read.cash Log in

@Mariagioia00

Joined 5 September 2022 · 151 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

M@Mariagioia00

NONSENSE ***Hey there everyone! Kamusta kayong lahat? Halos buong araw akong hindi nakapag-ingay dito sa noise. Wala kasi akong maisip i-content na may sense haha. Nagtatry naman akong bumuo ng tula kanina, habang naghuhugas ng mga pinggan. Kaso wala talaga akong mabuo-buo, hindi kasi inspired at walang motivation. Buong araw ba namang nasa bahay lang haisst... Anyway, gusto ko lang kayong batiin ng magandang gabi. Wala munang sense ang content natin ngayon, pero baka bukas may maisip na akong mas okay. Pasensya na lol, good night everyone! Sweet dreams to all of you!😘 @Mariagioia00

M@Mariagioia00

PERYA "Manghinayang man tayo sa huli, ayos lang, dahil kahit papaano'y naramdaman din naman natin ang di matatawarang saya habang tayo ay nagpeperya o nagmamahal". -magioia- Alam nyo ba kung bakit sugal ang pag-ibig? Ayon kay google, ito'y dahil sa pag-ibig nagtitake risks tayo. Itinataya natin ang ating oras, efforts at feelings, kahit alam nating maaaring hindi ito masuklian, kagaya sa mga sugal na nagtataya tayo kahit alam nating maaari tayong matalo. Pero, alam nyo ba ang isa pang rason kung bakit sugal talaga ang pag-ibig? Ito'y dahil, halimbawa sa perya...kapag pumupunta tayo ng peryahan, ang usual na iniisip natin ay mag-eenjoy tayo, matutuwa at kung anu-ano pang positibong pakiramdam, pero ang hindi natin alam iba-ibang emosyon na pala ang nararamdaman natin kapag tayo'y nagpeperya. Minsan sobrang saya, lalo na kung nananalo ng doble o triple ang ating taya. Minsan naman inis, kapag sunod-sunod na ang talo ng taya natin. Minsan excited, lalo kapag sa bawat game na tinatayaan ay nanalo tayo. Meron ding takot, kapag napasok sa horror house o di kaya'y sumakay sa rides na tulad ng vikings. At minsan din ay panghihinayang, lalo na kapag malaki na panalo natin pero di pa rin tayo tumigil sa pagtaya. Kagaya ng sa perya, kapag nagsusugal tayo sa pag-ibig ang usual din nating iniisip ay magiging masaya tayo, as in a 'happily ever after' na kasiyahan. Pero ang hindi natin alam, lahat ng pakiramdam na nararamdaman natin sa pagpeperya tulad ng sobrang saya, inis, excitement, takot at panghihinayang ay ramdam na ramdam din natin kapag tayo ay umiibig. Halu-halo ang emosyon natin kapag nagpeperya man o nagmamahal. Pero, gayunman, ang dapat nating isaisip at isa-puso ay, "Manghinayang man tayo sa huli, ayos lang, dahil kahit papaano'y naramdaman din naman natin ang di matatawarang saya habang tayo ay nagpeperya o nagmamahal". Yun man lang, share ko lang po hehe. Good night everyone! Sweet dreams to all! @Mariagioia00 PS: Tungkol sa perya ang content, dahil kagagaling lang namin sa peryahan ngayon haha.

M@Mariagioia00

TRYING HARD ARTIST Isa ka rin bang one chat away Ate? Ako kasi oo, certified One Chat Away Ate ng mga kapatid at pinsan ko. Kapag kailangan nila ng tulong sa school works and projects, lagi akong nandyan. Hindi dahil nauuto nila ako (lol), kundi dahil alam ko kung gaano kahirap ang i-survive ang pag-aaral ng walang tulong bukod sa financial at moral support ng pamilya. Alam ko ang pakiramdam ng gumawa ng mahihirap na mga assignments at projects ng mag-isa. Mahirap at nakaka-stress! Kaya, as much as possible, tinutulungan ko ang mga kapatid at pinsan ko, para kahit papano hindi sila sumuko sa kanilang pag-aaral. Kagaya kagabi, nagchat sakin college student na tito ko (pero mas matanda ako sa kaniya). Tinanong niya ako if marunong ba ako mag drawing, ang sabi ko naman hindi masyado, drawing lang na pang-comply ang kaya ko. Okay na raw yun sabi niya, papadrawing daw kasi siya ng animal at plant cell, at ito na nga yung resulta. Kakangalay pala magdrawing nito, jusko, ang sakit sa kamay. Haha. Pasensiya na po sa drawing, kakahiya sa mga artist dito, hindi naman po kasi talaga ako artist---trying hard artist lang lol. Anyway, share ko lang po hehe. Magandang hapon sa lahat! @Mariagioia00 #originalcontent

