RECURRING DREAMS I am not really sure kung recurring dream ba yung panaginip ko kagabi, pero kasi, bawat scene doon feels like alam ko nang mangyayari. Sa panaginip ko, may kasama akong dalawang bata and for some reason hinahabol kami ng masasamang tao. Yung mga lugar na pinagtataguan namin sa panaginip ko, alam ko ng doon kami magtatago. Para talagang inuulit ng isip ko yung isang pangyayari na gaya sa panaginip kong ito. Also, meron din palang ala-Cardo na tumutulong samin sa panaginip ko, nakakatawa man isipin pero iyon talaga. Alam kong masyadong weird nitong panaginip , pero sabi sa google kapag may recurring dream ka raw ibig sabihin may mga issues or stress ka pa na unresolved. Iniisip ko pa hanggang ngayon kung meron nga ba pero wala akong maisip, ang alam ko lang meron pa ring mabigat sa puso ko. Dagdag pa, sabi rin ni google, dreams about being chased means 'anxious about something, experiencing heightened or ongoing stress. Worried about an upcoming event. Wishing to avoid something you'd rather not face.' And I think, tama ang meaning na ito, kasi I am so anxious and worried about the future right now. Pilitin ko mang maging positibo araw-araw, may mga oras pa rin na nakakasingit ang mga negatibo. Anyway, ayoko sanang simulan ang Lunes natin ng puro negatibo, kaya after ng mga mema ko sa itaas...gusto ko lang ipaalala na 'GOD is the author of our LIFE', kaya habang hawak-hawak pa rin ni God ang panulat ng ating kwentong, ibig sabihin nun may pag-asa pa tayong magkaroon ng magagandang plot twist, basta patuloy lang tayo sa ating buhay. Magandang araw sa lahat! @Mariagioia00
3 comments
Sometimes naman hindi ko maalala kung anong nangyari sa panaginip ko haha.
May minsan din na hindi ko na maalala ang panaginip ko..kaya kung gusto raw na wag makalimutan ang panaginip, mas mabuting isulat daw kaaagad.
Nagbibigay daw babala amg panaginip pero di lahat. Mahabang paliwanagan pa at iba-iba ang lumalabas kay Google.