read.cash Log in
M@Mariagioia00

MARITES SA SIMBAHAN ***Naalala ko yung kwento ng isang mananampalataya na ayaw ng magsimba, kasi raw karamihan ng nasa simbahan imbes magdasal ay nagdadaldalan at nagtsitsismisan, yung mga bata naglalaro't nagtatakbuhan, at ang iba nama'y nagseselpon. Napansin niya na parang ginagawa ng pasyalan o parke ang simbahan, imbes lugar ng sambahan. Kaya't ninais niya na 'wag ng magsimba, ngunit sabi naman ng Pari, 'sige hahayaan kita, pero may kondisyon... kailangan mong ilibot sa loob ng simbahan ang isang baso na puno ng tubig, at kailangan walang ni-patak ang mabawas dito.' Sinunod nga ito ng mananampalataya, at nagawa niya ito ng matagumpay. Pagkatapos, tinanong siya ng Pari, kung nakita, narinig at napansin niya ba raw ang mga negatibong ginagawa ng mga tao sa simbahan habang inililibot niya ang baso na puno ng tubig. Ang sagot ng mananampalataya ay hindi dahil nakapokus ang tingin at atensyon niya sa baso na may tubig. Ganun din daw dapat sa pananampalataya, ang baso na may tubig sa kwento ay sumisimbolo sa Panginoon. Dapat sa Kaniya nakapokus ang ating tingin at atensyon sa tuwing magsisimba tayo, nang sa gayon hindi tayo matinag ng kahit anong negatibong ginagawa ng mga tao sa paligid natin. Nabanggit ko lamang itong kwento pagka't kanina, ginawa ko naman ang best ko para makapokus sa homily ni Father pero di ko magawa-gawa dahil nasasapawan ng ingay ng dalawang marites na katabi ko ang sinasabi ni Father. Ayaw ko man mainis dahil nga nasa simbahan, pero di ko napigilan. Ngali-ngali akong lumipat ng upuan kanina kung hindi lang nakakahiya at kung meron pang bakante, todo kasi talaga daldalan ang dalawang babae. Okay lang sana kung pabulong silang magdaldalan para di makadistract, kaya lang ay normal voice ang gamit nila kaya rinig na rinig. Yan tuloy, natapos ang homily na hindi ko lubos naintindihan. Anyway, share ko lang naman. Nawa'y sa sunod, tahimik na ang makatabi ko sa upuan. Magandang umaga sa lahat! Happy Friday! @Mariagioia00 PS: Ang kwento po na nabanggit ko ay base lamang sa naaalala kong kwento sa akin ng kaibigan ko, pero ganoon po ang punto/ideya ng istorya.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.