M@Mariagioia00

PAYMENT RECEIVED Someone said that: "It's BETTER to give than TO RECEIVE." Another one said: "You cannot GIVE what you do not HAVE." Meanwhile, I would say: "TO RECEIVE is also BETTER for it means WE COULD ALSO HAVE something TO GIVE." Bakit ba tayo nagbibigay? Kasi, meron tayong ibibigay. Saan ba galing ang ating ibinibigay? Galing ito sa biyayang natatanggap natin mula sa Kaniya. So technically, TO GIVE and TO RECEIVE are both better. Nagbibigay tayo kasi may natatanggap tayo. Wala dapat lamangan sa dalawa. "If you received something, BE GRATEFUL! If you give something, YOU ARE GRATEFUL!" -magioia- ***Magandang umaga po sa lahat! Just wanna say THANK YOU sa mga nagbibigay tip sa akin dito sa noise.cash, at sa mga anonymous sender natin sa noise.app, nagugulat na lang talaga ako minsan sa sunod-sunod na notification na may nakalagay na payment received kahit di pa ako nagtatransfer hehe. Anyway, salamat po ulit! Nawa'y MAKATANGGAP pa tayong lahat ng mas maraming biyaya, upang MAKAPAGBIGAY rin tayo sa mga nararapat. Share ko lang po. Lol Have a great day everyone! @Mariagioia00

M@Mariagioia00

CARPENTER BEES ***Kuha ko itong larawan kaninang hapon lang. Hindi ko naipost agad kasi maghapon akong nanood ng movies at nagbasa ng wattpad haha. Anyway, ang tawag pala rito ay Carpenter Bees. Mula bata hanggang ngayon, takot ako sa bubuyog na ito. Kapag nakakakita ako ng ganito na lilipad-lipad, naghahanap agad ako ng kahit anong pwedeng pangtaboy, baka kasi tusukin o kagatin nila ako. Pero ngayon, nang i-search ko ang pangalan nito, dun ko nalaman na ang mga nakikita pala nating Carpenter Bees na lilipad-lipad ay mga lalake. At ayon kay google, ang male carpenter bees ay walang stinger, nagpoproduce lang sila ng buzz sounds at lumilipad-lipad sa may harap or taas natin para protektahan ang beehive nila na nasa malapit lamang. Samantala, ang female carpenter bees naman ang siyang may mga stinger, pero kadalasan naman ay nasa beehive sila, kaya matutusok lamang nila tayo once i-provoke natin sila. Sa madaling salita, ang punto ko lamang po ay: "Harmless ang carpenter bees". Kaya if ever may makita kayong aaligid-ligid na ganito, itaboy nyo lang po pero 'wag na wag nyo po silang papatayin, dahil malaki po ang ambag nila sa tinatawag nating pollination. Yun lamang po, share ko lang hehe. Magandang gabi sa lahat! @Mariagioia00 #originalcontent

M@Mariagioia00

CALMNESS "There's always a calm before the storm..." -Heather Graham- ***Good evening everyone! Hindi sana ako magpopost ngayon, kaya lang narinig ko bigla ang sinabi ng tita ko na parang ang 'tahimik daw ng gabi ngayon, kahit may bagyo.' At, dun ko naalala yung qoutes na iyan "There's always a calm before the storm." Ang tahimik kasi talaga ng panahon ngayon dito sa amin, ganoon din ba sa lugar ninyo? Ayaw ko sanang mag-isip ng negatibo, pero kasi nakakatakot kapag ganitong wala man lang ni-hangin or ambon na paramdam si STY Karding kahit pa may tcw signal ang lugar namin. Hindi ko naman hinihingi iyang malakas na hangin o ulan, ang sa akin lang dapat may paunti-unti ng paramdam. Kapag ganito kasi ang panahon, tila ba hindi nababahala ang mga tao sa paparating na bagyo. Hindi man lang naghahanda or nagsasagawa ng pag-iingat ang ibang tao rito sa amin, para ngang wala lang sa kanila si Karding. Anyway, huwag naman sana itong matulad sa Bagyong Reming noon (not sure kung yan talaga yung bagyo), na nagdala nga ng mainit at kalmadong panahon pero kasunod naman ay isang mapaminsalang delubyo. At, sana ri'y hindi nga katulad ng iniisip ko itong si STY Karding. Nawa'y maging mahina at tuluyan na itong malusaw, nang sa gayo'y mapanatag na ang lahat. Yun lang po, share ko lang hehe. Keep safe po sa lahat! Good night! @Mariagioia00

M@Mariagioia00

SHATONG GAME aka SIATO It is a traditional Filipino game that makes use of two sticks, one longer than the other. The longer stick will serve as the bat and the shorter stick serves like the hit. -google- ***Naalala nyo pa ba ang larong ito? Nakita ko lang ang larawan ngayon sa facebook, at bigla kong naalala yung napakasayang memorya nung bata pa ako. Isa itong Siato sa paborito naming laruin ng mga kaibigan at pinsan ko, wala kaming pinipiling oras nun, kahit tirik ang araw andun kami sa may tabing kalsada para maglaro nito. Di bale nang mangitim ang mga balat namin basta nakapaglaro at nag-enjoy kami. Pero ngayon, parang wala ng mga bata ang nakakaalam sa larong ito. Ang alam na lang nilang laruin ay mga mobile at video games. Nakakaawa sila sa totoo lang dahil ang kasiyahan nila ay limitado lamang sa isang maliit na parihabang bagay na tawag ay Cellphone, di katulad noon na sin-lawak ng school ground ang kasiyahan namin dahil kung anu-ano ang nilalaro namin. Pero sabagay, iba naman talaga ang panahon noon kaysa ngayon. Kahit ano mang pagkukumpara ang gawin ko at gawin natin, mauuwi pa rin ito sa puntong wala tayong magagawa dahil iba ang panahon at kapaligiran g kinalakhan natin noon sa ngayon. Noon, okay pa ang paglalaro sa malapit sa kalsada at pagbabad sa init ng araw dahil safe pa naman. Pero ngayon, mahirap na...dahil mas marami na ang kaskaserong sasakyan, mas matindi na ang sikat ng araw, at may mga umaaligid pa na nangunguha ng mga kabataan. Anyway, share ko lang naman po. Hehe Makulimlim na Linggo po sa inyong lahat! At ingat po sa lahat na nakatira sa may TCW signals! @Mariagioia00 Photo credit to the owner.

