read.cash Log in
M@Mariagioia00 more from that month

HS BESTFRIENDS "Staying with your group is always a choice." -magioia- ***Naalala ko lang yung sinabi ng isang kaibigan ko sa training, sabi nya naiinggit daw sya sa highschool batch namin, dahil hanggang ngayon daw ay close pa rin kami at laging nagjajam. Nagagawan daw namin palagi ng paraan para mapagsama-sama ang batch namin. Sabi ko naman sa kanya, wala naman kaming ginagawa actually, nag-iinvite lang naman kami. Yung gustong sumama, edi go. Kung ayaw, edi 'wag. Wala namang pilitan na nangyayari, kasi choice naman nila iyon kung gusto o ayaw. Choice nila kung gusto nilang maki-join o hindi. Pero, sa kabutihang-palad mas madalas naman na gusto nila, kaya ayun nakakapagjam kami. Ngayong araw lang talaga hindi sila nakajoin, since biglaan yung pag-aya namin at may mga nauna na silang gagawin, kaya kaming magbebestfriend lang ang nakagala. Bestfriends kami since Highschool, lima kami sa circle namin pero yung isa hindi nakasama dahil hindi pinayagan ng magulang. (opo, sa edad naming lagpas bente, uso pa rin ang hindi pinayagan ng magulang. Lol) Anyway, share ko lang naman po. Super enjoy kasi kami today, sana kayo rin. Chos! Haha Magandang gabi sa lahat! PS: Nasa Sagurong po uli kami, yung cold spring. Inaya ko sila rito kasi nabitin ako dun sa last na swimming namin dito. Haha

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.