TORMENT I'm alone, how can I break these walls? Guarded by doubts, keep me away from optimism Lighted by torches with the flame of pessimism Through vague lights, I saw nothing Only me who's confused with everything. Negativity is a leech in me. It sucks the real me and degrades me like an elf. No wonder I am easily deceived, By those people, I truly believe. I was imprisoned since the last many years, In the cage, I built because of my fears. Fear of expectations, fear of disappointments. Living with them feels like a torment. -mariagioia-
@Mariagioia00
Joined 5 September 2022 · 151 posts
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Posts
Hello!!!!!
Hey there noisy pipz! How are you all?
MERRY CHRISTMAS EVERYONE!☃️✨ After 20 days, nakapagpost na ulit lol. Tagal na haha, nabusy kasi ako sa school and sa pagrereview. Ngayon lang nagkatime naman since Christmas, and need nating magcelebrate😁. May mga handa ba lahat? Kung wala, oks lang yan ang mahalaga, magkakasama kayo ng pamilya mo at may mga taong mag papafeel pa rin sayo ng kapaskuhan. Kami nga sa bahay, sabi ni Mama, wala man lang daw spirit of christmas ang bahay namin, wala man lang kasing kahit anong christmas decors like parol and pailaw. Sabi ko naman, okay lang yan ang mas importante ramdam pa rin natin ang espiritu ng christmas, kahit di galing sa mga materyal na bagay na related sa pasko. Di talaga kasi kami mahilig magdecorate tuwing pasko, pero nagcecelebrate naman po kami. Anyway, ngayon pala, nagcelebrate kami na kasama ang buong pamilya. Pamilya, ibig sabihin kasama lahat ng kapatid ni Mama pati lahat ng pinsan namin. And, I'm proud to say na wala akong mga tita or tito na toxic, like yung kagaya ng mga nakikita ko sa socmed na masyadong judgemental na tita/tito. Pero may mga judgemental at marites kaming kapitbahay, kaya sila yung madaming komento sa akin. Yun lang haha. Merry Christmas ulit, nawa'y ang naging pagdiriwang natin ng kapaskuhan ay para sa UMBOY na ipinanganak, at hindi para sa materyal na regalo at Santa Claus. ☺️ @Mariagioia00
SIBOL Minsan ako'y nagtataka... Kung bakit, kung alin pa ang punong lagas na ang mga dahon at tuyo na ang sanga Ay siya pa akong pinakanamamangha. Sabagay, tunay ngang nakamamanghang masilayan ang sinuman o anuman na nagpapakita na iwanan man tayo ng mga mahahalagang parte ng ating buhay, huwag tayong mag-alala dahil darating din ang bukas kung kailan may panibagong mga dahon at sanga na muling sisibol sa ating mga buhay. Magandang gabi sa lahat! @Mariagioia00
DATI... Tuwing sasapit ang huling buwan ng taon, ang lagi kong sambit ay "ang bilis talaga ng panahon". Ngunit, bakit tila iba ngayon. Bakit tila iba ang nais kong itanong? Na bakit, kahit tatlongdaan animnapu't lima lamang ang araw sa bawat taon, Ay tila nag-antay akong ilang dekada sa taong ito? Dahil ba mabagal talaga ang oras ngayon? O sadyang marami lamang negatibong pangayayari ang dumaan at nagpabigat, Kaya pati kamay ng orasa'y naging mabigat ang pagtiktak? Ano man ang rason, tingin ko'y di naman na talaga mahalaga. Nasambit at naitanong ko lamang, pero di naman ako naghahangad ng sagot. Dahil ngayon, ang pinakamahalagang katotohanan ay patapos na ang taon. Patapos na ang kalbaryo para sa mga tao't pamilyang hindi suwerte ngayong dalawang libo't dalwampu't dalawang taon. @Mariagioia00 PS: Puyat po ako ngayon, kaya pang walang tulog din ang mga sinsabi ko. Haysss. Magandang gabi!
