read.cash Log in
M@Mariagioia00

MADAM BIRTUD "Hindi mo kailangang hintayin ang approval o magagandang komento sayo ng ibang tao para lang malaman mo na tama, magaling o maganda ang ginawa o nagawa mo. Mas mabuti pa ring nagtitiwala ka sa iyong sarili, yun bang kahit ano mang maging resulta ng ginawa mo ay masaya ka pa rin, dahil alam mo sa sarili mong ibinigay mo naman ang iyong buong makakaya. At isa pa, lahat ng tao ay nagkakamali kaya maaaring wala silang gaanong karapatan para husgahan tayo. Lagi na lang nating tandaan na sa paningin ng Diyos lahat tayo ay pantay." ***Noong nasa highschool pa ako ang hilig-hilig kong isulat ang mga magagandang naririnig, nababasa at naiisip ko. Wala pa ako noong cellphone at di pa uso sakin ang notepad, kaya yung mga lumang notebook ko ang lagi kong pinagsusulatan. At kanina, habang nag-aayos ako ng mga lumang gamit ko, nahalungkat ko itong black notebook ko kung saan nakasulat yung mga sikreto ko at hugot lines. Isa sa nabuklat ko ang ADVICE (paraphrased) na ito mula kay Madam Birtud. Buti na lang talaga nabuklat ko ito, kasi sobrang pressured ako ngayon, and ito ang kailangan ko. Ang paalala na huwag nating paka-intindihin ang sasabihin ng iba. Kung HINDI KA PA READY sa isang bagay, edi HUWAG MONG PILITIN. Kung gusto mong DAHAN-DAHANIN ang ang mga BAGAY-BAGAY, edi GO lang. Huwag mong pansinin ang mga marites mong kamag-anak o kapitbahay, kasi ano man ang maging RESULTA ng ginawa mo, ikaw rin naman ang MAAAPEKTUHAN, ikaw rin lang naman ang TATAMASA. Magandang hapon sa lahat! @Mariagioia00

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.