M@Mariagioia00

PINK HOUSE "Aanhin mo pa ang bahay na bato kung ang nakatira naman ay kuwago, buti pa ang bahay na gawa sa patpat at least may grades namang katapat." Lol ***Share ko lang po itong pink house namin dito sa Sorsogon, katatapos lang i-renovate. Charizzz! Haha. Nandito ako ngayon sa bahay ng lola ko tas naabutan ko yung tita ko na ginagawa ang project ng grade 5 student niyang anak. Kaya ayun, tinulungan ko siya mag lagay ng finishing touches, at ito nga yung kinalabasan. Pasensya naman po sa itsura, di naman kasi related sa designing ang course ko nung college haha. Trying hard lang ako sa pagiging creative. Lol. Anyway, hindi naman talaga nakabase sa itsura ng bahay ang tunay na ganda nito. Mas okay pa ang tagpi-tagpi na bahay basta yung mga nakatira ay mga tunay na tao kaysa sa bahay na mala-palasyo nga ang itsura hindi naman makatao ang mga nakatira. Magandang gabi po sa inyong lahat! Kamusta sabado nyo? Haha @Mariagioia00 #originalcontent

M@Mariagioia00

DEEP CONVERSATIONS "Late night talks with people you care about are always the best." -magioia- Do you also love having a deep conversation with someone such as a friend or someone special? ***Well, I just had a deep conversation with one of my bestfriends last night, and it was really the best. We both shared sensitive stories with each other. We talked about our future, our hidden feelings for someone, insecurities and our thoughts about anything. Totoo talaga na mas nakikilala mo ang isang tao kapag nakasama mo siya sa isang malalimang usapan sa kalaliman ng gabi. Ano kaya ang meron sa mga oras na ito, at bigla-bigla tayong napapaamin? Siguro, dahil tahimik kagabi, tanging mga kuliglig at mga boses ng taong nagdaraan lang ang naririnig kaya komportable kaming magsiwalat ng bagay-bagay sa isa't-isa. Anyway, share ko lang naman hehe, lagpas 12 na ako nakatulog kagabi, pero napaaga pa rin ang gising ng katawan ko. Hays! Good morning everyone! Magpost na ako ngayon, dahil sigurado busy na naman ako mamaya maglaba haha! @Mariagioia00

M@Mariagioia00

MARITES SA SIMBAHAN ***Naalala ko yung kwento ng isang mananampalataya na ayaw ng magsimba, kasi raw karamihan ng nasa simbahan imbes magdasal ay nagdadaldalan at nagtsitsismisan, yung mga bata naglalaro't nagtatakbuhan, at ang iba nama'y nagseselpon. Napansin niya na parang ginagawa ng pasyalan o parke ang simbahan, imbes lugar ng sambahan. Kaya't ninais niya na 'wag ng magsimba, ngunit sabi naman ng Pari, 'sige hahayaan kita, pero may kondisyon... kailangan mong ilibot sa loob ng simbahan ang isang baso na puno ng tubig, at kailangan walang ni-patak ang mabawas dito.' Sinunod nga ito ng mananampalataya, at nagawa niya ito ng matagumpay. Pagkatapos, tinanong siya ng Pari, kung nakita, narinig at napansin niya ba raw ang mga negatibong ginagawa ng mga tao sa simbahan habang inililibot niya ang baso na puno ng tubig. Ang sagot ng mananampalataya ay hindi dahil nakapokus ang tingin at atensyon niya sa baso na may tubig. Ganun din daw dapat sa pananampalataya, ang baso na may tubig sa kwento ay sumisimbolo sa Panginoon. Dapat sa Kaniya nakapokus ang ating tingin at atensyon sa tuwing magsisimba tayo, nang sa gayon hindi tayo matinag ng kahit anong negatibong ginagawa ng mga tao sa paligid natin. Nabanggit ko lamang itong kwento pagka't kanina, ginawa ko naman ang best ko para makapokus sa homily ni Father pero di ko magawa-gawa dahil nasasapawan ng ingay ng dalawang marites na katabi ko ang sinasabi ni Father. Ayaw ko man mainis dahil nga nasa simbahan, pero di ko napigilan. Ngali-ngali akong lumipat ng upuan kanina kung hindi lang nakakahiya at kung meron pang bakante, todo kasi talaga daldalan ang dalawang babae. Okay lang sana kung pabulong silang magdaldalan para di makadistract, kaya lang ay normal voice ang gamit nila kaya rinig na rinig. Yan tuloy, natapos ang homily na hindi ko lubos naintindihan. Anyway, share ko lang naman. Nawa'y sa sunod, tahimik na ang makatabi ko sa upuan. Magandang umaga sa lahat! Happy Friday! @Mariagioia00 PS: Ang kwento po na nabanggit ko ay base lamang sa naaalala kong kwento sa akin ng kaibigan ko, pero ganoon po ang punto/ideya ng istorya.