GOOD NIGHT Don't have anything to say. Just wanna share this view, 'Coz this brings back so much memories During my highschool years. Nighty everyone! @Mariagioia00
LEGIT 'TO, PREMISE! ***Nakita ko lang sa isang post dati sa noise.cash ang tungkol dito kay Premise, then nitry kong i-download at pagkaabalahan. Nung una, nayayamot ako kasi ang kadalasan surveys ay worth of 2 and 3 pesos lang. Lagi kong napapansin dati na ba't ang tagal kong makaipon ng coins sa premise. Pero nung nabusy na ako, at hindi ko na masyado napapansin si premise (pero nagsasagot pa rin ako ng surveys), dun ko na lang namalayan na malapit na pala akong makapagcash out. At, ngayon nga eh ready to cash out na siya. Yey! Try nyo din kung gusto nyo noisy pipz, tiyagaan nga lang talaga. Pero at least may pang meryenda na naman ako later Lol. Magandang hapon sa lahat! @Mariagioia00
RANDOM JOKE (Magets nyo sana, lol) "Alam nyo ba kung bakit hindi NOBLE ang mga cheater at fuckboy?... ...kasi PURO sila BOLA!" Chos. ***Pasensya na sa joke haha, nagrereport kasi yung isang estudyante. Ang topic niya ay Sources of Happiness at nabanggit niya na isa ang NOBLE GOOD sa source of happiness, at may isa rin sa kaklase niya na ang sabi'y WALANG BOLA ang meaning ng NOBLE, kaya pumasok iyang joke sa isip ko. Lol Good day! @Mariagioia00
RANDOM THOUGHTS "I remember someone saying that the job or the imagination you usually thought of every time you are spacing out or day dreaming, is what you really and subconsciously wanted to be... and to have." I'm not really sure if that is true, but if that's true then maybe the path I went through and the path I'm about to cross now, is a wrong path for me. What about you, noisy pipz? What do you think? @Mariagioia00 PS: It's been a week since I last posted here how are you all?
DO YOU KNOW WHAT THIS IS? This is a Pewee egg. This is what you call to the very first egg layed by a hen. It usually weighs 42 grams and below, but I guess the one I've got here is 35 grams, it's really small! Anyway, I shared this to you so you' be reminded that chickens also begin with small and slow steps even on the things they are naturally good. To lay eggs is in their nature, but it does not require them to lay jumbo egg on their first lay. Did you get my point? What I mean is... ***"Hindi porket magaling ka sa ganito, eh palagi ka ng successful doon. Magkakaroon ka pa rin ng mga epic fails sa bagay na yun, at kapag nangyari yun don't duel on your failures too much, 'wag magpa-stress, malay natin next time, jumbo na ang magawa mo😉" Good afternoon, noisy pipz! @Mariagioia00
FRIENDLY STORY (LOL) Not sure if you'll gonna read it 'til the last word, but if you did, "Thank you very much, sana naging masarap ulam mo😉) chos! ****** Let me start with... I have this GIRL friend, nbsb, never been into any intimate relationship but she's not really naive. Then, there's another friend of mine, a MALE friend. He's been into many relationship. Month-long relationships with different girls. He's a playboy, but I'm sure he's not a cheater. Anyway, the story goes with this... This MALE friend admitted to us, his friends, that he liked our GIRL friend. He said, he liked her eversince we were in highschool, but he has no courage then to admit his feelings since our girl friend was a certified nerd (study-first girl). But last new year's eve, while we were jamming, he just blurted out that he likes our girl (our girl friend was not around during that jam), but we video-called her so she would know. Our girl friend learned about his feelings, but she didn't say anything, she just smiled and nod. Few days after that jam, another jam was held. Both our male friend and girl friend were there. And they talked, but just friendly talk (according to our girl friend). She also said that, our male friend never mentioned the confession to her and he also never said anything about his feelings towards her, so she thought he wasn't serious. To cut the long story short, these two people chatted online for few days only, and after few days, the girl friend keep saying to us (whenever we asked her about their status) that they don't chat and talk anymore. Actually, even us, his friends also had no communication with him anymore since he got his FB hacked. Then, just recently, I learned that he has already girlfriend. I don't know what to say to our girl friend, though I know that she never had romantic feelings with him, but still I think what our male friend did is disrespectful to our girl friend. He said he likes her, then few months after they last seen each other, he got into relationship with another girl. That's absurd! (well, just for me) What does he think of our friend, a game to be played when bored? Now, I believe that our male friend is not only a playboy but a meanest ghoster, 'cause he ghosted our dearest friend...again our DEAREST friend. Aissshhh! Ang feelings talaga parang klima ngayon, pabagu-bago, ang bilis magbago!