read.cash Log in
M@Mariagioia00 more from that month

CALMNESS "There's always a calm before the storm..." -Heather Graham- ***Good evening everyone! Hindi sana ako magpopost ngayon, kaya lang narinig ko bigla ang sinabi ng tita ko na parang ang 'tahimik daw ng gabi ngayon, kahit may bagyo.' At, dun ko naalala yung qoutes na iyan "There's always a calm before the storm." Ang tahimik kasi talaga ng panahon ngayon dito sa amin, ganoon din ba sa lugar ninyo? Ayaw ko sanang mag-isip ng negatibo, pero kasi nakakatakot kapag ganitong wala man lang ni-hangin or ambon na paramdam si STY Karding kahit pa may tcw signal ang lugar namin. Hindi ko naman hinihingi iyang malakas na hangin o ulan, ang sa akin lang dapat may paunti-unti ng paramdam. Kapag ganito kasi ang panahon, tila ba hindi nababahala ang mga tao sa paparating na bagyo. Hindi man lang naghahanda or nagsasagawa ng pag-iingat ang ibang tao rito sa amin, para ngang wala lang sa kanila si Karding. Anyway, huwag naman sana itong matulad sa Bagyong Reming noon (not sure kung yan talaga yung bagyo), na nagdala nga ng mainit at kalmadong panahon pero kasunod naman ay isang mapaminsalang delubyo. At, sana ri'y hindi nga katulad ng iniisip ko itong si STY Karding. Nawa'y maging mahina at tuluyan na itong malusaw, nang sa gayo'y mapanatag na ang lahat. Yun lang po, share ko lang hehe. Keep safe po sa lahat! Good night! @Mariagioia00

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.