M@Mariagioia00

HUGOT "MINSAN TALAGA NAGAUNA KA TAMA NA, PERO SALA PA PALAN." (Minsan talaga inaakala mo na tama na, pero mali pa rin pala.) -Mama- ***Natawa ako kay Mama kanina, bigla-bigla kasing naghuhugot akala mo naman kung ano na. Gumawa kasi sya ng report tungkol sa ginagawa nilang Supplemental Feeding, tapos ang akala nya raw tama na lahat ng ginawa nya, yun pala mayron pa ring napansin na mga mali yung head nila. Buti na lang talaga at personal siyang nagsasubmit ng report kaya dun palang sa opisina eh naayos nya na ang mali. Anyway, kung iisipin nating mabuti, may punto naman ang hugot na ito ni Mama. May mga pagkakataon talaga na nag-aakala tayo na tama na ang ginawa or ginagawa natin pero yun pala tamang akala lang, tamang hinala ba. Kaya totoo talaga na sa mga aka-akala na iyan, marami tayong mapapalagpas, maaaring oportunidad (sa career man o buhay pag-ibig), maaaring mga kamalian na kailangang koreksyunan agad, at maaari ring makasira ng mga pagsasama. Kaya imbes na mag-akala tayo, mas maigi na i-check at i-verify natin ang mga bagay-bagay, para mas sigurado. Yun lang po, share ko lang hehe Magandang tanghali sa lahat! Nawa'y masarap ulam ninyong lahat! @Mariagioia00 PS: Nakatanggap din ako kahapon at ngayon ng mga biyaya galing sa mga anonymous fersons hehe, thank you so much po! Nawa'y pagpalain pa kayo ng marami!☺️

M@Mariagioia00

CUTENESS OVERLOAD ***Share ko lang itong mga larawan ng ninakaw kong kuting haha. Ninakaw ko kasi wala yung nanay, hinawakan ko lang para mapicturan pero saglit lang kasi umiiyak sila tas dumarating naman si Persha. Hindi kasi talaga ako mapakali sa ka-cute-an nila, gusto kong hawakan palagi at i-baby talk. (Baliw na! Lol) Kaya lang minsan pinapagalitan ako ng kapatid kong mas bata sakin, wag ko raw kasi hawakan ng hawakan ang mga kuting at baka raw itago na ni Persha. Kaya ayun, nakaw na hawak na lang ginagawa ko. Kapag kumakain lang si Persha, saka ko sila nilalaro haha. Anyway, wala pa pala akong naiisip na pangalan nila, any suggestions? Haha Magandang gabi sa lahat! @Mariagioia00 #originalcontent PS: 'Wag nyo na lang po pansinin yung TV sa likod, kami na lang ata sa ngayon ang may TV na ganyan haha. 17 years na yan samin pero maayos pa rin.

M@Mariagioia00

TOADS I looked so ugly-- With lumps on my back, With stains all over my body, Disproportioned physique, big eyes... I'm Disgusting! I was called the carrier of rain, With my presence, with what I bring, Some rejoiced, mostly wailed-- Indeed, no place for unwelcome guest. I'd nowhere to stay, but it's fine-- I can live anywhere, anyway. I may look disgusting, but I'm fine-- 'Coz even with pain, I can still dance with the rain, And whatever bugs me? Well, I can just eat 'em... -magioia- Good afternoon everyone! Have a great Wednesday! @Mariagioia00 #originalcontent

M@Mariagioia00

TOADS I looked so ugly-- With lumps on my back, With stains all over my body, Disproportioned physique, big eyes... I'm Disgusting! I was called the carrier of rain, With my presence, with what I bring, Some rejoiced, mostly wailed-- Indeed, no place for unwelcome guest. I'd nowhere to stay, but it's fine-- I can live anywhere, anyway. I may look disgusting, but I'm fine-- 'Coz even with pain, I can still dance with the rain, And whatever bugs me? Well, I can just eat 'em... -magioia- ***Pasensya na sa itsura ng larawan, gusto ko lamang ibahagi ang mensahe na napagtanto ko sa palaka. Mensahe na: 'Dapat maging kaugali natin sila sa panahon ng tag-ulan. Iyon bang kapag nasa gitna tayo ng ulan(pagsubok), imbes magmukmok, tumayo lang at magpakalunod sa ulan, dapat tayong magbunyi at magsayaw. Huwag tayong paapekto sa anumang negatibong dala ng ulan, makiayon lamang tayo sa buhos nito, at darating ang oras na titila rin ito. Darating ang oras na imbes sa ulan ay sa bahaghari na tayo nakatayo at nagsasaya." Iyon lamang! Good afternoon everyone! Have a great Wednesday! @Mariagioia00 #originalcontent PS: Kagabi ko pa dapat ito ipopost, kaso ang hina ng signal, naulan kasi. Tapos ngayon naman super init, hays klima nga naman parang desisyon ko, pabagu-bago. Lol