🥴 That's all, noisy pipz! Just wanna share this to you all, nastress kasi ako sa kanila haha. Pero, seriously, what do you think our girl friend would feel if she learned that he already got a girlfriend? @Mariagioia00
PARASANGGOT Last week, may road accident sa katabi naming barangay. Kabal-kabal at mini-truck yung involve, and yung driver ng kabal-kabal na isang college student ay namatay. Then, nung nakaraang gabi naman, may nangyaring road accident ulit sa kasunod namang barangay kung saan may unang aksidente. Ang involve naman ay sasakyan ng isang nakainom na Pulis at motor na may binatilyong driver. Namatay din ang binatilyo. ***Si Mama ang nagkwento niyan, at dagdag niya pa na ganun daw talaga yun, ika nga niya: "tigsisimbag ang aksidente, para makidumamay" (sinasagot ang aksidente para makiramay). Lagi raw yan nangyayari, kapag may aksidente at namatay ngayong araw, sa susunod na araw ay mangyayari ulit yan. Nasa malapit pa raw kasi ang parasanggot (si kamatayan) kaya ganoon . Pero ngayon daw, na nakadalawa na ang parasanggot baka umalis na rin siya sa lugar namin. Hindi ko alam kung totoo ito, or isa lamang kwento-kwento ng matatanda. Pero dahil nga sabi ni Mama ay madalas itong mangyari, eh baka totoo talaga. Anyway, totoo man ito o hindi, hindi na yun importante, dahil ang tunay na mahalaga ay ang kaisipang 'HINDI NATIN ALAM ANG MANGYAYARI SA ATIN SA SUSUNOD NA MGA ORAS AT ARAW' kaya dapat 'GAWIN NATIN ANG MGA BAGAY-BAGAY NA PARANG LAST NA NATIN SA MUNDO'. "SEIZE EVERY MOMENT" ika nga nila, dahil malay natin bukas o sa makalawa, nandyan na pala ang Parasanggot para sunduin tayo. Magandang tanghali, noisy pipz! @Mariagioia00 PS: The photo was grabbed from Facebook, credit to the owner.
WHAT'S YOUR LOVE LANGUAGE? 'Someone said, "Couples/Lovers with different love languages usually don't last." Hindi raw kasi magkokonekta ang pagmamahalan ng dalawang tao, kung ang hinahanap na love language ng isa ay iba sa ini-expect nyang love language kaya ang tendency iisipin nya na hindi siya mahal.' ***Para mas malinaw; halimbawa ang love language ni babae ay pagsasabi ng I love you, hugs and kisses, at si lalake naman ay hindi ma-i love you, pero ma-effort at naglalaan ng time despite busy schedules...since magkaiba ang love language nila, may chance na pwedeng ma-fall out of love yung isa dahil nga hindi niya nakukuha o nakikita yung ini-expect niyang love language sa kaniyang partner. Anyway, hindi naman talaga ako totally sure sa sinasabi ko, wala pa naman kasi akong romantic experience. Pero, if it's about platonic and familial relationship, I will never mind having different love language with my friends and family, ang gusto ko lang naman kasi ay magbigay ng love sa kanila, it doesn't matter kong susuklian ba nila sa kahit anong paraan, okay lang nga kahit hindi na suklian chos! Magandang umaga, noisy pipz! Ikaw, what's your love language? @Mariagioia00 Photo ctto.
COMMENDATION Hey there noisy pipz! How are you all? It's been 5 days since the last time I posted here. I was inactive, NOT because I don't want to make a noise here anymore, BUT because I got busy preparing for my lecture today. I studied my topics thoroughly during the past few days , and I did my best to create assessment tools that would really assess the students' prior knowledge as well as their learnings after our lecture. Fortunately, our today's lecture was successfully DONE. Despite the 12 hours power interruption today, I am glad that I still made our discussion productive and effective through the visual materials I hurriedly prepared. Lol. That's all noisy pipz! I just wanna share this to you so you won't think that I intentionally ignored your posts. Lol again! Good night!😘 @Mariagioia00 PS: That was the photo of the certificate and tokens I received for being a volunteer lecturer for today's video, I mean for today's session!
