Shopee 11.11 c/o BCH

25 28

Heto na naman tayooooooo! Sino sino sa inyo ang bumudol at nagpabudol?

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

I was actually waiting for 12md so I can avail of the Free Shipping. Yun lang naman talaga hinihintay ko, ayaw ko na dn kasi masyado gumastos. Well, lahat naman halos ng Shopee purchases ko is mostly supplies ni little b.

Kelangan ko dn magising at magpuyat so I can powerpump. Eto na naman ako sa problema ko na biglang hihina ang milk ko. Aside from malunggay supplements, I am eating oats, masasabaw na ulam, milo and even made my own malunggay tea powder. I will bring back my old routine of pumping as iniiwasan ko hanggat maaari magformula milk. (Wala po akong something against sa mga nagfformula milk, mas healthy lang po talaga ang breastmilk. Hanggang may lumalabas na milk saken di ako susukooooo!)

So habang nagpuyat ako sa pagppump, isabay natin ang pagshopping sa Shopee 11.11 sale.

Let's see how I did compared last month.

Well, well, well.... I did great! I also would like to thank read.cash and noise.cash. Nakakurot na naman ako habang mataas ang value ni BCH bago mag 11.11 sale. Timing talaga ano! Eto na ang mha purchases ko.

For pumping mommas, this is one of the essentials. May ibang option dn naman, if pump and consume ang ginagawa mo mas mura kung bibili ng breastmilk bottle na lang. Yung may sealing disk, para pump, store, then consume. Less basura pa. Pero para sa mga oversupplier siguro need talaga nila to, so they can sell or donate dn.

Ako bakit ako bumibili? Kasi I need to have an emergency stash. I sometimes run erands for my husband, do groceries sa bahay or even pag may lakad kaming magasawa na importante. Tapos kapag wala nang space sa fridge, consume na ni bb.

Little b is turning 6mos na!! Excited na talaga ako patikman sya ng kalamansiii charot! Well, I need food storage for her. This was the cheapest one that I can find. I need little food storage para di madaling mapanis ung gagawin kong food for her. Instead na kuha ng kuha sa isang container na mas madali ding mapanis, I plan to separate it in a little container para mas less effort ako. I plan to make and store food every 3 days or less than a week para less effort dn and more time with bb.

I always buy this for little b's cloth diapers or I might use this sa clothes nya na din. It usually lasts for 2 months so, tipid na dn. :)

Galing dn nung Stain cleaner, grabe. Napaka effective, baka lang naghahanap kayo. Try nyo dn, multi-purpose dn sya.

Panahon ng lamok na naman kaya kelangan natin to. Try ko muna kung effective. I forgot kung san ko nakita or nabasa, parang nabasa ko dn sa isang article tong product na to eh. So nabudol ako, yes! Hahhaa

Lastly, mga food utensils ni bb. Ang mura no, magaganda dn naman reviews kaya dito ko na binili. Bakit I always look for cheapest baby product? Kasi sandali lang naman nya magagamit ih tska madami pa syang hand-me-downs sa pinsan nya haahaha.

And that's it!

Ay meron pa pala, I bought a nail trimmer for bb dn. 2nd hand, from Carousell. Malapit lang samin ang seller so di mahal sa lalamove.

Tips!

  • Always check for free shipping vouchers

  • Sa Lalamove, check notifcations sa app kasi minsan may mga vouchers dn sila dun. Just apply it on your wallet, ganern

  • Use your Gcash Glife before checking out, para may cashback ka sa Gcash. :)

Congratulations self!

Yes, I want to congratulate me kasi wala na akong masyadong bibilin bukod sa supplies ni bb. Nakita ko na ang mga go to products or brands na gagamitin namin.

Pero sa totoo lang magastos ako during last week ng Oct. Napa-mine ako ng cloth diapers huhu. Well, di ako nagsisisi kasi nakareach na ko ng enought na stash ng cloth diapers for bb. Nagleave na dn ako ng mga cloth diapering groups para wala na talagang tukso.

38 pocket cloth diapers, 4 cover type, 6 fitteds and 1 pull ups.

I have total of 49 cloth diapers :) Yung iba jan 2nd hand.

Here are the brands that we have, baka lang may interested.

  • Alva

  • Boldeet

  • Touch of Lucas

  • WhiteSnaps

  • Komfy Chiks

  • Little Bhey-bee bum

  • Rapha bumbum

  • Jhieo modern nappies

  • WhiteSnaps

  • Whimsy Filly (fitteds)

  • BachiBum (cover type)

I want to thank @Bloghound for renewing your sponsorship too! ♥️♥️♥️ For you po!!

Ikaw anong nicheckout mo???
Patingin :)

8
$ 2.29
$ 2.16 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Momentswithmatti
$ 0.05 from @Jeansapphire39
+ 1
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments

Galing nmn mkasaved sa 11.11.. Sis anong store yung cloth diapers mo? Yun ksi ng hinahanap ko knina pero ang nkita ko pangit ang feedbacks eh.