M@Mariagioia00

DEWORMING ***Katatapos lang naming magdeworm sa mga anak ni Persha. Dapat kahapon pa kaso wala akong makakatulong (may pasok mga kapatid ko) kaya sabi ko okay na siguro kahit ngayon na lang. Wala akong actual photo ng pagdeworm sa mga kuting, mabilisan lang kasi naming ginawa since nag-iingay si Persha at parang nagagalit. Anyway, sino dito yung naglalagay din ng mga label sa lalagyan? Nilagyan ko yan ng label na For Animal Aid kasi katabi nito yung First Aid saka Medicine Kit namin. Baka mamali sila ng kuha ng gamot hehe. Naalala ko kasi yung pelikula nina Gary V, yung naging mga instant daddy sila ng dalwang kapatid pa niya dahil sa baby na nakuha sa truck nila. Nung nagkasakit kasi yung baby, ang naipainom ng kapatid ni Gary V sa bata is yung gamot na para sa hayop dahil nga walang mga label yung lalagyan ng gamot nila heheh. Share ko lang po. Lol Good morning everyone! Have a great day! @Mariagioia00 #originalcontent PS: Masyadong malaki yung syringe ko para sa kuting, hindi pala kasi ako nakabili ng syringe na 1.5 mL, yung ekstrang syringe pa kasi yan nung nagkasakit mga tuta ko. Pero, nagamit ko pa naman kaya keri lang.

M@Mariagioia00

LET IT BE! Whatever the future may bring. Don't resist. Don't argue. Just go with the flow. And let it be. -magioia- Great day everyone! Nawa'y lahat ng pressured, hindi sumabog! @Mariagioia00 #originalcontent PS: Nasa kabila na ito, repost ko lang here. I want to be reminded kasi. Hehe

M@Mariagioia00

RECURRING DREAMS I am not really sure kung recurring dream ba yung panaginip ko kagabi, pero kasi, bawat scene doon feels like alam ko nang mangyayari. Sa panaginip ko, may kasama akong dalawang bata and for some reason hinahabol kami ng masasamang tao. Yung mga lugar na pinagtataguan namin sa panaginip ko, alam ko ng doon kami magtatago. Para talagang inuulit ng isip ko yung isang pangyayari na gaya sa panaginip kong ito. Also, meron din palang ala-Cardo na tumutulong samin sa panaginip ko, nakakatawa man isipin pero iyon talaga. Alam kong masyadong weird nitong panaginip , pero sabi sa google kapag may recurring dream ka raw ibig sabihin may mga issues or stress ka pa na unresolved. Iniisip ko pa hanggang ngayon kung meron nga ba pero wala akong maisip, ang alam ko lang meron pa ring mabigat sa puso ko. Dagdag pa, sabi rin ni google, dreams about being chased means 'anxious about something, experiencing heightened or ongoing stress. Worried about an upcoming event. Wishing to avoid something you'd rather not face.' And I think, tama ang meaning na ito, kasi I am so anxious and worried about the future right now. Pilitin ko mang maging positibo araw-araw, may mga oras pa rin na nakakasingit ang mga negatibo. Anyway, ayoko sanang simulan ang Lunes natin ng puro negatibo, kaya after ng mga mema ko sa itaas...gusto ko lang ipaalala na 'GOD is the author of our LIFE', kaya habang hawak-hawak pa rin ni God ang panulat ng ating kwentong, ibig sabihin nun may pag-asa pa tayong magkaroon ng magagandang plot twist, basta patuloy lang tayo sa ating buhay. Magandang araw sa lahat! @Mariagioia00

M@Mariagioia00

CROWN OF GLORY When I doubt people, I feel pain. When I judge people, it is unbearable. When I hate people, there is no value to my existence. Yet, if I believe, I am deceived. If I love, I am betrayed. Suffering and grieving tonight, my head in my hands, Am I wrong? Yes, I am wrong. Even though we are deceived, still believe. Though we are betrayed, still forgive. Love completely, even those who hate you. Wipe your tears away, and welcome with a smile- Those who know nothing but deceit, And those who betray without regret. O, Master, the pain of loving. Look at my hands. Place your hand on my chest. My heart is bursting, such agony. But when I love those who acted against me, I brought victory. If you have done the same things, I will give you the Crown of Glory. -Rev. Jun Myung Moon- ***Nakita ko itong tula na ito sa black notebook ko, hindi ko alam kung ba't ko ito sinulat gayong masyadong malalim na ang kahulugan nito para sa noo'y batang ako. Siguro, nagustuhan ko itong tula dahil sa mga linyang, "If I believe, I am deceived. If I love, I am betrayed." At sa linyang, "Even though we are deceived, still believe. Though we are betrayed, still forgive. Love completely, even those who hate you." Itong mga linyang ito kasi ay sapul sa karanasan ng batang ako, pati nga siguro ng ibang mga bata. Marami kasing pagkakataon noon na pauli't-ulit akong pinagsisinungalingan na aking magulang. Pero kahit pauli't-ulit man nila akong pagsinungalingan, hindi kailanman nawala ang pagtitiwala ko sa kanila. At, iyon siguro ang nais ipunto ng tula, ang huwag magtanim ng sama ng loob sa kahit kanino man, bagkus ay patuloy tayong magpatawad, magmahal at magtiwala. Magandang gabi po sa lahat! @Mariagioia00