I AM HAPPY! Why? Just because. ***I hope we can be like a sunflower; happy, bright and cheerful even without reasons. Good evening, noisy pipz! @Mariagioia00
SO TELL ME, "where shall I go? To the LEFT where nothing's right? Or to the RIGHT where nothing's left?" ***Saw this photo on my SD Card saved photos, and this really caught my attention. Napaisip kasi ako sa tanong, para kasing wala naman talagang maayos na pagpipilian. Pero kung kailangan talagang sagutin ang tanong na ito, ang pipiliin ko ay yung una. "To the LEFT where nothing's right." Dahil...wala mang tama rito, ang mahalaga mayron ka pa ring sinuman o anuman na maaring itama pagdating mo rito. Kaysa naman doon sa ikalawang pilian, na wala ka ng mababago pa dahil una palang wala ng natira. Kung ikaw ang sasagot sa tanong sa itaa, anong pipiliin mo? Magandang hapon, noisy pipz! @Mariagioia00 Photo ctto
DREAM I woke up in a place, where God gave many graces. Oceans, forests and other creature, still my eyes can capture. Few years had passed people changed; they became stubborn. They now don't care 'bout any kind of extinction. Even to the next generations, who'll suffer and mourn. With the problem of our nation. One time, a supertyphoon Yolanda came, it hits the East Philippines, and thousands were killed. Anger, fear, regrets and loneliness--we all had felt. I hope it was just a dream. A dream that stops if we're awakened. A dream that doesn't really happens. So, all the people were not to be blame. Unfortunately, it was never a dream. All the things that happened were real. The calamities and tragedies we have experienced. Were the aftermaths made by the power of environment. -magioia- ***I wrote this poem when I was in Grade 10. And, it was my first ever poem written in English. I wanted to post it here in commemoration of the anniversary of all the victims of ST Yolanda on November 3-11, 2013. That's all! Good night, noisy pipz! @Mariagioia00 PS: Photo credit to the owner
A LIVING DEAD ***I thought this tree is DEAD for its branches are DRIED already, and all the leaves had FELL on the ground. I was actually planning to pull it OFF from where it's standing, but when I looked closely to it I saw NEW branches and leaves growing on the lower part of its small trunk. That's when I realized that no matter how things or people look dead figuratively, as long as they're still FUNCTIONING or STANDING still, we should never take their CHANCE, to be used and to live, AWAY. We should just let them be a LIVING DEAD, because maybe...maybe they are just waiting for the right TIME, the NATURE'S will, and HIS will to let them GROW and BLOOM AGAIN. Good afternoon, noisy pipz! @Mariagioia00

"PAHINGI PO KAHIT KONTING BARYA, PAMBILI LANG PO NG PAGKAIN" ***May binatilyong bigla na lang naglagay ng index card sa may lap ko, at ang nakasulat ay "blah blah...pahingi po ng kahit konting barya, pambili lang po ng pagkain." Kung kayo ang nasa posisyon ko, anong mararamdaman nyo? Awa ba? Pagkalungkot? O kawalang respeto? Ako kasi, kawalang respeto talaga ang totoo kong naramdaman. Pwede nya naman kasing ibigay ng maayos, kaya lang talagang kusa nya pang pinatong sa may kandungan ko. Wala naman akong ginagawang importante, nagseselpon lang kaya okay lang naman sanang istorbohin. Tapos nung, nag-iisip pa ako kung magbibigay ba or what eh andun na siya agad sa may tabi ko. Ni-try kong ibalik sa kanya yung index card lang kaso hindi nya tinanggap, as if "KAILANGAN" magbigay talaga ako. Anyway, binigay ko pa rin naman sa kanya yung barya na nasa bag ko, kaya lang hindi tulad ng dati na kusang-loob ko, ngayon eh parang