$ 0.00
3 years ago

Sa shopee ba? Check ko for you pero ung nabili ko lang sa shopee na cd ia Alva and Boldeet, the rest nagjoin ako sa mga Fb cloth diaper groups na brand.

$ 0.00
3 years ago

Uo sa shopee lng.. Search ko don at salamat sa details.

$ 0.00
3 years ago

Ay hala ang dami sis hehehe.. Salamat ng mrmi at mkapag add to cart nga din nyan

$ 0.00
3 years ago

Nakalimutan ko nga ilagay ung ibang brand, inedit ko na dn hahaha ahppy shopping!

$ 0.00
3 years ago

Ok lng at least may pgpipilian na ako...tanchu

$ 0.00
3 years ago

Ganda naman. Mommy na mommy talaga sis. Ako wala pa akong mga ganyang gamit. Di masyado supportive bf ko ewan ko ba. Okay lang ba mag pacifier kahit newborn pa?

$ 0.00
3 years ago

Depende yan mamsh. Kung saan ka maskomportable. Pero advice ko if nagpapabreastfeed ka, pwede makacause ng nipple confusion dn. Tska mahirap maghanap ng pacifier na magugustuhan ni bb. Ako naka 5 pacifier ako, I tried Pigeon, Babyflo, nanobebe, mam pacifier tska Avent. Avent yung tinatanggap nya MINSAN, kapag antok na antok lang sya. Mas gusto nya pa dn ngatngatin kamay nya. Nafrustrate ako nun kasi ayaw nya tanggapin kahit ano.

$ 0.00
3 years ago

Dami na addutucart sis ha. Hehe. Sa december na ako. Wala akong nabili ngayon pero nagpagawa ako ng computer table hehe

$ 0.00
3 years ago

Nako buti nga mas kumonti na itooooo. Baka next month puro baby supplies ulit bilin ko HAHAHAA

$ 0.00
3 years ago

Basta happy lang sis, laban lang. Yung partner ko talaga hilig nito. Ako ang nabubudol kasi di daw siya naka withdraw. Ending, ako nakakabayad haha

$ 0.00
3 years ago

Hahaha! Lakas eh! Sana andito asawa ko para nagagawa ko yan HAHAHA. Nagpapacute na lang ako sa kanya. uwu

$ 0.00
3 years ago

Daming discounts and cashback kagabi. Maybe sa 12.12 na ako bumili ng todo pag may sapat ng pera.

$ 0.00
3 years ago

Pang christmas gift mo sa sarili mo o kung kanino. Hihi. Di ko nga nakuha cashback kagabi kasi nakatulog ako mga 1am nako nakacheck out haha

$ 0.00
3 years ago

Pag may mga anak tlaga eh nu sa baby na lahat priority. Thats the power of motherhood. Sakto tlaga yan nakakatulong dn nmn ang sale sa mga online shops.

$ 0.00
3 years ago

True, di na dn kelangan pumunta at magpagod maghanap sa mall. :D

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha parang ako lang, kapag nabubudol ako ni shoppee puro gamit ni baby yung nsa cart ko..wala ng para sa sarili ko..pro sa anak ko..sunod sunod ang dating ng parcel..😅😅

$ 0.00
3 years ago

True! yung keyboard lang na bluetooth gusto ko sana. Kaso next time na lang kapag sapat na ang kita sa BCH ahahaha

$ 0.00
3 years ago

Marked safe sa 11.11 sale sa Shopee at Lazada haha! Actually wala naman talaga akong bibilhin heheh.

$ 0.00
3 years ago

Nayswaaaan!!! sa 12.12 kaya? Hahahahahhaha mga little pamasko mo maccheck out moo

$ 0.00
3 years ago

Syempre andami nanamn po nating nabudol hahahaa. Mamaya na yung regrets tamang add to cart and check out muna hahaha. Minsan gusto ko na inuninstal mga online shopping app ko hahhaa.

$ 0.00
3 years ago

Hahaha true, pero wala naman ako regrets kasi dahil puro kay bb naman na gamit. :)

$ 0.00
3 years ago

ayun ang mura ng mga para sa food ni baby ah.. i regret nga buying mga expensive plates and all... hayz...pero okay lang.. napabudol ulit si mommy ah..

ako ala..naclose ko ang app kasi parang ayaw ko muna mabudol

$ 0.00
3 years ago

Kapag wala akong free time browse galore ako ng kung ano anong brands and shop. Initially sa ibanh store ko binili ung food container pero nicancel ko ts pinalitan ko hahahha.

Mukang nagreready ka na sa pamasko mommy ah. Hahahaha

$ 0.00
3 years ago