CARPENTER BEES ***Kuha ko itong larawan kaninang hapon lang. Hindi ko naipost agad kasi maghapon akong nanood ng movies at nagbasa ng wattpad haha. Anyway, ang tawag pala rito ay Carpenter Bees. Mula bata hanggang ngayon, takot ako sa bubuyog na ito. Kapag nakakakita ako ng ganito na lilipad-lipad, naghahanap agad ako ng kahit anong pwedeng pangtaboy, baka kasi tusukin o kagatin nila ako. Pero ngayon, nang i-search ko ang pangalan nito, dun ko nalaman na ang mga nakikita pala nating Carpenter Bees na lilipad-lipad ay mga lalake. At ayon kay google, ang male carpenter bees ay walang stinger, nagpoproduce lang sila ng buzz sounds at lumilipad-lipad sa may harap or taas natin para protektahan ang beehive nila na nasa malapit lamang. Samantala, ang female carpenter bees naman ang siyang may mga stinger, pero kadalasan naman ay nasa beehive sila, kaya matutusok lamang nila tayo once i-provoke natin sila. Sa madaling salita, ang punto ko lamang po ay: "Harmless ang carpenter bees". Kaya if ever may makita kayong aaligid-ligid na ganito, itaboy nyo lang po pero 'wag na wag nyo po silang papatayin, dahil malaki po ang ambag nila sa tinatawag nating pollination. Yun lamang po, share ko lang hehe. Magandang gabi sa lahat! @Mariagioia00 #originalcontent
1 comment
nice info sis Masakit pa naman yan pag na sting ka nila huhu