HUGOT "MINSAN TALAGA NAGAUNA KA TAMA NA, PERO SALA PA PALAN." (Minsan talaga inaakala mo na tama na, pero mali pa rin pala.) -Mama- ***Natawa ako kay Mama kanina, bigla-bigla kasing naghuhugot akala mo naman kung ano na. Gumawa kasi sya ng report tungkol sa ginagawa nilang Supplemental Feeding, tapos ang akala nya raw tama na lahat ng ginawa nya, yun pala mayron pa ring napansin na mga mali yung head nila. Buti na lang talaga at personal siyang nagsasubmit ng report kaya dun palang sa opisina eh naayos nya na ang mali. Anyway, kung iisipin nating mabuti, may punto naman ang hugot na ito ni Mama. May mga pagkakataon talaga na nag-aakala tayo na tama na ang ginawa or ginagawa natin pero yun pala tamang akala lang, tamang hinala ba. Kaya totoo talaga na sa mga aka-akala na iyan, marami tayong mapapalagpas, maaaring oportunidad (sa career man o buhay pag-ibig), maaaring mga kamalian na kailangang koreksyunan agad, at maaari ring makasira ng mga pagsasama. Kaya imbes na mag-akala tayo, mas maigi na i-check at i-verify natin ang mga bagay-bagay, para mas sigurado. Yun lang po, share ko lang hehe Magandang tanghali sa lahat! Nawa'y masarap ulam ninyong lahat! @Mariagioia00 PS: Nakatanggap din ako kahapon at ngayon ng mga biyaya galing sa mga anonymous fersons hehe, thank you so much po! Nawa'y pagpalain pa kayo ng marami!☺️
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Ay nakuu agree ako jan. Same sa pagsosolve ng math, confident ka na tama si solution to find x charr. Pero may naomit lang maski saro, sala na. 😅