against sa kagustuhan ko talaga, napilitan ba. Alam kong may iilan dito na mag-iisip na ang sama ko naman, pero sa totoo lang, hindi po talaga ako maawain sa mga taong kagaya nung binatilyo kanina. Maayos naman kasi ang pangangatawan nya, wala namang diperensiya, hindi pilay, walang disability...pero imbes kumayod eh pasimpleng namamalimos siya sa mga pasahero. Alam ko namang mahirap ang buhay ngayon, ramdam na ramdam yan ng karamihang pamilya ngayon. Pero gaano man kahirap ang buhay, dapat kayod kalabaw pa rin, wag dapat tayong umasa sa pamamalimos, dahil minsan may mga tao tayong nahihingian na kahit walang-wala naman talaga, nagbibigay pa rin. Magandang umaga po sa lahat! @Mariagioia00
CAT "Love means giving a CAT...a Care amidst Turmoil." ***If you can give someone your care, despite the terrible and negative things that envelops his/her being, then that's LOVE. If you can give someone your care, despite the turmoil in your head, and the turmoil on your relationship...that's LOVE." If you can give someone your care, despite the trust issues, the bitter feelings she/he gave you, and the turbulence in your journey, etcetera etcetera...then that's LOVE. Love cares. I don't believe when people say, "I care for you, but I don't love you", because in reality people only gives care to those that matter to them, to those people who they love...love as human being, as a person, as a friend, as a partner, and as a family. That's all, good night noisy pipz!💚 @Mariagioia00
"TIME is a TREASURE, so TREASURE your TIME." -magioia- ***This was a High School graduation gift from my mother. And I treasured and loved it so much, not only because it was from her, but also because, this watch has a very unique and beautiful design (I am talking figuratively). Its design, the world map and an airplane travelling, somehow taught me that each second of our life is different, and each second may also bring difference to our life. Hence, we should always treasure every second, every moment and every hour of our lives. We should spend our time for OUR happiness and the happiness of our love ones, 'cause just like what Marthe Troly-Curtin said, "A time you enjoyed wasting is not wasted time." That's all! Good afternoon, Noisy pipz! @Mariagioia00 PS* Sira na po pala iyang relo, nasira iyong battery simula nung nag-pandemic (2020), nakalimutan ko kasing isuot hehe. PS**Sino po pala may link para madownL itong noise.app sa playstore, hindi ko pa kasi nadadownL until now lol. Palagay naman po sa reply section, thank youuu!
JUSTICE HIGH ***Hindi ko alam ang age-range ng mga noisy pipz natin dito sa noise, pero kung ikaw ay isa sa mga nakabasa na ng book/wattpad version ng He's into Her (S1-S3) by Maxinejiji, at hindi mo pa napapanood ang Korean Movie na Justice High. Ay naku, simulan nyo ng panoorin haha, ang bidang babae kasi sa korean movie na iyan, siya iyong naiimagine kong Maxpein; tahimik, Poker face, maikli ang pasensiya, at nabubully pero magaling makipaglaban. Maganda po yung movie, kahit typical highschool themed movie siya. What I mean sa typical highschool theme ay yun bang ang conflict ay maliit na issue lang naman, pero pinalaki ng pinalaki hanggang sa naging malaking issue na talaga. At isa pa, yung ending ng movie parang bitin, kahit na kung tutuusin eh tapos na talaga ang story. Cliff hanger ata ang tawag sa ganung ending, not sure though. Anyway, yun man lang po, share ko lang haha.. Magandang gabi sa lahat! @Mariagioia00 PS: First time kong nabasa ang HIH four years ago. Four years later, ilang beses ko ng paulit-ulit na binasa ang story nito simula season 1 hanggang season 3. Hehe
