna natatapos ang aking blog for today. Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na yun,kasi daming masasayang nangyari ng araw na yun.

Feb. 14 2007 ang unang pagkikita namin.

Diyan sa kinauupuan namin kami unang nagkakilala ng mister ko.

Lagi kaming pumupunta diyan noon kasama ng anak namin na panganay. Ngayon nalang kami hindi makapunta dahil sa pandemya. Pero every feb 14 nagpupunta kami diyan,minsan inaasar ko pa siya na hindi naman ako ang naaalala niya kung hindi yung kaibigan ko.πŸ˜…πŸ˜…

Closing thoughts;

May mga tao talaga na hindi mo inaakala na makakatuluyan mo. Yung dating inaayawan mo eh! Yun pa pala ang nakatadhana sayo.

Lead Image: Unsplash

Thank you @BCH_LOVER and @Success1 for the sponsorship againπŸ˜ŠπŸ˜‰

4
$ 0.06
$ 0.03 from @Ayane-chan
$ 0.03 from @BCH_LOVER
Sponsors of MommySwag
empty
empty
empty
Avatar for MommySwag
2 years ago
Topics: Life story
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Gandang kwento sis.

$ 0.01
2 years ago

Salamat sis at appreciate mo, 😁 hindi pa ko talaga magaling magsulat. Pero nakakatouch na nagustuhan ng iba ang ginawa ko.😊

$ 0.00
2 years ago

Oi, nabitin ako sis, May kasunod pa to? Share mo mamaya sis pag naisulat mo na ha? Hahahah

$ 0.01
2 years ago

HahaπŸ˜… naku sis site gawa ako ng second part. Hindi kasi ako magaling sa pagdedetalye haha. Salamat sisπŸ˜‰πŸ˜Š

$ 0.00
2 years ago

Ang galing nga sis, kinikilig ako kahit di pa man kayo nagka in relationship ni hubby mo sa story na yan.

$ 0.00
2 years ago

Haha πŸ˜‚ naku sis, wala kaming bonding nung time na yan. Naalala ko pa nung pagkakilaka ko sa kanyan,bigla ah okay nakang tapos un nga bumaba na ko. Hindi ko talaga akalain na magiging kami niya. Ni sa panaginip noon hindi ko mainagine.πŸ˜…πŸ˜…

Pero salamat sisπŸ˜˜πŸ˜‰ naappreciate mo,matagak ko na gusto isulat yan dito. Kaso nahihiya akoπŸ˜…πŸ˜…

$ 0.00
2 years ago

Kailan kayo naging in relationship sis? Hehe na excite ako malaman kung ano ang nangyari after nung moment na yan.

Ang ganda kaya magbasa ng mga story na ganyan sis

nga pala sis, nakita mo sa notif ang new publish article ko

$ 0.00
2 years ago

Wait check ko sis kung napublish na.

2009 kami naging in relation ship sis. Hehe😁

$ 0.00
2 years ago

Ay matagal na pala kayo sis...Na publish na yun sis kaso di nag appear sa notif ng iba. Ganyan din yung article ko nung nakaraan

$ 0.00
2 years ago

Ahh baka mamaya ko makikita sis, 😁basa lang ako nang ilan dito balik na ko kay noise.cash😁 lam muna need kumita. 😁

Oo sis haha. Bago kami nagkaanak 5 years na kami. Kaso on and off kami niyan kaya akala ko hindi ko din makakatuluyan yung mokong na yun.

$ 0.00
2 years ago