Bawal Kumain ng Karne, pero pwede magCheckout sa Shopee!

28 67

041522

Uy, ilang buwan din akong hindi nakapagpost ng article regarding sa mga Shopee orders ko. Payday sale ngayon, nakapagcheckout ka na ba?

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Nga pala, gusto ko lang iinvite kayo sa pagpost ng articles sa ginawa kong community, FreeNoy Friday. Hirap na kasi ako minsan gumawa ng content lalo na kapag di tagalog yung sinusulat ko. Kayo ba? 🤣🤣🤣 Para lang mas maging malaya ang inyong pagsusulat bago magtapos ang linggo. :)

Ayun na nga mga mars!

Char, kala mo may chismis. Isshare ko lang naman yung mga naicheck out ko kanina. Infairness, ilang buwan din akong walang multiple orders sa shopee lately (except sa baby wipes at sabon, or supplies na gamit ko kay Lil B).

Ay teka lang bilang birth month ko, nakisabay si Shopee sa sale sa araw ng bday ko. OO, 4.4 yun nyahaha. Wala akong nabili sa Shopee at para sa sarili ko. Bukod sa wala akong time magcheckout, wala akong maicheckout kasi wala naman akong ibang maisip na mabibili bukod sa pagkain. Ay hala ngayon ko lang naalala yung Kiamoy na dapat ko icheckout! Pero bago ang lahat ano bang mga nabili ko kanina?

*Habang nagscreenshot ako ng mga items na nacheckout ko, naisip ko na parang wala namang interesting na masshare hahahah*

Isshare ko na lang din at para sa mga momshies na makakabasa nito, bigyan nyo naman ako ng tips or suggestions. Most items kasi ng nacheckout ko is in preparation para sa binyag/birthday ni Lil B next month. Ang bilis ng panahon no. Parang kelan lang ang bait bait mo tignan, ngayon sinasapak mo na ko ng unintentional. 😑😑

Back to the main channel!

Eto ang unang nacheck out ko pagpatak ng 12md.

  • Baby toys

Gusto ko yung microphone kasi since ang hilig nya na magsubo ng kung anu-ano, sinasabayan nya pa ng 'AAAAAAAAH'. Yung torotot yung ginagawa nyang ganun, kaya naisip ko yung toy na to. Nung nakaraan nagpuntang Divisoria ang nanay ko para sa Holy Week event sa bicol at nagpasuyo ako if may makita silang toy na ganyan. Sadly, andami nang saradong stalls daw sa Divi at wala silang nakita.

Yung cellphone toy naman, sana magustuhan ni Lil B kasi ambilis ng mata at kamay nito sa cellphone. Teka, hindi ko sya pinapapanuod lagi ng videos sa phone ko kasi sa TV sya nanunuod or mas gusto nya yung harutan talaga na laro. Pero kapag ay nakita syang selpon, kakaripas ng gapang at hablot tapos saka nya paglalaruan. Iikot-ikot nya lang, lapag, kuha, ikot ikot lang, ganun. HAHAHAHA. Binigyan ko na din sya ng sirang selpon dito yung Samsung na may QWERTY keys pa kaso ayaw nya kasi wala ata syang nakikitang umiilaw. :(

  • Playpen fence extra panel

Nung birthday ko, dapat sa Shopee talaga ako magoorder kasi meron tayong 15% off Birthday Voucher! Pero may nakita akong mas mura sa Carousell, 2nd hand syempre! Ang nakakatuwa pa, kakilala pala ng nanay ko yung seller hihi.

Ayan sya, malaki naman sya enough para may malakaran at magapangan na si Lil B. Bumili ako ng 2 extra panels kasi nilagay ko yung foam sa dating crib sa loob para may mahigaan din sya. Kaya para mas malaki yung makilusan nya, ayan bumili ako at ginamit ko na jan yung Birthday voucher ko hihih.