M@Mariagioia00

A BEAUTY THAT IS NEVER BORING When your mind's clouded with plethora of thoughts- Just stroll around, look at the nature and appreciate the view- 'Coz nature offers the most peaceful, relaxing and refreshing kind of beauty- A beauty that is never boring. -magioia- ***Good evening everyone! Let me share to you a glimpse of the Sagurong cold spring's view as well as its clear water. It was indeed so peaceful and relaxing here, I will never get tired of looking at this view. @Mariagioia00 #originalcontent PS: Wala na akong maisip idagdag sa post na ito, pagod na ang utak ko at puyat na mata ko haha. Next time na lang ako mangangaral naman haha

M@Mariagioia00

HS BESTFRIENDS "Staying with your group is always a choice." -magioia- ***Naalala ko lang yung sinabi ng isang kaibigan ko sa training, sabi nya naiinggit daw sya sa highschool batch namin, dahil hanggang ngayon daw ay close pa rin kami at laging nagjajam. Nagagawan daw namin palagi ng paraan para mapagsama-sama ang batch namin. Sabi ko naman sa kanya, wala naman kaming ginagawa actually, nag-iinvite lang naman kami. Yung gustong sumama, edi go. Kung ayaw, edi 'wag. Wala namang pilitan na nangyayari, kasi choice naman nila iyon kung gusto o ayaw. Choice nila kung gusto nilang maki-join o hindi. Pero, sa kabutihang-palad mas madalas naman na gusto nila, kaya ayun nakakapagjam kami. Ngayong araw lang talaga hindi sila nakajoin, since biglaan yung pag-aya namin at may mga nauna na silang gagawin, kaya kaming magbebestfriend lang ang nakagala. Bestfriends kami since Highschool, lima kami sa circle namin pero yung isa hindi nakasama dahil hindi pinayagan ng magulang. (opo, sa edad naming lagpas bente, uso pa rin ang hindi pinayagan ng magulang. Lol) Anyway, share ko lang naman po. Super enjoy kasi kami today, sana kayo rin. Chos! Haha Magandang gabi sa lahat! PS: Nasa Sagurong po uli kami, yung cold spring. Inaya ko sila rito kasi nabitin ako dun sa last na swimming namin dito. Haha

M@Mariagioia00

TORMENT The sun sets as the night falls. I'm alone, how can I break these walls? Guarded by doubts, keep me away from optimism Lighted by torches with flame of pessimism Through vague lights, I saw nothing Only me who's confuse with everything. Negativity is a leech in myself. It sucks the real me, degrades me like an elf. No wonder I am easily deceived, By those people, I truly believe. I was imprisoned since the last many years, In the cage I built because of my fears. Fear of expectations, fear of disappointments. Living with them feels like a torment. -magioia- ***I've written this poem during my dark days. When my mind was still clouded with so many fears. Too clouded, that I couldn't even live the life I wanted to live, that I couldn't be myself when I am doing or saying things. Anyway, it's all in the past, and thanked God, I have overcome all of it. Magandang gabi sa lahat! PS: Napost ko na po ito sa noise.cash, i-repost ko lang dito hehe...Mariagioia00 rin ang username sa kabila.☺️

M@Mariagioia00

THE PRINCESS "A true warrior is defined not by how she fights, but by what she is fighting for." -Linh- ***Have you already watched this action-thriller film, The Princess? Well, it's really good and exciting. Akala ko nung una, classic princess movie lang ito, pero nung nakita ko yung genre: action and thriller, dun ako nahikayat na i-download at panoorin ito. And after kong manood, ang nasabi ko na lang sa kapatid ko ay, "Ang ganda ng movie!" Ang ganda kasi talaga, ipinakita sa movie ang kadalasang stereotyping na nangyayari sa babae. Na kapag babae mahina, hindi kaya umako ng malalaking responsibilidad at hindi kayang mamuno ng isang komunidad o kaharian. Pero, pinatunayan ng prinsesa na mali ang akala ng kanyang ama. Pinatunayan nya na kaya nya rin pamunuan ang kanilang nasasakupan nang walang kasalang nagaganap. Pinatunayan nya na kahit mukha siyang mahina ay kaya pa rin nya dahil babae sya, at may mandirigmang natutulog sa kalooban nya. So, anong point ng line ni Linh sa taas? Wala naman masyado, I just want to remind everyone na kapag nasa isa kang laban, hindi mahalaga kung paano ang paraan mo (pero 'wag naman haluan ng pandaraya) sa pakikipaglaban, dahil mas importante pa rin kung para kanino ka lumalaban. Okay lang na maging mahina ka, okay lang kung mabagal ka sa laban mo, okay lang na madami kang kapalpakan, okay lang yan! Dahil ang mahalaga'y nagpapatuloy ka pa rin...para sa pangarap at sa pamilya mo. Magandang Hapon sa lahat! @Mariagioia00 PS: Sa bilibili po ako nag download at nanood.

