Usapang Persuweysib

9 52
Avatar for McJulez
3 years ago
Topics: Filipino, Persuasive

Sa araw na ito, atin naman ngayong pag-uusapan ang mga iba't ibang bagay na may kinalaman sa tekstong persuweysib. Nakakabulol man ang salitang ito, ang kahulugan naman nito ay tunay na nakapagbibigay aliw sa atin.

Oo, kaibigan. Ito nga ay kilala sa Ingles bilang persuasive. Kung pagmamasdang mabuti, ang pagkakabaybay nito ay napakaliteral. Gayunpaman, sana hindi magkabuhol-buhol ang inyong mga dila.

Ang hirap palang magpatawa gamit ang wikang Filipino, mga kaibigan. Nasanay kasi akong nag-iilokano kapag nagpapatawa kaya pasensya na kung medyo waley ang ating mga linyahan ngayon. Gayunpaman, sana'y inyo pa ring magustuhan ang inihandang usapin sa araw na ito.


Tekstong Persuweysib

Unahin na nating talakayin ang layunin nito maging ang depinisyon.

Ang tekstong persuweysib na siyang ating pinag-uusapan ngayon ay may layuning manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa ng ating teksto. Ito ay isinusulat upang mabago ang takbo ng isip ng sinumang nagbabasa nito at upang makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi ng iba, ang siyang tama at wasto.

Mga kaibigan, karaniwang ini-aapply ang teknik na ito sa pagsusulat kagaya na lamang sa platform na ito. Marami sa ating mga manunulat ang talaga namang gumagamit ng iba't ibang teknik na may kasamang panghihikayat upang makuha ang pansin at masiyahan ang mga mambabasa.

Tandaan na ang tekstong persuweysib ay may subhetibong tono sapagkat malayang ipinahahayag ng isang manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig.

Ang mga ganitong klase ng mga teksto ay kadalasan ring ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, o di kaya naman sa mga propaganda para sa eleksyon(saktong-sakto pa naman na malapit na ulit ang eleksyon), at pagrerekrut para sa isang samahan o networking.

Ngayon, atin namang talakayin ang tatlong paraan ng panghihikayat.

Kung ikaw ay naaliw at may natututunan sa mga pinagsasasabi ko, aba'y sobra akong nagpapasalamat.

1. ETHOS- ang terminong ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat. Ang teksto ay dapat na maisulat nang malinaw at wasto upang lumabas na hitik sa kaalaman at mahusay ang sumulat.

2. PATHOS- Ito ay tumutukoy sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa. Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng kanilang emosyon.

3. LOGOS- Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa. Kailangang mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa mga impormasyon at datos na kanyang inilatag ang kanyang pananaw o punto ang siyang dapat paniwalaan.


Kung inyong mapapansin, tila ba nag-uulat lang ako sa harap ng silid-aralan. Sana ay marami kayong nalalaman at naiintindihan.

Makakalimutan ba natin ang mga propaganda devices? Siyempre hindi.

Name Calling

Ang name calling ay ang pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggaling politiko. Minsan, ginagawa ito ng mga taong walang ibang magawa kundi ang sumira ng imahe ng ibang tao.

Glittering Generalities

Ito naman ay tumutukoy sa maganda at nakakasilaw na pahayag ng isang produktong tumutugon sa paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.

Testimonial

Ang isang 'to naman ay tumutukoy sa isang sikat na personalidad na tuwirang nag-endorse ng isang tao o produkto.

Dahil nabanggit na natin ang pag-eendorse, talamak na naman sa mga socmed ang mga iba't ibang bidyu ng mga kandidato. Please lang, gamitin ang utak sa pagpipili ng magiging lider ng ating bansa.

Plain Folks

Ang tinatawag naman nating plain folks ay karaniwang ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilalang tao ay pinalalabas na ordinaryong tao na nanghihikayat sa boto, produkto o serbisyo.

Kagaya nga ng sinasabi ko, maging wais tayo sa darating na eleksyon. Huwag magpadala sa mga persuweysib na mga video sa socmed.

Card Stocking

Ipinapakita naman nito ang lahat ng mga magagandang katangian ng isang produkto ngunit hindi binbanggit ang mga hindi magagandang katangian.

Bandwagon

Marahil ay alam na alam mo na ito. Pero para sa mga hindi pa nakakaalam, ito ay isang uri ng panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil marami na ang sumali. Sa madaling salita, kung saan ang bago at trending, doon pupunta ang karamihan.

Hanggang diyan na lamang, mga kapatid. Salamat sa pagbabasa. Nga pala, ang larawang ginamit ay panghikayat, at ito'y nagmula sa Unsplash.

Sponsors of McJulez
empty
empty
empty

Read more articles:

If you are enjoying it, do not forget to show your support. Remember also that you are handsome/beautiful in your own way. So be brave and confident!

Thanks to my readers and sponsors for following my publications. May God bless you a hundredfold. Also, this is original content. Most of the photos I use are free images from either Unsplash or Pixabay.

Naimbag a rabii!

10
$ 3.71
$ 3.65 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @charmingcherry08
$ 0.02 from @sijey07
+ 1
Sponsors of McJulez
empty
empty
empty
Avatar for McJulez
3 years ago
Topics: Filipino, Persuasive

Comments

Mahusay ka palang magsulat Ng tagalog kadalasan Kasi kapag nag babadya ako Ng mga article mo puro english parang ngayon mo lang ginawa yan bigla tuloy akong nagbalik tanaw nung nasa high school pa lamang ako👍.

$ 0.00
3 years ago

Pwede pala tagalog dito. Mag-aaral nga ako magsulat ng long form content in Tagalog. Nahihirapan ako mag English pero parang mas mahirap formal na Tagalog :-D karamihan kasi dati required amg English eh. Ngayon ko lang nalaman yang terminologies :-D

$ 0.00
3 years ago

Parang bumalik ulit ako sa mga araw noong hayskul pa ako. Kabisado ko ang mga ito noon eh! Ngayon, bandwagon at name calling na lamang ang naaalala ko. Hehehe.

$ 0.00
3 years ago

Napaka inam ng iyong pagkakasulat sa purong wikang tagalog kaibigan.. Hehehe.. Ang galing naman..

$ 0.01
3 years ago

Maraming salamat po.

$ 0.00
3 years ago

Na explain mo talaga lahat! Ma save nga.

$ 0.01
3 years ago

Sige lang po. Pwede ring pang future reference. 😊

$ 0.00
3 years ago

Ang dami ko natutunan dito. Hindi to kasama sa mga klase namin sa school dati ha, o Baka absent ako. Buti nag post ka.

$ 0.01
3 years ago

Haha. Salamat po. 😊

$ 0.00
3 years ago