  • Sharpee marker

Ay ito, para kay husband to. Pinabili nya HAHAHHA. Ewan ko kung para saan nya gagamitin pero lagi syang nagpapabili ng office supplies sa shopee instead na doon sa mall malapit sa office nila. Bakit? Kasi hindi kumpleto ang bookstore nila doon sa Leyte, madalas yung mga kelangan nya hindi available doon or laging out of stock.

  • Lootbag Fillers

Dalawang store na magkaiba yung pinagbilihan ko. Balak ko kasi mag DIY na lang ng lootbag for kids ng mga ninong at ninang or kung sino mang bata ang makakarating para sa binyag/birthday ni Lil B. Konti lang naman ang invited at iilang bata lang nman ang pupunta kaya kaya naman iDIY. Teka ngayon ko lang narealize na parang puro toys, huhu bibili na lang ako ng candies. 🤔🤔🤔 What do you think mga ka-momshies??

  • Extra decors and loot items

Syempre dilaw din dapat ang lootbag, pasyensya na anak mahilig ang nanay mo sa dilaw eh HAHAHHA!

  • Toys ulit and everything!

Nakita ko lang yung Pop it fidget toy, tapos inadd to cart ko na. Sa likot at short ng attention span ni Lil B kelangan ko ng mas entertaining na mga bagay. Pwede ko na ding isipin na may pagsensory toy din to. Bakit puro laruan? Kasi yungpamangkin ko may mga toys at tuwing naglalaro sila minsan nagkakaagawan na kaya sabi ko kelangan ko na din sya bilan ng sarili nyang toys. Wala pa kasi sya gaanong toys bukod sa mga pinaglumaan na ng pamangkin ko at mga stuffed toys ko nung college pa ko.

Ngayon din yung stage na kapag may ibibigay kami sa isang bata dito, dapat parehas silang meron para walang inggitan. Ganun din kasi ginagawa ng tita namin saaming magkakapatid noon. Kaya kapag may damit kami, pareparehas at nagmumuka kaming triplets hihi.

  • Facemask

Syempre, parte na ng systema natin ngayon ang facemask kaya kelangan ko magrestock kasi baka maubos na anytime ang supply namin dito. Suggestion ko lang mga fre at mars, kung sa tinadahan lang naman pupunta or sa hindi masyado mataong lugar or kapag saglit lang kayo lalabas ng bahay, mag mainam na gumamit na lang ng cloth na mask. Yung reusable para pagkauwi mo, laba konti sampay at hindi na tayo makakadagdag sa basura.

May iba pang pinabibili si asawa kaso tinamad na ko magcheckout, next time nalang siguro. Ang iniisip ko naman ngayon bukod sa additional loot items, eh yung souvenirs naman for godparents tska yung sa guests. May suggestions ba kayo?

Ilang buwan akong hindi nagShopee ha! Ayan tuloy, char! Pero seryoso, if may suggestions or violent reactions kayo wag mahiya sa comment section. :)

Wag nyo din kalimutan na magjoin sa FreeNoy Community. Free naman eh. Kahit isang araw lang sa isang linggo, penge akong isang tagalog na article. 😆😆

Ayun lang! Pwede na tayo ulit matulog! Peys!

Checkout my other related Shopee articles:

shopee 12.12

Let me buy a few things before sale.

Shopee 11.11 c/o BCH

Shopee 10.10 checkout

Personal Shopper. I U

Shopee budol 9.9

Baby Essentials Shopee shopping

lead image from unsplash

14
$ 1.95
$ 1.82 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @FarmGirl
$ 0.03 from @Ellawrites
+ 4
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments

Wow naman po pwede po pala tagalog dito,hahaha paano po ba gumawa ng article?

$ 0.00
2 years ago

You caught me right here dear. Mother when Ive observe them. They tend to purchase things for their child not on their own interests.

$ 0.01
2 years ago

Yes, we got even more excited as if the item isn't for us hahahaha.