SGE 'The SCHOOL for GOOD and EVIL' ***To those who like fantasy movies, I suggest you should watch this one. It's rated PG so it is also okay for children to watch this. Ang ganda rin po ng mga aral na itinuturo nito kaya marami ka ring marerealize. Para sa mga bata, this movie would surely teach them that the GOODness of our hearts cannot be seen on how GOOD-looking we are. What I mean is, our physical attributes doesn't define our real attitude. Hindi porket hindi kagandahan ang itsura o mukha tayong witch ay masama na ang ugali natin, at hindi rin porket maganda ang pagmumukha natin na parang prinsesa eh maganda na rin ang ugali, hindi yun ganun. Another thing, ang true love ay hindi lamang mahahanap sa mga "THE ONE" natin, o di kaya'y sa pamilya natin...maaari din itong mahanap sa mga kaibigan natin. Iyon nga lang, mahirap talagang makahanap ng true love sa kaibigan lalo pa't ang paghahanap nga ng true friends ay pahirapan na rin. Yun lang po, skl hehe. Magandang gabi po sa lahat! @Mariagioia00
OCTOBER 31st ***I don't have anything to post actually, I just want to make some noise in my account lol. Anyway, how's your last day of October 2022 going? Mine's somewhat unproductive. I just watched Cinderella movie, scroll on my socmed accounts, watch tiktok videos and that's it. Tapos na kasi akong maglaba at maglinis kahapon, kaya me-time ang peg ko ngayong araw. Bukas, November 1st na, anong mga plano ninyo aside sa pag-celebrate ng All Soul's and All Saint's Day? Ako kasi, itinatak ko na sa isip ko na bukas...bukas na bukas magstart na akong magself-review para sa board exam next year. May mga reviewer naman kasi ako matagal na, kaya lang sipag at motivation yung wala ako nun. Bukas palang darating haha. Chos! Yun man lang, share ko lang po talaga haha. Magandang hapon sa lahat!😘 @Mariagioia00
PAULIT-ULIT Na lamang ang gantong sitwasyon. Sa tuwing nagsisimula ang bungahan, Sa tuwing magsisimula na sana ang anihan. Bigla silang sunod-sunod at mag-uunahan Tatapakan, dadaanin, papatumbahin mga tanim sa palayan. Kaawa-awa ang sitwasyon ng lahat, pati magsasakang sa palayan ibinuhos halos lahat. Sipag, pawis pati pera nilang na di naman sumasapat Naubos, nasayang dahil sa mga bagyong hindi maampat. ***Iba-iba ang epekto sa atin ng bawat bagyong dumarating. Mayroong binabaha, nagkaka-landslide, storm surge, nasisiraan ng mga ari-arian, at nawawalan ng mahal sa buhay. Dito sa amin, ang pinaka-pinangangambahan kapag may bagyo ay iyong pagkasira ng mga sakahan at pagkatumba ng mga palayan. Karamihan kasi dito sa amin, sa pagsasaka kumukuha ng kabuhayan. Kaya ang anumang pagkasira sa mga palayan, ay sadyang napakalaking epekto para sa amin. Gustuhin man namang ipagpasalamat ng buong puso na kami ay ligtas mula sa kalamidad, hindi pa rin namin tuluyan maggawa pagka't na andun pa rin sa puso namin ang panghihinayang para sa mga nasira. Gayunman, kagaya ng ginagawa namin palagi sa tuwing natatapos ang bagyo, babangon na lamang kaming muli. Pipilitin iraos ang natitirang mga buwan ng taong ito, sa pag-asang baka ang susunod na taon ay mas maraming biyaya na ang dumating. Magandang umaga po sa lahat! Sa lahat ng mga nadaanan ni Paeng, huwag nating hayaang gawin niya tayong marupok. Tandaan: malakas lamang ang dating ni Paeng, pero sanay na tayong mga Pilipino sa katulad niya kaya BANGON at LABAN lang! @Mariagioia00 PS: Ang larawan na iyan ay isa sa mga kuha ng kapatid ko mula sa sakahan namin. Nagsisimula palang sanang magbunga ang mga palay pero pinatumba na agad, ang dami pa namang naging gasto namin dahil sa matataas na presyo ng fertilizer. Hayss!
