Usapang Komersyal: May Lakas ng Sampung Kamay?

10 57

It is a fine day to be with you again. The sky this night looks fantastic. The stars are shimmering brightly as if smiling. I hear some noise in the surrounding, which mainly come from the sound produced by the televisions of each house and some bark of dogs in the surroundings. This day, allow me to write in Filipino.

Kapag naririnig mo ang salitang detergent, ano ang unang pumapasok na brand sa iyong isipan? Iba-iba man ang ating sagot, may isang brand na sinasabing may lakas ng sampung kamay. Naniniwala ka nga ba? Iyan ang ating tutuklasin.

Breeze Philippines: Komersyal na Kaakit-akit

Epektibo. Nakakaaliw. Nakakatawag-pansin. Ilan lang ito sa mga katangiang taglay ng mga komersyal na natutunghayan ng bawat isa sa telebisyon maging sa radyo. Ang bawat isang komersyal ay naglalaman ng iba’t ibang detalye ngunit nakapokus lang sa iisang layunin.

Ang makumbinsi ang mga tao na tangkilikin sa ineendorsong produkto sa tulong ng mga totoong impormasyon tungkol sa produkto at mga epektibong pamamaraan ng panghihikayat na talagang nakapupukaw ng pansin gaya na lamang ng breeze detergent. Ito ay isang komersyal sa telebisyon na kilalang-kilala dahil sa taglay nitong pamamaraan sa panghihikayat ng mamamayan. Siguradong mapapasubok ka sa produktong ito dahil sa taglay nitong tatlong paraan ng panghihikayat mula kay Aristotle.

Ang una ay ang Ethos, tumutukoy ito sa kredibilidad ng manunulat. Sino ba namang tao na may problema sa mantsa ang hindi makukumbinsing gumamit nito? Mapapansing malawak ang kaalaman ng taong gumawa ng patalastas na ito sapagkat mapapatunayang malinaw na naipahayag ang mga impormasyon. Kapag mas marami ang kamay ay mas madali nga naman ang isang gawain, ito ay napatunayan sa paghahalintulad nito sa pagtulong sa matandang nahihirapang itawid ang kanyang bisikleta.

Ang ikalawa ay ang Pathos o ang paggamit ng emosyon para manghikayat. Mula sa komersyal, talagang madadala ka dahil akma ang mga pangyayari. Sa halip na magalit ang nanay nang namantsahan ang damit ng bata dahil sa pagtulong nito sa matanda ay nagawa pa nitong ngumiti dahil ang breeze ay may lakas ng sampung kamay. Dito makukuha ang iyong loob dahil sa pahayag na ito maliban sa emosyon ay makukumbinsi ka rin dahil sa lohika o logos na taglay nito.

Mula sa naunang pahayag, ang lohikang “may lakas ng sampung kamay” ay matagumpay na napatunayan dahil sa paghahalintulad na nangyari at ang niniting na damit gamit ang nasabing detergent ay tanggal lahat ng mantsa sa isang labahan lang ang sumisimbolo dito.

Ang mga komersyal ay parte na sa buhay ng tao at likas itong nakapupukaw ng pansin. Malaki ang naitutulong nito sa isang negosyo lalo na sa pag-eendorso ng bagong produkto dahil marami itong kayang gawin.

Hindi lamang ito naglalaman ng mga ordinaryong pahayag na walang kinalaman sa ine-endorso, bagkus ang mga pahayag ring ito ay napaninindigan ng mga totoong datos na nakakatulong sa panghihikayat ng mga tao upang sila ay bumili ng isang produkto. Dahil dito, mas madaling maabot ng mga negosyante ang kanilang mga suki o customer.

Ito ay ginagamit din para ipaalam sa maraming tao ang mga kakaiba ngunit mabisang pahayag o katangiaan ng produktong nais i-endorso. Hindi maikakaila na sa tulong nito, malayo ang nararating ng isang produkto, sumisikat ang isang produkto dahil dito at maraming tao ang tatangkilik sa mga ito.

Sponsors of McJulez
empty
empty
empty

Should you want to read some of my articles, you may try reading  To all the women out thereReviving the DeadAre you guilty?, or No storm can bring me downAnd if you are enjoying it, do not forget to show your support. Remember also that you are handsome/beautiful in your own way. So be brave and confident!

Thanks to my readers and sponsors for following my publications. May God bless you a hundredfold. Also, this is original content. Most of the photos I use are free images from either Unsplash or Pixabay.

9
$ 5.99
$ 5.80 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Koolname
$ 0.05 from @kingofreview
+ 2
Sponsors of McJulez
empty
empty
empty

Comments

Ala di gumana yung sampung kamay dun sa t shirt Ng pamangkin ko na nalagyan Ng tinta Ng ballpen puti pa Naman binabad ko na sabreez kunusot ko Ng paulet ulet waley pa rin hahahaha 🤣

$ 0.01
2 years ago

Mahirap po talaga kapag tinta ng ballpen hindi talaga yun basta basta natatanggal

$ 0.00
2 years ago

Hahha habang pinapanuof ko yung commercial dati natatawa ako e, tas bumili rin ng sabon na breeze 😁

$ 0.01
2 years ago

Kumusta naman po ang experience niyo sa sabon?

$ 0.00
2 years ago

Instant philosphy lesson kaagad haha joke lang. Anyway, marami akong napansin dons a commercial na maaari kong masabi na isang hilarous stuff. Ganunpaman, alam ko naman na ito lamang ay isang part ng campaign

$ 0.01
2 years ago

Actually activity ko to ng shs pa ako haha

$ 0.00
2 years ago

Hahaha. Sinubukan ko rin yan before dahil sa commercial na yun eh 🤭🤣

$ 0.01
2 years ago

Musta naman mga labahan at ang kamay mo? hehe

$ 0.00
2 years ago

may lakas ba talaga nang sampung kamay????????????

$ 0.01
2 years ago

Hmm. May lakas nga ba? haha

$ 0.00
2 years ago