$ 0.00
2 years ago

yay!!pag mommy na talaga more on sa anak yung mga orders anu,,,welcome sa buhay nanay sis..nakakaexcite lahat ng inorder mo sis

$ 0.01
2 years ago

Hahahaha diba, kahit minsan may dapat akong bilin nakakalimutan ko na dn

$ 0.00
2 years ago

same tayo sis

$ 0.00
2 years ago

Ako sis hanggang "add to cart lang muna" hehe, 😅

$ 0.01
2 years ago

Nako go mamsh, sabi nga dn ng bespren ko wag magimpulse buying. Add to cart muna ng ilang days before mo icheck out para sure ka na na gusto mo talaga yung item na yern

$ 0.00
2 years ago

good friday na good friday pero napa check out pa din ako huhuhuhhuh sorry na Lord pero muka ding happy si babay lil B mo jan ah.

$ 0.01
2 years ago

Friday so good magcheck out hahahaha! Sana matuwa sya sa toys nya. Baka lalong masira selpon ko kakatapon tapon nya hahah

$ 0.00
2 years ago

Ang babies nmn kahit saan natutuwa yan eh.

$ 0.00
2 years ago

Hahaha Yun lang talaga..Basta shoppe Walang holiday eh hihi..Pero Ako atagal na din di naka check out ayy

$ 0.01
2 years ago

Hahaha sa pasko na lang ulit ako magccheck out hahaha char!

$ 0.00
2 years ago

Napapa awit ako ate. Haha. Hindi pa ko nakakapag checkout since 6 months ago. Wala kasi akong pangangailangan na need iorder online haha

$ 0.01
2 years ago

Hahhaa kahit ako eh. Pero okay lang dn kasi puro para binyag naman ni bibi kahit yung pang decor kasi sa Mr. DIY or puregold mas mahal ng konti pa dn. Since January, wala naman dn ako masyado naorder buti na lang.

$ 0.00
2 years ago

Ang daming na heck out ah, heheh.. Fasting ako s pagsashopping ngayon, HAHAHAAH

$ 0.01
2 years ago

Whahahaaha. Napakamot nga ako, pero ok lang para di ako magahol sa preparation next month.

$ 0.00
2 years ago

sabagay, hehe.. saka malaki naman yata natipid mo eh

$ 0.00
2 years ago

Salamat sa shopee coins at bday discount hahahah

$ 0.00
2 years ago

meron din akong borthday voucher pero sa monthe end sale ko pa gagamitin, hehe

$ 0.00
2 years ago

Ang galing naman dian sa shoppee. More in lazada kase kami ng oorder friend. Enjoy shoping shoppee.

$ 0.01
2 years ago

Bwihihihi, mas may discount kasi ako sa shopee tska di na ko naglalazada, mas gusto ko sa shopee or carousell kapag 2md hand

$ 0.00
2 years ago

Wahhh inuninstall ko muna sakin madam haha mahirap na kakacheckout ko lang nung nakaraan budol na budol ako hahhaaha

$ 0.01
2 years ago

Nako nung mga nakaraang buwan hanggang add to cart lang ako hahaha

$ 0.00
2 years ago

Ako kai's noon Ang gingawa ko is photo booth sis, hehe yun na Yung pinaka souvenirs Ng lahat Ng bisita. Worth it Naman sa halagang 2500 within 3 hours. Tapos lootbags ko sa Divi ako nakabili,hehe

$ 0.01
2 years ago

Ooooh onga no, kasi ipapangdisplay lang dn naman tapos baka mawala pa hahaha. Salamat sa suggestion momshiiii, icalculate ko yan hihi. Di dn kasi makadivi ang layoo hahaha.

$ 0.00
2 years ago

ang saya naman ng shopee check out. sana all ganyan ako every month haha

$ 0.01
2 years ago

Ilang buwan na dn akong walang order bukod sa sabon at wetwipes

$ 0.00
2 years ago