M@Mariagioia00

COOKIE "Having a pet isn't always about the cuteness and adorableness, it's a huge responsibility. So, if you want to have one, think wisely" -magioia- ***Good evening everyone! I would like you all to meet my 8-month old furbaby, Cookie. He's a mix breed of Beagle, Lhasa-apso and I don't know breed (idk the breed of his father, but it is also furry and small). He's the naughtiest among my puppies, he likes to playbite and he's very active. He is also the sweetest, he likes to lean on my lap while I caress his face, and sometimes lie on the floor while I slowly rub his tummy. That is my Cookie!🐢 Good night everyone! @Mariagioia00 #originalcontent

M@Mariagioia00

BLACK MULBERRY po ba ito? Hindi kasi ako sigurado dahil di pa naman ako nakakakita personally ng Mulberry Tree. Itinanong ko naman kay Mama kung ano ito, di rin pala nya alam, basta raw bigay iyan ng kapitbahay naman at ang sabi berry tree daw iyan. Anyway, magandang hapon po sa lahat! Ngayon lang nakapag-open kay noise, nagjam kasi kami ng barkada kagabi tas kaninang umaga naman eh walang signal si converge. Share ko lang hehe. @Mariagioia00

M@Mariagioia00

GRADWEYT... Maraming taon ang ginugol, Ilang kilay na ang sinunog, Makailang ulit na din nadapa't sinubok Makarating lamang sa linya ng "Pagtatapos" Subalit, bakit ganito? Bakit imbes kagalakan Ay tila puno-punong ako ng kalungkutan? Bakit imbes na magparangya ako ng aking diploma, Ay tila ako'y makahiyang tumitiklop pagka't ito'y aking ikinahihiya? Mali ba ang ganito? Mali bang ikahiya, Ang diplomang hinahangad ng iba? Mali bang sa kabila ng pagtatapos ng kolehiyo Ay tila di ako masaya at nakontento? Pasensya na ah! Pasensya na kung ganito, Nahihiya kasi talaga akong sabihing, "tapos na ako sa kolehiyo" Dahil sa tuwing nababanggit ko na "Gradweyt ako!" Ang kasunod lagi nito'y panghuhusgang, "GRADWEYT... pero walang trabaho?" -magioia- ***Sa mga tao po dyan na mahilig mang-pressure, please, tigilan nyo na po. Kung hindi pa handa o ayaw pa magtrabaho ng isang fresh graduate, hayaan nyo na lang po. Hindi naman sila magiging ganyan buong buhay, nagpapahinga lang. Hindi naman siguro masamang tumigil at magrelax saglit diba? Nais lamang nilang ibalik yung kumpiyansa at motibasyon nila na naubos nung nag-aaral pa, para kapag sumabak na sa pagtatrabaho, eh super-ready na talga sila. Dagdag pa, bago po sana tayo magsalita ng kung anu-ano, pakatignan at pakaisipin din muna natin ang sitwasyon at reyalidad sa Pilipinas kung saan marami nga ang trabaho, ang tataas naman ng mga hinihinging kwalipikasyon. Yun lang po hehe. Magandang hapon sa lahat! @Mariagioia00 #originalcontent #idaankonalangsatula PS: Marami sana akong gustong i-rant pero wag na lang , iyan na lang haha.

M@Mariagioia00

FILIPINO WORSHIP SONGS Ang sarap sa feeling na umagang-umaga ganito na ang maririnig mo. Nung una kasi, nagigising ako dahil sa ingay ng bunganga ng Tita ko kakasaway sa mga anak niya, at minsan sa ingay naman ng mga rock at pop songs na pinatutugtog ng pinsan ko. Pero ngayon, iba na, ang kalma at ang gaan na sa pakiramdam tuwing umaga dahil sa mga worship songs na ito. Para bang nakikinita mo na lahat ng mangyayari sa buong araw ngayon ay positibo. Nawa'y positibo nga! Magandang umaga sa lahat! Pagpalain nawa tayong lahat ng Panginoon. @Mariagioia00

