TRYING HARD ARTIST Isa ka rin bang one chat away Ate? Ako kasi oo, certified One Chat Away Ate ng mga kapatid at pinsan ko. Kapag kailangan nila ng tulong sa school works and projects, lagi akong nandyan. Hindi dahil nauuto nila ako (lol), kundi dahil alam ko kung gaano kahirap ang i-survive ang pag-aaral ng walang tulong bukod sa financial at moral support ng pamilya. Alam ko ang pakiramdam ng gumawa ng mahihirap na mga assignments at projects ng mag-isa. Mahirap at nakaka-stress! Kaya, as much as possible, tinutulungan ko ang mga kapatid at pinsan ko, para kahit papano hindi sila sumuko sa kanilang pag-aaral. Kagaya kagabi, nagchat sakin college student na tito ko (pero mas matanda ako sa kaniya). Tinanong niya ako if marunong ba ako mag drawing, ang sabi ko naman hindi masyado, drawing lang na pang-comply ang kaya ko. Okay na raw yun sabi niya, papadrawing daw kasi siya ng animal at plant cell, at ito na nga yung resulta. Kakangalay pala magdrawing nito, jusko, ang sakit sa kamay. Haha. Pasensiya na po sa drawing, kakahiya sa mga artist dito, hindi naman po kasi talaga ako artist---trying hard artist lang lol. Anyway, share ko lang po hehe. Magandang hapon sa lahat! @Mariagioia00 #originalcontent
No comments yet