PERYA "Manghinayang man tayo sa huli, ayos lang, dahil kahit papaano'y naramdaman din naman natin ang di matatawarang saya habang tayo ay nagpeperya o nagmamahal". -magioia- Alam nyo ba kung bakit sugal ang pag-ibig? Ayon kay google, ito'y dahil sa pag-ibig nagtitake risks tayo. Itinataya natin ang ating oras, efforts at feelings, kahit alam nating maaaring hindi ito masuklian, kagaya sa mga sugal na nagtataya tayo kahit alam nating maaari tayong matalo. Pero, alam nyo ba ang isa pang rason kung bakit sugal talaga ang pag-ibig? Ito'y dahil, halimbawa sa perya...kapag pumupunta tayo ng peryahan, ang usual na iniisip natin ay mag-eenjoy tayo, matutuwa at kung anu-ano pang positibong pakiramdam, pero ang hindi natin alam iba-ibang emosyon na pala ang nararamdaman natin kapag tayo'y nagpeperya. Minsan sobrang saya, lalo na kung nananalo ng doble o triple ang ating taya. Minsan naman inis, kapag sunod-sunod na ang talo ng taya natin. Minsan excited, lalo kapag sa bawat game na tinatayaan ay nanalo tayo. Meron ding takot, kapag napasok sa horror house o di kaya'y sumakay sa rides na tulad ng vikings. At minsan din ay panghihinayang, lalo na kapag malaki na panalo natin pero di pa rin tayo tumigil sa pagtaya. Kagaya ng sa perya, kapag nagsusugal tayo sa pag-ibig ang usual din nating iniisip ay magiging masaya tayo, as in a 'happily ever after' na kasiyahan. Pero ang hindi natin alam, lahat ng pakiramdam na nararamdaman natin sa pagpeperya tulad ng sobrang saya, inis, excitement, takot at panghihinayang ay ramdam na ramdam din natin kapag tayo ay umiibig. Halu-halo ang emosyon natin kapag nagpeperya man o nagmamahal. Pero, gayunman, ang dapat nating isaisip at isa-puso ay, "Manghinayang man tayo sa huli, ayos lang, dahil kahit papaano'y naramdaman din naman natin ang di matatawarang saya habang tayo ay nagpeperya o nagmamahal". Yun man lang, share ko lang po hehe. Good night everyone! Sweet dreams to all! @Mariagioia00 PS: Tungkol sa perya ang content, dahil kagagaling lang namin sa peryahan ngayon haha.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
6 comments
Very true, sistah! Kaya pag-isipan ng madaming beses bago ito pasukin.
Oo nga po, wag dapat basta-bastang pumasok lalo kung hindi handa sa maaaring kahihinatnan.
Very well said kaingay
Thank you po.
minsan kelngan natin tumaya, minsan ang iba nanalo at natatalo Natawa ako sa huli sis na gleng ka peryahan hehehe
Opo haha, sinamahan ko mga bata kong pinsan hehe