Is it too late? Char! I thought I will be marked safe for the monthly Shopee sale, boy I was wrong hahahha! Tagalugin ko na lang muna para mabilis.
Let me share...*kala ko ba tagalog?* hahahahaha! Eto na, share ko lang sa inyo yung mga nabili ko during 12.12. Feeling ko kelangan ko na maipost kasi 1.1 na to next year hahahhaa.
Tska isang eme pa is kapag December syempre maraming magoorder ng panregalo, maraming deliveries, so malaki ang tendency na magkaroon ng delayed orders. Pero keri lang, naintindihan ko naman at bilang nagwork dn naman ako sa online retail noon.
Eto naaaaa!! Simulan natin saaaaa.....
Oo bumili ako ulit, bilang di akma yung ibang shades na nabili ko sa ibang store huhu. Para pa dn sa mga panregalo syempreeeee.
Eto na yung binili kong pambalot sa mga gifts ko, para reuseable dn bawas kalat bago magtapos ang taon. Kala mo online seller ih hahaha
Walang kamatayang Kleefant para sa anak ko hahaha
Binili ko sya para kay Lil B. Dapat subo friendly na kasi nagstart na sya magngipin. Bakit fidget toy? Hahahh di ko alam naintriga ako siguro dito. Alam ko di pa to maapreciate ng mga babies pero napapansin kong mejo mabilis mabore ang anak ko. Hahaha
Dapat noon pa ko bumili nito eh akala ko madadaan ko talaga sa electricfan ang mga lamok. Mejo pricy sya mga momsh pero superthick ng cream na to di sya madaling maubos. Yun nga lang wala ata silang mas konting serving. (Hahaha serving, pagkain dzai?!?!??!!) Pero ayun na nga, though may nakita ako na merong 2.5oz na available pero di ko sure kung authentic kaya hindi ko binili. Perfect daw to for insect bites.
Punta naman tayo sa pinabili ng asawa ko.
Ewan ko ba sa asawa ko, gusto ata mala Jose Rizal ang pirmahan hahaha lagyan ko na lang ng balahibo ng manok eh.
Gusto nyamagkaiba yung pen sa black sa blue.
Yes, charger kasi nasira yung cable charger nya. Kay husband ko nalaman yung Ugreen na brand and so far ok naman sya samin and mura pa. Di pa naman nga kami binibigo.
And last but not the least, ang gift ng lola mo sa asawa ko hihihihi
Maliit na bagay lang ang afford natin sa kinita natin sa read.cash and noise.cash. dami ko nakuha na discount jan HAHAHAA. Nagamit ko dn yung 200 shopeecoins na naipon ko hahaha
Pero hindi talaga dapat yan ang ibilin ko, nagsisi ako kasi hinintay ko mag 12.12 para mabili sana yung isang nakita ko. Eto o...
Oha, diba sold out na. Naiyak ako ng konti. Mejo nangarag ako nung 12.12 na mismo iccheck out ko na dapat kaso biglang sold out. Dito ako napuyat hihi. Pero at least nakahabol ako sa sale.
Ayern muna. Sana sa 1.1 safe na talaga ako HAHAHAHHA!
Check out my other related articles too! Baka may mabetan din kayo hahaha
Baby Essentials Shopee shopping
Lead image from unsplash, pictures posted are screenshots from Shopee
Wow, andami sis! Sana ol may pang shopping hehe! desurv na desurv sis! Merry Pasko sayo and to your family!