read.cash Log in
M@Mariagioia00

GRADWEYT... Maraming taon ang ginugol, Ilang kilay na ang sinunog, Makailang ulit na din nadapa't sinubok Makarating lamang sa linya ng "Pagtatapos" Subalit, bakit ganito? Bakit imbes kagalakan Ay tila puno-punong ako ng kalungkutan? Bakit imbes na magparangya ako ng aking diploma, Ay tila ako'y makahiyang tumitiklop pagka't ito'y aking ikinahihiya? Mali ba ang ganito? Mali bang ikahiya, Ang diplomang hinahangad ng iba? Mali bang sa kabila ng pagtatapos ng kolehiyo Ay tila di ako masaya at nakontento? Pasensya na ah! Pasensya na kung ganito, Nahihiya kasi talaga akong sabihing, "tapos na ako sa kolehiyo" Dahil sa tuwing nababanggit ko na "Gradweyt ako!" Ang kasunod lagi nito'y panghuhusgang, "GRADWEYT... pero walang trabaho?" -magioia- ***Sa mga tao po dyan na mahilig mang-pressure, please, tigilan nyo na po. Kung hindi pa handa o ayaw pa magtrabaho ng isang fresh graduate, hayaan nyo na lang po. Hindi naman sila magiging ganyan buong buhay, nagpapahinga lang. Hindi naman siguro masamang tumigil at magrelax saglit diba? Nais lamang nilang ibalik yung kumpiyansa at motibasyon nila na naubos nung nag-aaral pa, para kapag sumabak na sa pagtatrabaho, eh super-ready na talga sila. Dagdag pa, bago po sana tayo magsalita ng kung anu-ano, pakatignan at pakaisipin din muna natin ang sitwasyon at reyalidad sa Pilipinas kung saan marami nga ang trabaho, ang tataas naman ng mga hinihinging kwalipikasyon. Yun lang po hehe. Magandang hapon sa lahat! @Mariagioia00 #originalcontent #idaankonalangsatula PS: Marami sana akong gustong i-rant pero wag na lang , iyan na lang haha.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.