PAENG Nawa'y malusaw ka na bago ka pa umabot sa lupa. Maraming pamilya na ang natatakot at nangangamba. Maraming magsasaka na ang nababahala, para sa mga tanim nilang maaaring masira. Maraming mangingisda ang hindi makapangisda dahil sa panganib na iyong dala. Maraming trabahante't empleyado ang apektado dahil sa iyong dalang ulan at baha. Sunod-sunod na ang bagyo, parusa ba ito? Hindi lahat ang may kasalanan, pero talaga bang damay lahat tayo? Sa paulit-ulit...sa sunod-sunod na pagsidatingan ng kalamidad. Nawa'y magsilbi itong aral para sa lahat. Iilan man ang may kagagawan, lahat pa rin tayo ang aako ng responsibilidad. Kaya, pakiusap lamang...mahalin at alagaan natin ang kalikasan. ***🙏Ipinalangin po nating lahat na sana'y malusaw na lamang ang bagyong si Paeng. Mag-ingat po tayong lahat! At magandang gabi! @Mariagioia00
NARANASAN nyo na ba? Ang mapagod, kahit wala kang ginagawa? Ang maging malungkot kahit wala namang dahilan? Ang tumitig sa larawan kahit ang isip ay nasa kawalan? Naramdaman nyo na ba? Ang katamlayang parang patay? Ang kawalang-gana gaano man kaganda ang buhay? Ang pagtibok ng pusong tila mula sa hukay? ***Sa kadiliman ng langit, at sa ingay ng hagulgol nito, ang sarap magmuni-muni sa mga bagay-bagay, at tayahin ang mga pangyayaring nagdulot ng maganda at masamang epekto sa ating buhay. Habang nakatanaw sa may bintana, titig na titig sa bawat patak ng ulan sa lupa, hindi ko mapigilan ang kalungkutan at insekyuridad na bumabalot sa aking isipan. Tila ang mga patak ng ulan ang nagsisilbing salamin upang makita ko ang mga negatibong bagay, na pilit nilalason ang aking positibong perspektibo. Ito ang isang dahilan kung bakit minsan hindi ako masaya sa pag-ulan, hindi lamang kasi ang lamig ng panahon ang bumabalot sa akin kundi pati ang mga negatibong emosyong hindi ko mapigil sa pag-alpas at pagyakap sa akin. Magandang hapon sa lahat! Pasensiya na sa masyadong malungkot na post na ito hehe. @Mariagioia00 #originalcontent
OVERWORK pero UNDERPAID ***Pumunta ulit ako ngayon sa PAO dito sa amin, as usual para kumuha ng affidavit. Pagpasok ko sa office, si Attorney agad ang bumungad sa akin, nakaupo sa may mesa ng secretary nya (lumabas kasi ata si Ma'am Sec.) Anyway, dahil yata sa pagkainip ni Attorney kakaantay sa mga kliyente, nagawa at naibigay nya agad ang hinihingi ko. Pero, hindi pa ako nakaalis agad sa PAO, may konting pa-sermon kasi Atty. Nabanggit ko kasi nung tinanong niya ako na magte-teacher ako, ang sabi niya..kung sigurado na ba raw talaga ako sa teaching career, kasi ang nanay niya raw ay isang teacher at ang asawa niya ay lawyer sa DepEd, and alam niya raw ang kakaibang sistema dito. Kadalasan daw madaming trabaho sa pagtuturo, madaming papel na kailangan trabahuhin, overwork kumbaga...pero gaano man kadami ang trabaho nila, nanatili pa ring hindi sapat ang kanilang sweldo. "Overwork pero underpaid". Kaya tinanong niya ulit ako if wala na ba talaga akong balak magtry sa ibang government agency, yung bang mga trabaho na kahit hindi matrabaho, mataas naman ang sweldo at may hazard pay pa. Ang sagot ko lang kay Atty ay pag-iisipan ko pa. Actually, hindi lang naman si Atty ang nagsabi or nagpahiwatig sa akin na hindi kagandahang propesyon ang pagtuturo dito sa Pilipinas, dahil nga sa sistema ng edukasyon dito. May mga dati nga akong teacher na sila mismo ang nagsabing wag na akong sumunod sa path nila, kasi ang hirap nga raw talaga. Pero still, ito pa rin yung pinursue at pinupursue ko hanggang ngayon. Kung hindi talaga ito para sa akin, edi hindi, pero hangga't wala pang malinaw na signs na hindi ko calling ang teaching, patuloy ko pa ring aabutin ang propesyong ito. Yun lang naman, skl hehe. Magandang Hapon sa lahat! @Mariagioia00
UMIIYAK NA NAMAN SIYA, ang lakas ng buhos. Ano na naman kaya ang dahilan bakit nagkaganito? Dahil ba sa bagyo? Siguro. Ganun naman kasi talaga. Ang tao nga, pag nakararanas ng bagyo sa kanilang mga puso, idinadaan na lang din sa pagbuhos ng luha. Lalo na kapag hindi na kaya ng talukap natin o ng ulap ng langit ang bigat ng luha at ulan! Magandang hapon sa lahat! Nawa'y hindi magtuloy-tuloy ang pag-ulan sa susunod pang mga araw, nakaschedule pa naman ang anihan ng palay dito sa amin sa sunod na linggo. Skl. @Mariagioia00