M@Mariagioia00

MARTES LA DECIMOTERCERA (Tuesday the 13th) Did you know? In Greek- and Spanish-speaking countries, "Tuesday the 13th" is considered as the day of bad luck, instead of Friday. -google- ***Martes la decimotercera, nung una hindi ako naniniwala na malas ang araw na ito. Mas naniniwala pa ako sa Friday the 13th, kasi ilang beses na akong muntik mapahamak kapag ganitong araw---tulad ng kamuntikan akong makagat mg asong-gala at mahagip ng kaskaserong sasakyan. Pero ngayon, dahil sa kamalasang nangyari sakin ngayon, feeling ko totoo nga na unlucky ang Tuesday the 13th. Pano ba naman kasi, kanina, naghugas lang ako ng plato---nasugatan na agad ako malapit sa may pulso, pinakain ko lang yung mga pusa namin---nakaapak pa ako ng baga mula sa panggatong na nahulog, at nag-ayos lang ako ng mga monobloc eh bigla kong nabitawan yung isa kaya naipit ang kuko at nangitim. Lahat ng iyan masakit pa rin hanggang ngayon, pero mas naiyak talaga ako sa naipit kong kuko, kasi ang sakit talaga grabeh. Anyway, share ko lang naman po. Sabi naman nila, belief is a choice. Ikaw naman ang bahala kung maniniwala ka ba or hindi sa isang bagay. Pero ako, sa kaso ko, naniniwala ako sa Friday the 13th at maniniwala na ako sa Tuesday the 13th. Mas gusto ko na lang kasing paniwalaan na ang mga nangyari ay kamalasan, at hindi dahil sa kapalpakan ko. Lol Good night everyone! @Mariagioia00

M@Mariagioia00

TORPE O, ikaw ginoong sa pag-ibig tuliro Kakaisip sa binibining gusto Mayro'n ka na bang naiisip na plano, Upang makuha mo ang matamis niyang oo? Kung wala pa'y simulan mo ng planuhin Isiping mabuti ang mga dapat gawin, Tigilan na ang kakaligaw-tingin Pagka't sa ganyang diskarte'y di ka mapapansin. Kaya, kung sya'y tunay ngang gusto, pahalagahan. Lantarang katorpehan iyon nang wak'san. Naduduwag na puso, tigil-tigilan, Baka sa 'OO' niya, ika'y maunahan. -magioia- ***Hindi ko po talaga alam kung anong punto ko at bakit ko 'to sinulat, haha. Naalala ko lang kasi yung kaklase ko dati na napakatorpe. Hanggang ligaw-tingin lang siya sa babaeng gusto nya. Anyway, sa panahon ngayon hindi naman na yata uso ang pagiging torpe. Base kasi sa naoobserba ko, ang iba sa mga lalake ngayon (good-looking man o average looking) ang kakapal na ng apog, I mean ang tataas na ng confidence. Kaya kapag may gusto sila sa babae, kahit di masyadong malalim ang nararamdaman, magpapansin at manliligaw pa rin sila, tas pag nagsawa na bigla na lang di magpaparamdam, nangghost na pala. Happy lunch time everyone! @Mariagioia00 #originalcontent

M@Mariagioia00

SKL😁 Napanood nyo na ba itong The Witch Part 1 and 2? Ngayon ko lang ito napanood, at grabeh ang ganda pala. Ganito yung mga trip ko na movie, yung mga strong and independent woman ang bida. Excited na tuloy ako sa Part 3 haha. Share ko lang po. Btw, may mga movie or anime po ba kayo na mairerecommend sakin? Konti palang kasi ang alam ko haha, kahit ano naman po na genre ng movie, go po ako basta wag lang puro istorya, and sa anime naman, usually sports anime ang trip ko. Salamat at Magandang gabi sa lahat! @Mariagioia00

M@Mariagioia00

MADAM BIRTUD "Hindi mo kailangang hintayin ang approval o magagandang komento sayo ng ibang tao para lang malaman mo na tama, magaling o maganda ang ginawa o nagawa mo. Mas mabuti pa ring nagtitiwala ka sa iyong sarili, yun bang kahit ano mang maging resulta ng ginawa mo ay masaya ka pa rin, dahil alam mo sa sarili mong ibinigay mo naman ang iyong buong makakaya. At isa pa, lahat ng tao ay nagkakamali kaya maaaring wala silang gaanong karapatan para husgahan tayo. Lagi na lang nating tandaan na sa paningin ng Diyos lahat tayo ay pantay." ***Noong nasa highschool pa ako ang hilig-hilig kong isulat ang mga magagandang naririnig, nababasa at naiisip ko. Wala pa ako noong cellphone at di pa uso sakin ang notepad, kaya yung mga lumang notebook ko ang lagi kong pinagsusulatan. At kanina, habang nag-aayos ako ng mga lumang gamit ko, nahalungkat ko itong black notebook ko kung saan nakasulat yung mga sikreto ko at hugot lines. Isa sa nabuklat ko ang ADVICE (paraphrased) na ito mula kay Madam Birtud. Buti na lang talaga nabuklat ko ito, kasi sobrang pressured ako ngayon, and ito ang kailangan ko. Ang paalala na huwag nating paka-intindihin ang sasabihin ng iba. Kung HINDI KA PA READY sa isang bagay, edi HUWAG MONG PILITIN. Kung gusto mong DAHAN-DAHANIN ang ang mga BAGAY-BAGAY, edi GO lang. Huwag mong pansinin ang mga marites mong kamag-anak o kapitbahay, kasi ano man ang maging RESULTA ng ginawa mo, ikaw rin naman ang MAAAPEKTUHAN, ikaw rin lang naman ang TATAMASA. Magandang hapon sa lahat! @Mariagioia00