SHATONG GAME aka SIATO It is a traditional Filipino game that makes use of two sticks, one longer than the other. The longer stick will serve as the bat and the shorter stick serves like the hit. -google- ***Naalala nyo pa ba ang larong ito? Nakita ko lang ang larawan ngayon sa facebook, at bigla kong naalala yung napakasayang memorya nung bata pa ako. Isa itong Siato sa paborito naming laruin ng mga kaibigan at pinsan ko, wala kaming pinipiling oras nun, kahit tirik ang araw andun kami sa may tabing kalsada para maglaro nito. Di bale nang mangitim ang mga balat namin basta nakapaglaro at nag-enjoy kami. Pero ngayon, parang wala ng mga bata ang nakakaalam sa larong ito. Ang alam na lang nilang laruin ay mga mobile at video games. Nakakaawa sila sa totoo lang dahil ang kasiyahan nila ay limitado lamang sa isang maliit na parihabang bagay na tawag ay Cellphone, di katulad noon na sin-lawak ng school ground ang kasiyahan namin dahil kung anu-ano ang nilalaro namin. Pero sabagay, iba naman talaga ang panahon noon kaysa ngayon. Kahit ano mang pagkukumpara ang gawin ko at gawin natin, mauuwi pa rin ito sa puntong wala tayong magagawa dahil iba ang panahon at kapaligiran g kinalakhan natin noon sa ngayon. Noon, okay pa ang paglalaro sa malapit sa kalsada at pagbabad sa init ng araw dahil safe pa naman. Pero ngayon, mahirap na...dahil mas marami na ang kaskaserong sasakyan, mas matindi na ang sikat ng araw, at may mga umaaligid pa na nangunguha ng mga kabataan. Anyway, share ko lang naman po. Hehe Makulimlim na Linggo po sa inyong lahat! At ingat po sa lahat na nakatira sa may TCW signals! @Mariagioia00 Photo credit to the owner.
No comments yet